Chapter 69

2048 Words

"Ang tagal ko rin hindi nakainom. Akala ko naman kasi ay buntis ako." Biglang nalungkot ang mukha ni Zoe. "Hindi bale ngayon ay maglalasing tayo." Sabay itinaas ni Sophia ng bote ng wine at nagsalin muli sa baso nila. "Maglalasing tayo hanggang mamatay!" dagdag pa nito saka tumawa nang malakas. "Uy, grabe ka naman, Sophia. Ayoko pang mamatay, 'no." "Joke lang." Itinayo ni Sophia si Zoe para muli niya itong isayaw. Habang isinasayaw nito si Zoe ay niyakap niya ito nang mahigpit. Ramdam ni Zoe ang higpit ng pagkakayakap ni Sophia sa kanya. Marahil ay nalulungkot na ito sa kanyang pag-alis. Hindi pa niya nasasabi kay Sophia na balak niyang magtagal sa Singapore para ipagpatuloy ang trabaho na naiwan niya roon. Pero ayaw niyang masira ang gabing iyon kaya hindi niya muna sinabi kay Sophia

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD