Lalong nanlilisik ang mga mata ni Colby, habang nakatingin sa akin. Kulang na lang ay sakalin ako ng binata. Ngunit kailangan ko pa rin na pigilan ito sa balak nito sa mga pills. Sayang lang kung itatapon lamang nito. “Pa, baka naman puwedeng ubusin ko na lang muna ang mga pills na ‘yan. Sayang talaga,” anas ko. At lumapit pa talaga ako rito. Hinimas ko rin ang braso nito at baka sakaling maalis ang init ng ulo. “No! Wala akong pakialam kung mahal ang bili mo sa mga pills na ito, Zyle. Subukan mo pang uminom ng pills! At malalagot ka na talaga sa akin!” pagbabanta nito sa akin. Pagkatapos ay dali-dali nitong itinapon sa basurahan. Kakamot-kamot na lamang ako sa aking ulo. Sayang ang pera ko. Ang dami ko pa namang binili na mga pills. Tapos ang makikinabang lamang ay ang basurahan. Nas

