"Hello!" sagot ni Sophia sa kabilang linya. "Hi, Sophia! Kumusta ka na?" "Sino ito?" "Wow! Sino talaga? Hulaan mo." Sabay tawa ng taong kausap niya sa kabilang linya. "Sino nga? Kapag hindi mo sinabi ibababa ko itong phone." "Uy, Sophia! Ano ka ba naman ilang buwan lang tayong hindi nakapag-usap hindi mo na ako kaagad kilala?" anito. "L-Liza?" pautal na sagot niya sabay tawa. "Kumusta ka na? Akala ko kasi may nanloloko sa akin. Bakit nga pala hindi ka natuloy sa pagluwas?" "Ikaw ang kumusta na? Nabalitaan ko kasi kay Manang Linda na maysakit ka raw?" "Okay naman na ako ngayon. Still recovering. I miss you na, bestfriend." Ngumiti ito ng palihim. "Sus, miss ka dyan! Mabuti naman at magaling ka na. Baka next week makabalik na ako sa dorm. Tapos na bakasyon. As usual, balik-eskwela.

