Habang abala si Liza sa pagliligpit ng kanyang gamit ay may narinig siyang tumawag ng kanyang pangalan mula sa bintana ng kanyang kwarto. "Liza!" Napatayo ito sa kanyang kinauupuan. "Sino naman kaya iyon?" tanong nito sa sarili habang naglalakad patungo ng bintana. Nang silipin niya ito ay laking gulat niya ng makita nito ang kanyang matalik na kaibigan. "S-sophia!" pautal na sabi nito. Napatili muna ito saka lumabas ng kwarto. Dali-dali itong bumaba ng hagdan para salubungin ang kaibigan. Bago buksan ang tarangkahan ng gate ay tiningnan muna nito si Sophia. Tingin na animo ay mangangain ng tao. "Anong masamang hangin ang nagtaboy sa iyo rito?" "Baka pwede papasukin mo muna ako ng gate." "Eh, kung ayaw ko buksan may magagawa ka ba?" Pang-aasar pa nito kay Sophia, pero hindi naman n

