THINGS get better as usual. Tahimik ang naging buhay nila mula nang makipaghiwalay ang ina ni Sasha sa boyfriend nitong si Greg. Mula nang araw na naabutan niya ang ina na pinalalayas ng pamilya ni Greg ay pinutol na nito ang lahat ng koneksiyon sa lalaki. Malamang na wala rin balak si Greg na maghabol pa dahil sa banta ng asawa nito.
Daniel asked her to go in a musical performance with him. Hindi siya tumanggi dahil iyon ang unang pagkakataon na makakapanood siya ng live na musical theatre.
"Excited ka?" tanong ni Daniel nang makapasok na sila sa loob ng theater.
"Oo naman. This is my first time in this kind of place and I love how it goes. Everything about musical performance. Before I went to college, ang gusto ko talaga ay theater arts pero hindi puwede."
Ginawa niya ang lahat sa abot ng makakaya niya para may patunayan. Kailangan niya mag-excel sa studies niya.
Magkatabi sila ni Daniel na umupo sa designated seat nila. Hindi nagtagal ay nag-start na ang play ng Disney's Alladin. Nakatutok ang buong atensiyon niya sa harap. She was literally amused with what is happening on the stage. Indulged siya sa buong eksena.
She felt adrenaline rush while watching the play.
Her lips parted when Princess Jasmine sang her part. Once in her life, she dream to be part of such musical performance. Gusto pa rin niya. Sobrang gusto pa rin niya makasama sa ganoong klase ng play.
Hanggang sa makalabas sila ni Daniel ay hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya.
"You we're beautifully humming the song." puna ni Daniel sa kanya.
Nilingon niya ito. "Kabisado ko ang kanta kaya hindi ko napigilan."
"Why don't you pursue the theater arts if you really want it. Not the business course and your brothers band."
"Hindi puwede..." She sighed and looked back at the theater. "Gusto ko magkaroon ng magandang buhay si Mama. Kailangan ko maghanap ng trabaho pagka-graduate para hindi na ko isipin ng nanay ko. Gusto ko maging kumpleto ang pangarap ng kuya mo."
"But you gonna lose yours. Is that what you want, Sasha?"
Nagsimula na siya maglakad. What she wants doesn't matter.
"What do you really want, Sasha?"
Natigilan siya sa tanong ni Daniel. No one dares to ask her what she wants. Nag-business course siya dahil iyon ang gusto ng ina niya. Kaya siya naging parte ng banda ng kuya niya para manatiling buo ang mga ito.
Gusto niya ang musicals. Gusto niya matuto tumugtog ng cello at maging parte ng isang musical performance. Pero hindi puwede dahil hindi iyon parte ng buhay niya.
Tipid na ngumiti siya ng nilingon si Daniel. "Hindi mahalaga kung ano ang gusto ko."
Mataman na tumingin ito sa kanya. "But it does matter to me."
Her heart flutters more. For the first time, someone thinking about what she wants. She tiptoed and kissed him fully on the lips. Hindi na muna siya mag-iisip dahil punong-puno ng emosyon ang puso niya.
Madalas ay maaga din siya umuwe sa kanila para sa ina. Kailangan niya ipakita dito na kaya nilang mabuhay na wala si Greg. Siguro ay mahihirapan sila pero masasanay din silang dalawa tulad noon.
"Sasha, maaga pa ang pasok mo bukas. Bakit hindi ka pa natutulog?" ani ng ina nang makita siya na nakasilip sa binata ng kuwarto niya. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Daniel. Her wants matter. Puwede ba siya pumili ng bagay na hindi niya iniisip ang ina o kapatid niya?
She intently looking at the stars from the darkest sky. Kaunti lang ang bituin sa langit hindi tulad noong mga nakaraan na gabi.
Umupo ito sa gilid ng kama niya. "Naaalala mo na naman ang kuya mo?"
Nilingon niya ito. "Ano kaya ang buhay natin ngayon kung hindi namatay si kuya at si tatay?" Bumalik ang tingin niya sa dalawang pinakamaliwanag na bituin. Her heart envelop with coldness and loneliness. She sacrifice her passion to keep her brother's dream. Iba ang gusto niya pero hindi niya magawa magustuhan dahil magkaiba ito sa kung ano ang gusto ng kapatid. Hanggang kailan ba niya gagawin iyon? "Kung hindi siguro sila nawala ay masaya tayo."
Kung hindi kaya nawala ang mga ito ay puwede niya piliin ang gusto niya?
Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. Naramdaman niyang may tumulo sa balikat niya. Nilingon niya ang ina na umiiyak. "Ma..."
"H-hindi ko alam, Sasha. Patawad kung pakiramdam mo nag-iisa ka. Kung wala ko sa tabi mo nang mga oras na kailangan mo ko. Naging makasarili ako sa pag-aakala na magiging maayos ang buhay natin."
Hinawakan niya ang kamay nito.
"Pero ginawa ninyo ang tingin n'yong tama."
They were hugging each other the whole time. Tabi na rin sila natulog na dalawa. This night is better than the past nights. Katabi niya ang ina at siniksik ang sarili sa mga bisig nito. Tulad noong mga bata pa siya.
"Masaya ka kasama si Daniel. I think he is a good guy."
Napangiti siya ng mabanggit nito ang lalaki. She loves him.
Hinaplos nito ang pisngi niya. "Nakikita kong masaya ka. Hindi kita hahadlangan dahil gusto ko maging masaya ka, anak." Dumukwang ito at hinalikan ang noo niya. "Matulog na tayo dahil maaga pa pasok mo bukas."
"Goodnight po,"
"Good night. Papanuorin kita matulog." Muli ay tinapik-tapik nito ang braso niya. Bago siya tuluyang makatulog ay may narinig siya. Agad siyang dinalaw ng antok dahil siguro katabi niya ang ina.
Hindi lang niya pinansin iyon dala ng antok. "Sana hindi tayo maging parehas ng kapalaran, Sasha."
***
"ANG ganda ng tulog mo, Sasha. Lagi kang nakangiti ngayon." Hindi naiwasan itanong ni Vivian nang pumasok sila sa ika-apat na klase.
Paano bang hindi siya magiging masaya kung okay na sila ng mommy niya. Kanina pa ay pinaghanda siya ng almusal nito. Pakiramdam niya ay bumalik siya noong mga panahon na nasa elementary pa siya na bago siya pumasok ay inaasikaso ng ina. Hindi nagtagal ay pumasok na ang professor nila at sinimulan ang klase.
Naramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya.
Punta ko sa inyo mamaya. Sunduin kita para sa gig.
Sure. mabilis na reply niya.
Kailangan pala niya mamaya pumunta sa gig para kumanta. Isang linggo na rin mula ng mag-gig sila.
Bago mag-lunch break ay pinatawag siya sa department faculty nila. Kumatok muna siya bago pumasok at agad na bumungad sa kanya sila Ma'am Delya at Ma'am Ramirez.
"Good morning po, mga Ma'am."
Nakangiti ang mga ito na pinaupo siya. Nasa tapat niya ang dalawang matanda. They are all smiles looking at her. Tila mas maganda ang mood ng mga ito kaysa sa kanya.
"We really see your potential, Ms. Cruz. Hindi talaga kami nagkamali sa pagpili sa'yo. Lumabas na ang resulta ng pinasa natin. You got the top two and there is a company in the Australia wanted to buy your thesis, hija."
Nanlaki ang mga mata niya. "Po?"
"They wanted to get you, hija. After the graduation you can flew in Australia to be their intern. Malamang naman na pagkatapos ng internship mo ay kukunin ka nila para magtrabaho sa kanila." ani Mrs. Delya.
"We can arrange everything for you, Ms. Cruz." Segunda pa ni Mrs. Ramirez. "Puwede ka nang umalis after two weeks kung gusto mo. Ayos lang na hindi ka na um-attend sa graduation mo. We will settle it for you."
Kulang-kulang isang buwan na lang at graduation na nila.
Napamaang siya sa gulat. Ang bilis ng lahat.
Pagkatapos niya ma-proseso ang lahat ng sinabi sa kanya ay umalis na siya ng faculty. She placed second runner-up in that competition and some company wanted her to work with them. Napaupo siya sa pinakaunang bleachers na nakita niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano.
Yes it is a rare opportunity. Pero hindi pa niya naisip iyon dahil hindi niya alam kung ano ang kailangan gawin.
She sighed heavily.
"Are you okay, Sasha?"
Nilingon niya ang tumawag sa kanya. She saw Andy— Daniel's cousin.
Umupo ito sa tabi niya.
"Ang lalim no'n. May problema ka?"
Umiling siya at tumingin sa harap. He was Daniel's cousin pero naiilang siya sa lalaki. Maybe because he is charming like Daniel.
"Can I ask you for a date, Sasha?"
"Huh?"
He chuckled. "You looked adorable."
Tumikhim siya at inayos ang salamin na suot. "H-Hindi kasi ko nakikipag-date. Pasensiya ka na, Andy." She politely rejected him.
Tumayo na siya para iwan ito.
"Do you like him?"
Nilingon niya ito.
"Sino?"
Mataman na tumingin ito sa kanya. "Si Daniel? Did you know what he wants from you?"
Alam niya kung ano ang gusto ni Daniel sa kanya. Higit sa pagkakaibigan... baka nga gusto siya ikana nito pero hindi na ngayon. He might be devious but he is a good person.
"Oo." Matagal na nag-isip siya kung sasagutin niya ang tanong nito. Bakit nga ba niya itatangi kung iyon ang nararamdaman niya? "Oo, gusto ko si Daniel at wala akong pakialam kung ano ang gusto niya sa akin."
Tuluyan na niyang tinalikuran ito. Napasinghap siya nang may humaglit sa kanya.
"You f*****g don't know what I am talking about. He got close to you to go after my car. I'll give him my car in exchange of you. Isang Lamborghini lang ang katapat mo sa kanya. I like you that's why he was so nice to you. We have a deal. Kapag okay na kayong dalawa ay ilalapit ka niya sa akin. It is part of the plan, Sasha. Don't fall on his plan he will only hurt you in the end."
Parang naparalisa siya sa narinig. Kaya hindi niya magawa pumalag dahil sa mga sinabi nito. He only played with her?
"He wanted my car so I giving it to him in exchange I'll have you."
"Sinungaling," bulong niya.
Daniel might be callous sometimes. Pero alam niyang totoo ang lahat sa kanila. He kissed her. He got jealous. He shared about his family. Lahat iyon ay alam niyang totoo...
"C'mon. I'll show you—"
Bago pa man siya mahila ng lalaki ay may kamay na humila rito para mabitawan siya. Napasinghap siya nang suntukin ni Daniel ang pinsan nito.
"f**k off, Andy. Don't you f*****g force her to go with you." Daniel angrily hissed.
Naging sanhi iyon nang pagtitinginan ng mga tao sa kanila.
Humarang si Daniel sa harap niya kaya hindi niya makita ang mukha ng Andy.
He sneered. "I told her about the deal. She knew everything now, Daniel. If I can't have her might as well you lost her."
Naluluha na tumingin siya sa likod ni Daniel. All about them is lie. Tila sumikip ang dibdib niya. May totoo ba sa lahat ng pinakita nito? Lumambot ang ekspresyon ni Daniel nang lumingon sa kanya. Hindi na niya napigilan ang mga luha. Marahas na pinahid niya ang mga luha at nag-iwas ng tingin.
"Sasha..." his voice almost plead.
Akmang aabutin siya ni Daniel nang humakbang siya paatras. Pati ba iyon ay totoo?
"B-Bakit?" nanginginig ang boses na tanong niya. Akmang aabutin siya ni Daniel pero umiling siya at mas umatras pa. "Ano ba talaga ang totoo? May totoo ba sa lahat ng ito, Daniel?"
"Sasha..."
Hindi na niya hinayaan na magpaliwanag ito at umalis na siya. Ayaw niya ng iba pang kasinungalingan. Baka maloko na naman siya. Sinabihan na rin siya ng kaibigan pero hindi siya nakinig. Hindi niya namalayan na sumunod pala ito.
"Sasha, listen to me. You need to hear me out."
Tinulak niya ito nang hawakan nito ang kamay niya.
"Dapat nakinig ako sa gut feeling ko. Someone like you will never like me. Alam kong may motibo ka pero hindi ako nakinig sa sarili ko. Hinayaan lang kita. I trusted you kahit na tinakot mo ko noong una para makipaglapit sa akin. Hinayaan ko ang sarili ko dahil akala ko totoo ka! Pero lahat pala ay peke!"
"Sasha, please listen to me. Maybe all he said is true but I really fell for you."
Sinuntok niya ito sa balikat.
"Huwag mo kong bilugin pa, Robredo. Hindi na ko maniniwala sa'yo." She spat with hatred.
"Sasha, alam kong mali ang ginawa ko para makuha ang gusto ko. Pero maniwala ka sa akin..." his voice were sad and in pain. "Gusto kita. Hindi mo alam kung gaano kita kagusto."
Umiling siya kasabay ng pagmamatigas ng puso. Hindi niya kayang patawarin ito nang ganoon kadali. He lied all these time.
"Stay away from me. Ayoko makita ka pa kahit kailan."
Nagmamadali na tumakbo siya para matakasan ito. She got her heart broken. Ganoon kabilis pagkatapos niya aminin at tanggapin na mahal niya ito.