"May alam ka ba sa dalawang iyon, Manang Linda?" usisa ng ginang. "Sino pong dalawa? Kay Zoe po ba? O kay Liza?" "Iyong tungkol kay Liza." "Ang alam ko po kasi ma'am si Liza po ang matalik niyang kaibigan since high school. Hindi naman po sa inyo kaila na nagkakagusto si Sophia sa kapwa niya babae, hindi po ba? Kailan lang po yata ay ipinagtapat ni Sophia kay Liza ang tunay niya pong nararamdaman dito. Kaso hindi po nagustuhan ni Liza ang gusto niyang mangyari. Kaya kung baga po ay na basted po kaagad ang alaga ko. Masyado pong dinamdam ni Sophia iyong sinabi ni Liza. Kaya ang nangyari po ay nag-iwasan po ang dalawang magkaibigan. Medyo matagal-tagal din po silang hindi nag-usap. Pero ang pagkakaalam ko po ay nagkaayos na po sila nang pinuntahan ni Sophia si Liza sa bahay po nito sa pro

