Iniwan na lang niya na bukas ang pinto para kapag muli siyang makaramdam ng pananakit ng dibdib ay madali niyang matatawag ang kanyang ina o ang kanyang ama. Napakamot ito ng ulo ng makita niya na hindi pa pala niya tapos ang ligpitin ang kanyang mga gamit. Habang tinititigan niya ang mga ito ay napadaan naman sa kanyang kwarto ang kanyang ina. Nakita nito si Liza na nakapameywang pa habang tinitingnan ang mga damit na nakakalat sa kanyang higaan. Napailing ang ina at napangiti ng bahagya sa ginagawa ng anak. Hindi na nagdalawang isip ang ina at kumatok na ito sa pinto ng kwarto ng anak. "Anak, kailangan mo ba ng tulong?" pambungad na tanong ng ina. "Hindi na po, mommy. Kaya ko na po ito. Tara po, pasok po kayo rito sa loob." "Hindi na anak. Maghahanda pa kasi ako ng hapunan natin para

