"Huwag matigas ang ulo, Sophia," dagdag pa nito saka tinapik ang balikat nito para patayuin na ang anak sa pagkakahiga nito sa kanyang hita. Malapit ng magtanghali kaya si Zoe ay naghahanda na sa pag-alis nito a hotel. Nagtext muna ito kay Sophia para ipaalam na paalis na siya ng hotel. Pagsakay niya ng elevator at nakasabay pa nito si Miss Joy. Mabuti na lang at hindi siya napansin ng manager na sumakay. Marahil ay sa dami ng tao sa elevator kaya hindi siya pinagtuunan ng pansin ni Miss Joy. Paglabas nito ng elevator saka lang niya binati si Miss Joy. At nang makita siya ng guard na palabas ng lobby ng hotel na maraming bitbit ay nagkusa na itong buhatin ang dala niya at tinulungan na rin siyang pumara ng taxi. “Thank you, kuya,” sambit nito sa guard na tumulong sa kanya. “Welcome po,

