1- Fjolla Hoxha
FJOLLA'S POV
"If you want to be happy, Learn to be happy without being lonely"
Yan ang motto ko sa buhay.
I'd rather be alone than to waste my time mingling with other people, talking with nonsense things.
Napakaraming bagay pa ang pwedeng gawin bukod sa makihalubilo sa ibang tao.
Ang focus ko lamang ay makatapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho para maiahon ko sa hirap ang aking ina. Gusto kong iparanas ang magandang buhay.
Bukod sa aking pag-aaral ay madalas lamang akong nasa loob ng bahay o di kaya ay sumasama sa pagtitinda sa palengke pero bukod pa roon ay wala na akong ibang ginagawa.
Hindi ako umiiwas sa tao, hindi dahil sa pangit ako o may itinatago.
Sa katunayan pa nga ay may angkin akong ganda na iba sa tipikal na pisikal na anyo ng isang Filipina. Palibhasa ay namana ko ito sa aking dayuhang ama na nagmula sa bansang Albania. Ngunit kahit ganun ay hindi ko ito maipagmamalaki dahil natatakot akong maging tampulan ng tukso dahil sa wala akong ama at tawaging “putok sa bungo”.
Wala sa akin iyon dahil sa tagal na panahon ay nasanay na rin ako ngunit ang inaalala ko ay ang aking ina na labis na nasasaktan sa tuwing ako ay tinutukso. Mas gugustuhin ko pa na ituon ang aking atensyon sa hangarin ko sa buhay para sa aking ina.
****
"Fjolla, pinapatawag ka ni Mrs. Mendez sa faculty room, " salubong kaagad sa akin ni Lilly.
Kakapasok ko lang ng aming classroom mula sa library kung saan ako madalas naglalagi tuiwng may bakante kaming asignatura. Doon, payapa akong nagbabasa ng aking mga paboritong nobela.
Ibinaba ko muna ang aking bag sa aking upuan.
"Lilly, pabantayan naman sandali bag ko, pupunta lang ako sa faculty" pasuyo ko kay Lilly.
Nag-thumbs up lang ito sa akin bilang sagot dahil abala ito sa pakikinig sa kausap nitong isa naming kaklase.
Mabilis ang lakad na dumiretso ako sa faculty room. Kumatok ako sa pinto bilang tanda ng respeto sa mga gurong naroon saka ako nagtuloy sa pinakadulong bahagi ng kwarto kung saan naroroon ang opisina ni Dean. Tanging mga salamin na medyo kalabuan lamang na nakapalibot ang naghihiwalay dito mula sa lamesa ng ibang mga guro.
Tatlong mahihinang katok ang aking pinakawalan upang maagaw ang atensyon ng head teacher ng aming department.
"Pasok ka Ms. Hoxha,Sandali lang ha," minuwestra niya ang kanyang kamay na maupo sa sofa na nasa loob ng kanyang opisina pagkatapos ay muling itinuon ang atensyon nito sa kausap nito sa telepono na hawak nito.
"Kuya, mag-usap na lang tayo ulit mamaya and please convince your son to be one of our judge for upcoming pageant held by our school, " dinig kong sabi ni Mrs. Mendez bago nito ibinaba ang hawak na telepono.
Naupo ito sa kanyang swivel chair at saka tumingin sa akin.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Ms. Hoxha, pinatawag kita para sabihin na nais kong ikaw ang magrepresent ng ating department sa darating na Foundation Day ng ating school," seryosong sabi nito.
Natigilan ako dahil sa sinabi ni Mrs. Mendez.
Ako? isasali sa isang beauty pageant.
Hindi pa man nag-uumpisa ang laban ay pinagpapawisan na ang aking mga palad.
Sanay kasi akong magtago, ika nga nila kahit na nasa huling taon na ako sa kolehiyo ay hindi pa rin ako marunong makisalamuha sa iba kaya tinawag nila akong loner at introvert.
"Pero maam, hindi po ako sanay humarap sa maraming tao. Hindi po ako qualified para doon."
"Why not? You have beauty and a brain. Isa pa, huling taon mo na sa school na ito."
"Kasi po maam—" tatanggi pa sana ako subalit naging mapilit si Mrs. Mendez.
" Please do me a favor Ms. Hoxha. We don`t have any other option si Ms.Melissa ng BSBA 3rd year na dapat magiging representative ay nagkaroon ng chickenpox, si Jessy ng section niyo naman ay may importanteng ginagawa kung kaya nag-request ang kanyang dad na ma-excuse siya for 1 week. "
Napabuntong hininga na lamang ako dahil halos wala na akong ibang maisip na dahilan. Taun-taon na ako gumagawa ng paraan para hindi makasali sa ganitong event dahil taun-taon din nila akong inaalok na sumali.
Kung tutuusin, gusto ko talagang masubukangt rumampa sa itaas ng entablado para maipagmalaki ang sarili ko pero sa tuwing maiisip ko na kailangan kong magsuot ng two -piece swimsuit ay napapangiwi ako habang inuusal ang `naku po, mahabaging langit’. Natatakot din akong magkamali at maging tampulan ng katatawanan.
"Ganito na lang, given that my nephew who is a fairly well-known vlogger and might serve as a judge at this event, pwede niyang i-feature ang probinsya natin and the school pageant will be his first thing to do once he arrives on our island. In exchange, I promise that you will have a decent job once you graduate. In addition, you already have a distinguished background kaya mas mapaadali ang pagdeploy sayo,” pilit na pagkukumbinsi sa akin ni Mrs. Mendez.