Cedies POV
"Hindi niyo naman kailangang minu-minuto eh nag-uusap kayo. When you love someone You always have this certain connection that you feel, parang yung magkakambal, kapag nararamdaman nung isa ay malungkot siya ganun din ang nararamdaman ng isa. Hindi man buong-buo pero meron padin itong konting paramdam.”
Hindi tama naman ako? Eh ganun naman talaga sa mga teleserye. Kapag naaksidente o nabaril ang leading man ng protagonist eh biglang may mababasag na bagay ang bida, it’s either baso or picture frame.
"Ang OA mo kapatid. Ang sabi ko lang namimiss ko si nico. Masyado mong nialalaliman ang hindi naman masyadong malalim. Ikaw ha, parang may pinaghuhugutan ka. Meron na bang nagpapatibok sa iyong natutulog na puso?"
"Sino kaya OA satin niyan? Masyado mong nilalagyan ng kulay ang wala namang kulay. Siguro mataas grade mo sa Arts nung kinder, ang galling mo magbigay kulay sa mga sinasabi ko eh.”
“Asus. Ikaw sa Gardening, mahilig kang maghukay eh.”
“Gusto mo ipaghukay na kita?”
“Ito namang si kuyate di mabiro. Ay may good news ako! Baka pumunta kami Bukas ni nico diyan sa baguio!” bipolar talaga to.
“Talaga? Hindi ko alam kung excited ako o malulungkot.” Pang-aasar ko sakanya.
“Lintik na. Di mo ba ako namimiss?!”
“Hahahaha! Joke lang ito namang si Ate di mabiro.”
Matapos ang mahabang pag-uusap naming magkaibigan ay tinapos na naming ito at nagkasundo na magkikita nalang sa Burnham Park, doon din daw kasi sila makikipagkita sa kaibigan ni nico na kanila namang tutuluyan.
Ipakikilala ko na din si luke kay chloe. Dahil ayoko namang magmukhang walang manners, sakanya ako nakikitira tapos hindi ko siya ipakikilala kahit kaibigan man lang? hindi ba’t sobrang kabastusan naman yun at walang utang na loob. Next time ipakikilala ko na siya as my Boyfriend okaya lawfully wedded husband, assuming here.
At dahil wala ako alam gawin sa na productive at makakapagpawala sa boredom ko napagpasyahan kong manood na lamang ng telebisyon. Kasalanan ito ng klima, masyadong malamig para maging masipag.
Nine na pala ng umaga. Kanina pang Six ng umaga umalis ng bahay si luke para mag-gym ah? Hindi pa kaya sumasakit katawan nun. Baka maging anorexic na siya kapag di pa umuwi yun.
Yaman din lamang at napag-uusapan na si luke, hindi ko parin lubos maisip na ganoon kabilis ang mga pangyayari. Sinabi niya kagabi na liligawan ‘daw’ niya ako. The girl inside me ay biglang kinilig ng sobra. Hindi naman talaga ako yung tipo na pa-girl, I mean yung pakipot. Mas lalong Hindi rin naman ako yung tipo na kaladkarin. Naniniwala kasi ako na kapag mahal ko na yung tao bakit ko pa patatagalina ang proseso, hindi naman ako Government Office para gawin yun. Tsaka madaming panahon at oras ang mawawaldas dahil lang sa pinapatagal ko pa ito. Hindi ko naman sinasabi na ang panliligaw ay isang kaartehan lamang. Sariling pananaw ko lamang sa buhay ang nilalathala ko ditto.
Madami ding nagsasabi na kaya daw nila pinapatagal ang panliligaw ay dahil masarap ito sa pakiramdam lalo na kapag gumagawa ng effort ang manliligaw nila. Sabi ko naman, pwede namang maranasan ang masarap sa pakiramdam na iyon kapag kayo, ang ibig kong sabihin ay effort. Kung tunay niyong mahal ang isa’t-isa, sigurado pareho kayong gagawa ng effort upang lagging makulay ang relasyon ninyo.
Yung iba kasi kapag nagging sila na eh mga simpleng bagay na lamang ang ginagawa. Wala na masyadong effort kasi alam nila sila na.
Confirm, tama nga si chloe na gardening ang paborito kong subject. Lumalim nanaman ang mga lumalabas sa isip ko. Masyadong malawig ang mga ito. mlakas maka-Papa Jack
Luke's POV
Pagdating ko sa bahay isang natutulog na cedie ang nadatnan ko. Parang ang payapa ng isip niya kapag natutulog, naka ngiti pa ito. Tahimik matulog, Ayos n a sana eh, kaso nakabukaka. Walang bahid ng poise kung matulog. Hindi man lang itinikom ang legs. Pano kung iba ang pumasok at ganyang siyang nadatnan, aba’y aakalain nito ay siya’y naka jackpot. Nakabukaka na eh.pero siyempre dahil ako ay gentleman, inayos ko ang pagkakahiga niya at kinumutan.
Mukha siyang pusa. Nakakatawa kung titignan mo. Sarap lamogin hahaha!
Ooops. napalakas ata tawa ko. nagising yung pusa i mean si ced.
"Good morning? " batik o.
"Ngayon ka lang? Tagal mo sa gym ah?
Aww. Namiss niya ako? Oo, mahilig din mag-assume ang mga lalaki. Bakit babae at binabae lamang ba ang binigyan ng certification na pwede silang mag-assume. Syempre kaming mga lalaki din.
"Sorry babe nakita ko kasi ang mga dati kong kasama sa gym ditto. Anyway, may darating nga pala akong bisita. Yung sinasabi ko na mga kabarkada ko."
"First, stop calling me babe" aw, kala ko nakaligtas yun. "wag ka magpaalam sakin. Bahay mo kaya ito.”
“Good. Ipakikilala kita sakanila” bright idea.
“Hindi ba ako maa-out of place?”
"Ofcourse hindi. Kasama naman nila yung mga gf nila. while we boys having our brotherly bonding you g-"
"what am i? i'm one of the boys!"
"no. you are my princess"
"ha-ha. funny. maligo ka nga, pawis na pawis ka oh"
"okay.. if sasabayan mo ko? hehe"
"over.my.dead.body"
Naalala ko tuloy yung nangyari non. nung nakita niya yung toot ko haha.
Naudlot ginagawa ko nun eh. i was about to take a bath kaso tinamad ako kaya humiga muna ako. Hindi ko balak gawin yung iniisip mo na kala mo iniisip ko din, pero pareho nating alam na iniisip natin na yung ang iniisip kong gawin.
Then pumasok bigla sa isip ko yung sexy ass ni ced. kaya ayun nagising ang di dapat magising. Si machete.
Ginagalang ko si ced. lalo na ngayon dahil sa nalaman kong ginawa ni jake.
After ko maligo i called my friend. pupunta daw sila dito sa bagiuo. so i offered my house for them yo stay.
Ipapaalam ko na din kina nico and vince na may nililigawan ako.. na lalake. sigurado namang akong maiintindihan nila ako. almost 7 years na kaming magkakaibigan kaya alam na namin ang ikot ng bituka ng isa't-isa. kung hindi man nila matanggap na ang mahal ko ay lalake, edi iwan nila ako. Ang mahalaga ay si ced. kung tunay silang kaibigan maiintindihan nila ako. Desidido na ako. Sasabihin ko na sakanila na mahal ko si ced. it's now or never ika nga nila. Hindi sila ang makikisama kay ced eh, ako at ako lang. Period.
After contemplating with my inner self. My stomach decided to churn, di ko naman pwedeng tiisin dahil masama daw yon.
I'll ask ced to make me a sandwich hahaha just kiddin. Di ko siya gaganunin, pero gusto ko yung mga ganun mapangasawa ko, pinagsisilbihan ako. pero di ko naman siya gagawing katulong. Hinding hindi ko ata magagawa iyon. Never. Di baleng ako na lang alilalin niya sa kama hahaha! Its funny right? Is it not?
Anyway let me have my ‘me-time’.
Ced's POV.
Dumaan ang oras ng mabilis lang. Kanina lang iniimagine ko si luke na naliligo ngayon kasama ko nang kumakain.
Excited na talaga ako bukas, almost 2 weeks since huli ko nakita bestfriend ko. Ano na kaya balita sa pampanga? Corrupt pa ba kaya mga politico dun? Syempre naman, oo!
Alam kasi ng mga kaibigan ko dun kaya ako umalis is to have a break from my studies. kase summer break haha malamang!
Pero seryoso wala talaga nakakaalam kung bakit bigla ako naglaho. pagkatapos na pagkatapos kasi ng finals eh umalis na ako sa pampanga.
Napaka understanding naman ng parents ko kaya okay lang sakanila for me to have a vacation alone. Nararamdaman nadin siguro nila na depressed ako. specially my mom, sobrang close namin nung babaeng yun eh. siya lang kase nakakaalam talaga about everything. As in everything.
Nung nalaman nga niya ginawa ni jake eh kaagad niya pinatawag lawyer niya para magsampa ng restraining order para di na makalapit pa ng tuluyan si jake. itinago namin lahat yun sa papa ko. nasa europe siya, dun kase nakabase yung trabaho niya as a UN representative.
Bukod kay chloe at sa mama ko wala na nakakaalam na nasa baguio ako. Sa mga kaibigan kong nagtatanong ang alam nila ay nasa manila ako for a summer course na photography.
The day passed quickly. Naglaro lang kami magahapon ni luke ng kung ano-ano. Syempre yung mga tamang laruan. Hindi yung mga nilalaro ng iba.
Tulad ng tekken, fifa 2012 at basketball kung saan 12-34 ang score at syempre panalo si master luke. we had a deal, kapag nanalo ako sa tekken kahit isa lang he will call me boss at kapag nanalo naman siya sa NBA he will be the Master. Corny’t baduy na pero kinikilig ako.
10pm
"ced tulog tayo sa attic"
"ay may attic kayo?" I mentally slap myself. Kakasabi lang cedie diba? Parang di ko kasi napansin yun, almost 1 week nako dito pero di ko pa yun napupuntahan.
Sabagay, the house has 2 hidden rooms. yung isa daw is underground. Doon daw nagtatago ang lolo niya na nagging Gobernador kapag inaatake sila ng mga kalaban nila sa politika.
"yup. isa yun dun sa mga hidden rooms."
Ang galing ng daan papunta dun. Sa mini library merong pinto na kulay black na may naka-ukit na ibong malaki, ang sabi ni luke phoenix daw yun. To open any doors you must have a door knob to turn of course, Eto pa ang pinaka kinabiliban ko, the door knob is the left wing of the phoenix, hilain mo siya pababa. Akala ko sa mga movie lang ni Nicolas Cage na ‘National Treasure’ may ganun. Meorn din pala sa mga mayayaman na bahay.
Pagbukas ng pinto may hagdan pataas. Siguro mga 7 steps lang yung hagdan. Sa dulo may salamin na pinto at pagbukas ay ang attic na.
"welcome to Chamber of Stars."
"Bakit naman Chamber of Stars , master?" tanong ko na parang bata ang pagkakasabi.
"let me show you why"
May binuksan siyang maliit na cabinet na may nilalaman na button at lever.
Pinindot niya yung button at biglang umilaw ang malilit na parang mga bituin sa wall ng kwarto. Pero di pa tapos yun, hinila niya ang lever at bumukas ang ceiling!
"wow.. di ko alam kung mamahangha ako dahil high-tech o dahil ang ganda ng nasa itaas. "
"hahaha! you don't fail to make me laugh. anyway, higa na tayo dun."
"pano kung umulan?"
"don't worry di naman talaga open yang ceiling. may salamin na nakatakip diyan na may 9 inches ang kapal." Humiga na kami ni luke dahil antok na talaga ako at pagod dahil inubos niya energy ko kanina. yea.
Nagkekwentuhan lang kami about sa sarili namin. ang dami ko na alam sakanya. may kapatid daw siya pangalan ay luciano. mas bata lang daw siya ng 1 taon sa amin.
Tuloy lang ako sa kakatalak pero tong si luke nakatitig lang sakin at nakikinig.
"uy! sabi mo kwento ako eh parang pikit ka na lang tulog ka na eh"
He smiled at me sweetly, a genuine smile.
"no. keep going. ang sarap mo pakinggan. tinatatak ko sa utak ko yung boses mo. di ko kasi alam kung kailan mauulit to."
"Bakit naman di mauulit?"
"Syempre baka after ng summer break di mo na ako pansinin"
"so sumusuko ka na?"
"ay hindi boss! course not. ang akin lang sana wag mo ko kalimutan.. well di mo naman ako malilimutan kasi araw araw mo ako makikita"
"ang layo ng school mo sa school ko"
"eh ano nagyon? basta para sayo. basta makita lang kita" sabay smile.
kung sasabihin sakin ngayon ni luke na HUBAD, maghuhubad ako!
"sus! tulog na tayo."
ilang minuto pa siyang nakatitig at naka smile na parang baliw bago kami nakatulog.
End of chapter 6.