"Lintek! Ayaw talaga mag reply." Bulong niya sa sarili. Sa oras na iyon ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at pinuntahan na niya ang kaibigan. Habang nag-aabang siya ng masasakyan na taxi ay napadaan sa harapan niya ang pinsan niyang may kotse. Naisip niyang hiramin na lang muna ito. Marunong naman siyang magmaneho. Dati-rati kasi ay may sasakyan din sila. Naibenta nga lang ito ng magkaproblema sila sa pera. Sinundan niya ng tingin kung saan papunta ang kanyang pinsan. Nang makita niyang bumalik na ito ng bahay ay saka niya sinadyang puntahan ito sa bahay. Nagkataon naman na wala roon ang mga tiyahin niya kaya nakausap niya ng sarilinan ang pinsan. Close naman sila mag pinsan kaya hindi siya nag dalawang salita rito ng hiramin nito ang kotse. Matapos niyang mahiram ang kotse ng pinsan

