"Mommy!" Sigaw ni Sophia. Sa lakas ng sigaw nito ay kumaripas ng takbo ang ina. Maging si Manang Linda ay nagmamadali sa pag-akyat sa hagdan. "Sophia! Hija, bakit? May problema ba? May masakit ba sayo?" tanong ng ina na nagmamadali sa paglapit sa kanya. Napasugod din si Manang Linda sa kwarto ng alaga. "Anak, bakit?" pagtatakang tanong nito at halata ang kaba sa mukha. "Wala naman po. Gusto ko lang po kasi ng juice," sabi niya sabay ngisi sa mommy niya at kay Manang Linda. "Loko ka talagang bata ka! Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari sayo. Umiiral na naman ang kalokohan mo. Salamat naman at mukhang magaling ka na nga!" ani Manang Linda saka hinagod ang buhok ng alaga. "Sige. Sandali lang at ikukuha kita ng juice," dagdag pa nito sabay labas ng kwarto. "Hija, sigurado ka bang

