Luke's POV
Sobrang awa at galit ang aking nararamdaman. Naawa ako kay ced, dahil sa sobrang pagmamahal niya kay jake ay nabulag siya nito. Hindi na niya nakikita ang mga pangaabuso sakanya. Bilib din ako kay ced dahil kung magmahal ito ay tunay at purong puro.
Sumisikip ang dibdib ko habang nagkekwento si ced. Sobra sobrang kagaguhan at kabastason ang ginawa niya kay ced.
Kahit na buong-buo ang pagmamahal niya kay jake hindi ito nakita, binahiran pa ng dumi ang pagkatao ni ced. Tsk. Bobong tanga. Hindi niya alam kung gaano siya kaswerte dahil kahit ganoon siya kabarumbado ay may nagmahal sakanya ng tunay at tapat. Nakakapanghinayang kung iisipin dahil sobrang kasayangan ang ginawa nito.
Naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung naawa ba ako o naiingit kay jake, inggit dahil minahal siya ng tunay n iced. Gusto ko din ng pagmamahal na binigay ni ced kay jake.
Kung pagmamahal man ito para kay ced ay hindi ko pa masasabi ngayon. Kahit ayaw man ni ced dahil hindi pa siya handa ay ayos lang sa akin kahit magkaibigan lamang kami.
Sa ngayon ang priority ko ay maprotektahan siya kay jake o kahit kanino mang may balak siyang gaguhin. Ayaw ko nang may maulit pa na ganong kabalastugan sakanya. Kung ano mang gumugulo saking damdamin ngayon ay hindi ko talaga muna masabi.
Pero nung sinabi niya na baka magbago tingin ko sakanya biglang may pumasok sa aking isip na kung anong kabalastugan, ano nga bang pagtingin meron ako sakanya? Alamin natin yan! Sino naguguluhan sakin? Me.
Pagkatapos niya magkwento ay iyak lang siya ng iyak. Ramdam ko ang sakit ng loob na kanyang nararamdaman. Niyakap ko siya at sinubukang patahanin hanggang sa makatulog siya na nakayakap sakin.
Binuhat ko siya mula sa terrace hanggang kwarto ko, medyo may kabigatan pero mas gusto ko siya ibuhat kesa sa mga binubuhat ko sa gym hehe. Yabang.
Inihiga ko siya at pinunasan ang mukha. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng malapitan, kahit nasa hitsura niya ng medyo may pagka badass parang hindi ko magagawa ang nagawa ni jake sakanya. Shabu nga naman.
Nang maayos ko na ang pagkahiga niya at nasiguradong comfortable na siya ay papasok na sana ako sa banyo upang makapaglinis man lang ng katawan nang bigla siyang nagsalita.
“luke samahan mo muna ako.”
“oo. Magbabanyo lang ako.”
"sige."
Paghiga ko sa tabi niya humarap siya sakin at tinawag ako.
“luke mababa nab a ang tingin mo sakin?”
“hindi at kahit na gaano ko isipin ay hindi ko magawang bumaba ang tingin ko sayo, isa kang tunay kung magmahal. Sa totoo lang idol na nga kita eh, ang tapang mo. Saying nga lang ay binalewala lang ni jake ang binibigay mong pagmamahal sakanya.”
"buti ka pa na-appreciate mo ako.. kung pwedeng ikaw nalang.. kung pwede lang sana.."
Nagulat ako sa sinabi niya. Sagot kaya ako ng ‘oo, ako nalang!’ pero di ko kaya. Torpe, ayaw ni ely buendia iyan!
Nang pasagot n asana ako ay nilingon ko siya kaso tulog na. sayang. Kung ako lang talaga si luke ay hinding hindi ko sasayangin ang bawat araw na meron kaming magkasama, pupunuin ko ito ng magagandang memorya.
Sigurado na ako, nahuhulog na ako.
Cedie's POV
I woke up because of the intolerable pain I can feel in my head. s**t. Naalala ko ang lahat ng nangyari kagabi. Kahit medyo nalasing ako ay aalala ko ang mga ginawa at sinabi ko. Ang pagkwento ko kay ng ginawa ni jake.. ang muling pag-iyak ko dahil sakanya.
Tumayo na ako at naghilamos, mugtong mugto ang mga mata ko. Nasaan na kaya si luke. Wala na siya dito sa kwarto eh. Kwarto niya pala kami natulog, magkamukha kasi ang guess room at kwarto niya.
Lumabas ako sa may terrace sa second floor pero wala siya, nagbakasakali akong nagkakape siya doon. Negative.
Bumaba ako at umalingasaw sa aking ilong ang amoy ng hindi kaayaayang kaganapan. Amoy nasusunog na pagkain! Pastilan namang itong si luke eh, alam naman niya di siya marunong magluto ay nagluto pa din siya. Well, atleast sinubukan niya.
Pagpasok ko ng kusina natawa ako kay luke, hindi siya magkandaugaga sa pag-linis ng kalat niya hahaha! typical guy na hindi marunong magluto. Ang cute pamandin niya mataranta hihi!
"anong nakakatawa?!" inis niyang tanong. Naka-apron pa huh!
"oh chill ka lang dude, haha. ako na magluto. linisin mo nalang yung nasunog na kawali. bakit ka kasi nagluluto di ka naman marunong po."
maaliwalas na pakiramdam ko, wala na kasi ako tinatago. bukod sa di pa alam ni luke na crush ko siya haha!
"gutom na ako eh. tska i'm trying to impress you hehe. good morning pala:) "
buhusan ko to ng mantika eh. Umagang umaga. Kilig! Hahaha.
"sus. wag mo nga ko pagtripan. umagang umaga sisirain mo mood ko"
nakaharap ako sa niluluto ko ng bigla niya ako niyakap habang nakatalikod ako.
Nararamdaman ko ang kabuuan niya. Panong hindi ko mararamdaman eh nakaboxer lang at sando siya.
"chill. wala ba ako goodmorning kiss diyan babes? ;)"
"luke layuan mo ko. tatampalin kita nitong sanse."
"okay okay! hahaha relax. after lunch pasyal tayo"
is that a date?! hahaha assuming.
"okay sige."
…
So ayun namasyal lang kami maghapon ni luke. wala naman masyadong special na nangyare. Pero bawat oras para sa akin ay importante, wala mang special na nangyari ay ayos lang basta kasama ko siya.
Knowing luke hindi pwedeng walang kaharutan o pangaasar. Minsan pakiramdam ko nilalandi niya ako, but I don’t want to assume.
Andami niyang nalalamang pangaasar. Ewan ko kung may pinagkukuhanan ba siya ng mga ito o may nagsusupply sakanya. Malaman nga yan.
Andito kami ngayon sa sofa’t nagpapahinga dahil napagod kami sa kakalibot. At dahil baguio ito halos matataas an gang mga daan at nakakatakot sa sobrang pagka slanted. Me sitting normally while him laying and turned my lap into a pillow. Soft pillow. His reason? Di niya Makita ng maayos ang T.V. kaya naman ay ginawa akong unan. Sinabihan ko namang umupo siya ng maayos ay nginisian lamang ba naman ako. Letche.
He looks adorable while he watch. Seryosong seryoso. Kala mo nageexam sa algebra. Wrestling pinapanood naming eh. Typical guy, nakahiga, may nginunguyang kung ano, fruit loops at maalat na boy bawang kinakain namin ngayon di ko alam kung anong panlasa meron itong si luke. Pinagtripan pa fruit loops ng pamangkin niya.
Well, sino ba namang di maiinlove kay luke. moreno, matangkad, gwapo, mayaman, gentleman at mabango!
Habang nanonood siya nilalaro ko yung tenga niya. ang cute eh, sarap hawakan tapos ang lamig pa.
Tinititigan ko lang siya ng bigla siyang ngsalita
"oi matunaw ako tsaka maputol yang tenga ko."
"tutmu."
"gusto mo ice cream?"
"oo naman! Tanungin ba naman ako. Double Dutch please."
Kumuha siya ng dalawang tub ng ice cream sa freezer. Double Dutch saken tapos Pistachio sakanya.
Kain lang kami habang nanonood ng tv. we were watching ice age 3 now kase nabored talaga ako sa punyetang wrestling na yun. Sakitan nalang lagi. Sawa na ako.
Out of nowhere may tinanong siya na ikinagulo ng aking pag-iisip.
"ced, pwede manligaw?"
Seriously my mouth right now is like a cave, huge cave.
"are you being serious, luke?!"
"yes. di ba obvious? i know i look like as if i'm gonna r**e you but i am serious, liligawan kita. pero kung ayaw mo okay lang. grabe, wala pa isang oras busted nak-"
Hindi ko na siya pinatapos. niyakap ko siya. syempre di pa pwede halik. next time na yun.
"luke baket?" while i pull apart from the hug
"hug muna bago tayo magusap"
pumalag ako syempre pa-demure ako. Pinagkasya nalamang ang sarili niya sa pagakbay sakin.
"there are no words for me to explain this, ang bilis ng pangyayari pero hindi to biglaan. there is something in you that attracts me. i dunno. basta alam ko gusto kita :) "
“ang bilis ng mga nangyari. There is no word for me to explain this, ang tanging alam ko hindi ito biglaan dahil planado na ito ni Lord. Alam ko masama ang mainggit, pero naiingit ako kay jake. Gusto ko mahalin mo din ako ng buong-buo. Promise, masusuklian ko ito, hindi man sobra pero saktong sakto lang.. na umaapaw J”
End of chapter 4