"Hija, huwag ka namang makulit. Hindi ba sabi ng Mommy may binili lang si Manang Linda. Babalik din iyon maya-maya. Ubusin mo muna ang sopas para pagbalik ni Manang Linda ay ubos na iyan." Pag kumbinsi ng ina nito sa anak. "Mommy, tawagin mo si Manang Linda, siya ang gusto kong magsubo sa akin ng sopas. Sige na po, tawagin niyo na po si Manang Linda." Maktol ni Sophia sa Mommy nito. Pero hindi siya pinakikinggan ng ina. Pilit pa rin siyang sinubuan ito. "Kapag hindi ka tumigil Sophia sa kamamaktol mo ay iiwan kita rito mag-isa. Gusto mo ba iyon? Para ka namang bata." Giit nito sabay subo sa anak ng sopas. Gusto na niyang maiyak sa mga sinasabi ng anak. Pero ayaw niyang ipakita kay Sophia na nagdaramdam na siya. "Ganito ba talaga kapag ang anak mo ay hindi lumaki sa magulang?" dagdag pa n

