Ngunit hindi naman ito maitatago ng mahabang panahon. Darating ang oras na kailangan niyang mamili between Zoe and Liza. Muli siyang nagduda sa kanyang nararamdaman. Parang hindi na niya kayang magtapat kay Zoe o takot lang siya sa posibilidad na hindi rin siya matanggap nito kagaya ng hindi pagtanggap sa kanya ng matalik na kaibigan na si Liza. Marami na rin siyang narinig na kuwento tungkol sa iba't ibang klase ng pag-ibig, ngunit ito ay isang bagay na higit pa sa isang imahinasyon. Sa palagay naman niya ay nakatagpo na siya ng isang tao na kaya siyang tanggapin at mahalin ng buong-buo. “Si Zoe na nga ba iyon?” bulong niya sa kanyang sarili. Baka naman naaaliw lang siya rito. Hindi niya maiwasang humanga sa purong puso ng bagong kaibigan. Pero ayaw na niyang maulit muli ang sakit na na

