Hindi na rin umimik si Sophia at pinaandar na lang niya ang kotse. Isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa dalawang magkaibigan. Walang ideya si Zoe kung saan sila pupunta. Malayo na rin ang nabyahe nila. Nagtataasang mga puno ang makikita sa labas at mukhang wala ng nakatira sa lugar. Hindi na siya mapakali kaya binalingan na niya ng tingin si Sophia. "Uy, Saan ba talaga tayo pupunta? Kanina pa tayo bumabyahe parang ang layo-layo na natin sa kabihasnan. Sophia, itatanan mo na ba ako, ha? Mayado naman yatang malayo itog lugar kung mag-uusap lang tayo. Uy, ano ba talaga ang trip mo?” Sabay hawak sa kamay ni Sophia para kibuin na siya nito. Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "Dami mo namang tanong. Basta sa isang lugar na importante sa akin. Doon makakapag-usap tayo ng matino. Hin

