“Bebe, namis na kita ka agad, hintayin mo ako riyan,” anas ko. Sabay tawa ng malakas upang asaring ito. Sabay off ng cellphone. Agad ko ring kinuha ang aking face mask. At lumabas ng vip room. Ini-lock ko muna ito mula sa loob. Alam kong wala pa ring papasok dito. Tuloy-tuloy na akong naglakad at tila walang nangyari. Sa bahay na akong unang pumunta. Halos papadilim na rin nang makarating ako. Nakita kong wala na ring gumawa rito sa bahay namin. Kaya ako na lamang ang nandito. Agad akong pumunta sa loob ng banyo para maligo. May tubig naman sa malaking drum kaya hindi ko na kailangan mag-ibig ng tubig. “Ma! Ma! Nandiyan ka ba sa loob? Bilis, buksan mo ang pinto at lalabas na talaga!” anas ni Colby ay sunod-sunod ang katok nito mula sa labas ng pinto ng banyo. Kumunot ang aking noo dah

