Habang nakatitig ang dalawang matanda sa binata, ang ina naman ni Liza ay sinesenyasan si Leo na maupo na sa sofa. At nang maupo na ito, ang bunsong kapatid naman ni Liza ang humarap sa bisita. "Kuya, mukha yatang pinagpapawisan ka, ah! Naiinitan ka ba?" usisa ng bunsong kapatid. "Ha? Hindi naman. Ikaw talaga napansin mo pa talaga ang pawis ko?" Nang matapos na ang tatlo sa yakapan ay bumalik na muna ang dalawang matanda sa kanilang silid. Sinabihan na lang sila ni Liza na tatawagin silang dalawa kapag nakahanda na ang pagkain. Hindi na nagawa ni Leo na magpaalam sa mga matatanda dahil pinigilan na ito ng ina ni Liza. "Mamaya mo na lang sila kausapin kapag nakakain na. Pagkatapos ay nagpupunta sila sa bukid para roon magpahinga at uminom ng kape. Kaya lahat tayo ay sasama sa kanila m

