LABING-PITO

2046 Words
UMUWE agad si Sasha sa kanila pagkatapos ng klase para maiwasan si Daniel. Hindi niya kayang kausapin pa ito. Pagkatapos nang mga nalaman niya. Mas nasasaktan siya dahil mahal niya. Pagkarating niya ay natigilan siya. Nilalabas ang lahat ng mga gamit nila! Patakbo na lumapit siya sa ina na halos nakikiusap na huwag galawin ang mga gamit nila. Nabitawan niya ang mga hawak at nilapitan ang mga nagbubuhat ng gamit nila palabas. "Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit n'yo nilalabas ang mga gamit namin?" "Pasensiya na, Ma'am pero utos lang po." Ani ng isa na tumingin sa kanya. "Sir, hindi ba't may isang taon kaming kontrata dito." Tinignan niya ang papel na inabot nito. "Pasensiya na, Sasha. Pero caretaker lang ako." Ani Mang Tomas sa kanya. Napamaang siya nang mabasa kung para saan iyon. Pinalalayas na sila sa bahay na iyon. Nakuyom niya ang papel. Utos marahil ni Greg iyon dahil ito ang nagbabayad ng renta nila doon. "Huwag ninyo galawin ang mga gamit namin. Please naman..." Nilapitan niya ang ina na tila matutumba. "Ma!" Bago pa niya masalo ito ay may mga kamay na humawak sa ina. Natigilan siya nang makita na inalalayan ni Daniel ang ina. Tumigas ang anyo niya. "Bakit nandito ka?" "What happen?" Nag-iwas siya ng tingin at kinuha ang ina. "Wala kang pakialam. Umalis ka na." "Sasha..." Her mother sob. Tila pagod na pagod ito. "Ma..." naluha siya nang makita ang kamiserablehan sa mukha nito. Tumingin si Daniel sa mga taong naglalabas ng gamit nila. Bago bumalik ang tingin sa kanya. Inalalayan ni Daniel ang ina nang muntikan na itong matumba na naman. "Let's go, Sasha. Your mother need to rest." Matagal na tumingin siya sa lalaki. Iniisip kung sasama siya o hindi pero wala siyang pamimilian. Wala silang mapupuntahan mag-ina. Ayaw sana niya magkaroon ng utang na loob kay Daniel. She sighed and looked at her mother. Kailangan na nga nito magpahinga. Tumango siya at sumama na. "I will get a movers to get all your things." Ani Daniel sa kanya nang tinulungan siya ipasok ang ina sa loob ng sasakyan. Niyakap lang niya ang ina. Hinaplos niya ang pisngi nito at naluluha. Hindi niya alam ang gagawin. Hinayaan na niya si Daniel kung saan sila dadalhin. Lulunukin muna niya ang galit at pride niya dahil kailangan niya ng tulong nito. "Sasha, I'm sorry...anak..." "Magiging maayos din ang lahat, Ma." Masuyong bulong niya at hinalikan ang sentido nito. Hindi namalayan ni Sasha na dumiretso sila sa Forbes Makati. "Daniel?" Ang buong akala niya ay sa condo siya ng lalaki dadalhin. Ilang liko lang at nakarating na sila sa bahay ng mga ito. "There's no one in our house here. My Mom was out of the country, next month pa balik niya. While my Dad and brother never go here." Ani Daniel nang magbusina ito para pagbuksan sila ng gate. "You can both stay here for a while." Hindi na siya umimik. Mas nakakahiya naman yata kung magrereklamo pa siya. Bumaba na si Daniel at inalalayan ang ina. Nakasunod lang siya sa mga ito hanggang alalayan ipasok ni Daniel ang ina sa loob. Siya ang nagbukas ng pinto ng kuwarto. Hiniga niya ang ina at kinumutan. Hinawakan niya ang kamay nito. Aaminin niya na natatakot siya sa mangyayari sa kanila na wala na si Greg. Ito ang bagay na sinasabi sa kanya noon. Hinaplos niya ang kamay nito. Her heart was aching. Hindi niya alam kung paano papagaanin ang loob nito. They will lost everything from now on. Nang maalala niya ang scholarship na inaalok sa kanya. Kung mag-aaral siya sa ibang bansa ay puwede siya makakuha ng citizenship. Kapag nakahanap siya ng magandang trabaho ay magiging maganda ang buhay nila. Maybe she should think about their future. Ngayon na silang dalawa na lang ay kailangan niya isipin maigi ang mga bawat desisyon. Hinaplos niya ang pisngi ng ina. "I had a good news, Ma. May offer sa aking scholarship sa ibang bansa. It has a lot of perks and they will give me allowances. Puwede ko ituloy ang Masters ko then we can live in abroad kung palarin. I will give you a comfortable life for the both of us." Nagmulat ito ng mga mata may ngiting kumurba sa mga labi nito. "T-talaga? You offered scholarship abroad?" "Oo, Ma. It will be funded ng university namin. Ayoko sana i-accept ang offer dahil abroad iyon at malalayo ako sa inyo—" Hinawakan nito ang kamay niya. "Accept it, Sasha. You should grab the opportunity, anak. Don't waste it like your brother did." His brother offered law scholarship abroad. He was a golden boy— he has exceptional high IQ. Pero mas pinili nito ang manatili para sa kanila at sa bandang binuo nito. He chose his passion over their Mom's dream. She will never choose the same mistake. "You will be happy if I accept it?" Hindi niya mapigilan itanong. Tinapik-tapik pa nito ang braso niya. "Oo naman. Magkaroon ka ng magandang buhay ay gusto ko, Sasha. Ayoko maranasan mo ang hirap na hindi ka piliin ng taong mahal mo dahil mahirap ka lang. Dahil hindi kayo parehas ng estado sa buhay." She was talking about her first love. Ang alam niya bago nito makilala ang ama ay may mahal itong iba. Hindi lang niya alam ang istorya. "It is for you, Sasha. Ayoko magaya ka sa akin." Naiiyak na naman siya. She wanted to take all the pain from her mother. Tumango siya at hinalikan ang kamay nito. "Ayos ka na po ba?" "Salamat, anak." "Magpahinga ka po muna, Ma." Nakangiting sabi niya. "You're lucky to have Daniel with you. Mukhang mahal ka ng batang iyon." Hindi siya umimik. "Don't waste that kind of love, Sasha. Love that will do everything for you." Pumikit ang mga mata nito at hinayaan nila makatulog. Nakatitig lang siya sa ina hanggang maging panatag ang paghinga nito. Lumabas na siya para hanapin si Daniel. Pagkalabas niya ay agad din niyang nakita ito. Lumingon ito sa kanya nang maramdaman ang presensiya niya. Binaba na nito ang tawag at humarap sa kanya. "How's your Mom?" Pinilit niya ngumiti. "Ayos na siya. Kailangan lang niya ng pahinga." Tumango ito at tipid na ngumiti. "Parating na rin ang kumuha ng mga gamit ninyo. Ipapaayos ko lang ang isang kuwarto para sa'yo." Umiling siya. "Magtatabi na lang kami ng nanay ko." "Okay," tipid na sagot nito. "Thank you. I owe you, Daniel." Mahinang sabi niya. Matagal na walang umimik sa kanila pagkatapos. Nagbaba siya ng tingin. "I'm sorry, Sasha." panimula nito. Hindi siya tumingin sa lalaki. "I know I hurt your feelings. Siguro nga nagsimula sa kotse ni Andy ang lahat. I get close to you in exchange of his car. But all the things you have felt and saw to me. It is all true." Humakbang si Daniel sa kanya. Tinaas nito ang mukha niya. "I'm sorry for hurting you." "Daniel..." Hinalikan nito ang noo niya. "I like you, Sasha. That's my truth." Maybe her heart is fragile... because she find herself trusting him again. xxx "NANGYAYARI ba talaga sa buhay natin ang mga bagay na ni minsan ay hindi natin naisip o akalain na posible mangyari?" nagtataka na tanong ni Sasha kay Vivian bago sila pumasok sa isang klase. Sa isang iglap nasa bahay nila Daniel na sila ng ina at wala na silang pera pangtustos. Ayaw naman niya umasa kay Daniel dahil mas nakakahiya. Sobra na nga iyong nakatira sila sa bahay nito. Bago siya umalis ay nagluto ang ina niya ng ulam at nagpadala rin ito para kay Daniel. Mamaya ay iaabot niya iyon kapag nakita niya dahil sa condo unit nito ito natutulog. Hinatid lang siya ng driver ng mga ito kahit nagpumilit siya na maglalakad na lang palabas ng mamahaling subdivision na iyon. "Palagi na lang naman may nangyayari na hindi ayon sa gusto o plano natin. Ganoon naman talaga," Lukot ang mukha na nilingon niya ang kaibigan. Takang tumingin ito sa kanya. Kalaunan ay bumuntong-hininga lang siya. Hindi niya sasabihin kay Vivian ang mga nangyayari. Ayaw niya mag-alala ito sa lagay niya. Hindi alam nito kung ano ang posisyon ng ina sa buhay ng ex-boyfriend nito. Ayaw niya maiba ang tingin ni Vivian sa ina. Dalawang araw ng hindi niya nakikita si Daniel. The funny thing is, she missed him. May pagkakataon nga na gusto niya puntahan ito sa unit nito pero pinipigilan niya ang sarili. Ayaw din niya bigyan nito ng kahulugan ang pagsadya niya sa unit nito. Ni hindi nga niya maintindihan kung bakit hindi siya nagalit ng todo pagkatapos nang mga nalaman. Pinaglaruan siya ng lalaki. Nagalit siya sandali pero ngayon hindi na niya makapa iyon. Dahil ba sa tinulungan sila ni Daniel? O dahil tanggap niya ang kahit ano dahil nagpaliwanag na ito? She trusted him again. Lalo na hindi niya puwede sabihin kung anuman ang namumuo niyang damdamin sa lalaki. Natigilan siya nang makita si Daniel na may mga kasama. Nasa hexagonal gazebo ang mga ito. Tila nakatambay ang tatlo doon. Kung hindi niya maiaabot iyon ay baka bukas pa niya ito makita. "Sasha, sandali!" Pigil ni Vivian sa kanya. Hinawakan pa nito ang braso niya. "Bakit mo lalapitan? Hindi ba pinaglaruan ka nila ng mga pinsan niya." Alam ni Vivian ang nangyari nitong nakaraan. Siguro ay halos lahat dahil sa open ground nag-away ang magpinsan dahil sa kanya. Marami ang nakarinig at kanina lang sa unang klase ay narinig niyang pinagtsi-tsimisan siya. "Malaki ang utang na loob ko sa kanya, Viv." Kinuha niya sa bag ang baunan na pinaghanda ng ina. "Pinabibigay rin ng nanay ko." Binenta niya ang cellphone niya kahapon para pandagdag sa pera nila. Hindi niya na-save ang number nito sa secondhand na de-keypad na phone na binili niya. Sinulyapan nito kung nasaan sila Daniel. "Sasama ko. Pakiramdam ko papasok ka na naman sa bahay ng mga lion." Ngumiti siya sa kaibigan at nagpasalamat. Sabay na sila naglakad palapit sa mga ito. Tumingin si Daniel sa kanya nang mapansin na papalapit siya. Nagsitinginan na rin ang mga kasamahan nito. Kilala niya iyong isa dahil nakita niya ito sa unit ni Daniel noong nakaraan na doon siya nakatira. "Sasha, do you need anything?" Unang tanong nito sa kanya. She bit her lips. "Hi Sasha, how are you?" Tanong ng nangangalang Nash or Kerkie. "So she is Sasha?" tanong ng isa pa. This good looking guy looks capricious. Tama nga si Vivian, guwapo ang mga magkakaibigan na ito. "Hi, I'm Wade." "Hmm... ito naman ang kaibigan kong si Vivian. Nice meeting you all." "Hello," tipid na sabi ni Vivian sa tabi niya. "You look different the last time I saw you," ani ng Nash. "You saw her? When? Bakit hindi ko alam 'yan?" tanong ng Wade. "Ayaw ipakilala sa'yo kasi matinik ka sa chicks. Baka daw agawin mo." Humalakhak iyong Nash. "Gago! Isa ka pa! Ano bang section ng Sabrina mo?" Ang kulit ng dalawang ito. Tipid na nginitian niya ang mga ito. Bumaling siya kay Daniel na nagbago ang eskpresyon ng mukha. "Don't smile to them, Sasha." Napakurap siya. The man named Wade chuckled. "'Wag ganyan, Daniel. Baka matakot mo si Sasha." "Shut up, Wade." Daniel glance at his friend. Napailing na lang iyong Nash ang pangalan. He looked at her again. Bumaba ang tingin nito sa lunch box na hawak niya. "Is that for me?" Tumingin din siya sa hawak. Muntik na niya makalimutan iyon! Idinukdok niya sa dibdib ni Daniel ang lunch box. "Pinabibigay ng mama ko. Thank you daw." Ngumiti na si Daniel sa kanya. "Are you sure that you don't cook it for me?" Napasinghap siya. Ang bilis ng t***k ng puso niya. Natawa ito sa naging reaksyon niya. Pinatong nito ang kamay sa ulo niya at hinaplos ang buhok. "I'm kidding, Sash. Thank you." Inalis niya ang kamay nito sa ulo niya. "Mauuna na kami ni Vivian. May pasok pa kami." "See you," ani Daniel bago siya tumalikod. Nilingon niya ito. "Ihahatid kita mamaya." Kaswal na sabi nito na tila walang nangyari sa kanila. "Wala ako'ng number mo na..." Tumango ito. "Then I'll text you," Hindi na siya umimik at nagmamadali na hinatak si Vivian palayo doon. Nang nilingon niya ang kaibigan ay namumula ang mukha nito. "Ano ang nangyari sa'yo?" "Kinindatan ako ni Wade Fajardo. Kinikilig ako, Sasha."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD