"Bakit? Hindi ka pa nga nagtatagal dito sa bahay nag-aaya ka na namang umuwi? Dahil ba ito kay Leo?" tanong ni Sophia na nagsalubong ang kilay. "Of course not!" tanging sagot ni Zoe na halatang umiiwas sa sinabi niya. Nagpaalam si Zoe para pumunta ng banyo. Habang si Sophia naman ay pumunta ng kusina. Paglabas niya ng banyo ay napansing niyang wala si Sophia sa may sala kaya sinabayan niya ito ng labas at naupo sa hagdan gaya ng ginagawa ni Sophia kapag may iniisip ito. Lumabas na si Sophia sa kusina at pinuntahan si Zoe sa banyo sa pag-aakala na naroon pa ang kaibigan. Hinanap niya kaagad ito at ng hindi niya ito makita ay sinubukan niyang lumabas. Sakto naman na nasa hagdan lang pala ito. Hinayaan niya muna si Zoe makapag-isa para makapag-isip. Sinisilip-silip lang niya ito mula sa bin

