At nang makahalik na si Liza sa pisngi ni Leo ay nagtungo na ito ng kusina para tulungan ang ina sa pagtitimpla ng kape. Habang nagtitimpla ang ina nito ng kape, si Liza naman ay napatingin sa kanyang ina, nagtataka ito kung bakit nakangiti ang ina habang nagtitimpla ito ng kape. Pakiwari ni Liza ay nakita ng ina ang ginawa nitong paghalik sa nobyo. Napakagat ng labi si Liza ng biglang sumulyap ang ina sa kanya at umiling. "Mom, ano iyang tingin na iyan, ha? Is there something wrong? May dumi ba ako sa mukha? Bakit kung makatingin ka feeling ko natutunaw na ako. Umamin ka nga sa akin mommy may nakita ka, ano? Tell me," wika ng dalaga sa ina. Ang ina naman nito ay hindi na nagsalita bagkus ay binigyan lang siya nito ng isang malaking ngiti sa mukha. "Mommy!" "Yes, hija? May problema ba?"

