bc

The Mafia's Runaway Wife

book_age18+
49
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
powerful
mafia
bxg
like
intro-logo
Blurb

Matapos matuklasan ang pagtataksil ng asawa niyang si Brixton III, nagpasiya si Rieshel na tumakas. Hindi niya kayang tanggapin ang kagustuhan nitong makipagkasundo siya sa kabit nito at sa anak ng mga ito.Ngunit sa kanyang pagtakas, isang trahedya ang magbabago sa kanyang mundo at tuluyang maglalayo sa kanya sa lalaking minsan niyang minahal.Nang tuluyan nang mawala si Rieshel, saka lamang napagtanto ni Brixton III kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa. Sa kabila ng lahat, hindi siya sumuko sa paghahanap dito. Umaasa siyang balang araw ay muli niyang mabubuo ang pamilyang siya mismo ang sumira.Ngunit paano kung sa pagbabalik ni Rieshel ay hindi na siya ang babaeng dating nagmamahal sa kanya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Brixton!" Napahinto at nagulat si Brixton III nang marinig ang galit na sigaw ng kaniyang asawa. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa habang katabi ang kaniyang kabit at ang batang anak nila. "What are you doing here, Rieshel?" Nanlaki ang mga matang tanong niya sa biglang pagdating ng asawa. Hindi agad nakasagot si Rieshel. Nanatili lamang ang mga mata niya sa babaeng nakaupo sa tabi ng kaniyang asawa at sa batang masayang nakayakap dito. "Who is she, Brixton? And whose child is that?" nanginginig na tanong niya kahit alam na niya ang sagot. Napatingin sa kaniya ang babae bago ngumiti nang mapanukso. "I'm his woman, and this is our son." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Rieshel. Hindi niya akalaing maririnig mismo mula sa bibig ng kabit ang katotohanang matagal nang itinatago ng kaniyang asawa. "How long, Brix? Gaano na katagal na niloloko niyo akong!?" Hindi sumagot ang asawa. Sa halip, tumayo ito at lumapit sa kaniya. "Honey, let me explain..." "Explain what!? Na ilang taon mo na akong niloloko? Na habang masaya akong naghihintay sa pag-uwi mo, may iba ka palang babaeng inuuwian?" Napatingin siya sa bata. Lalong nadurog ang puso niya nang mapansing halos kaedad lamang ito ng anak nilang kambal. Siguro ay nasa tatlong taon lang ang tanda ng kambal sa anak nito sa kabit. "May anak na kayo! Brixton, may anak na kayo habang ako, ang asawa mo ay wala man lang kaalam-alam sa ginagawa mo! Pinagmukha mo akong tanga sa ilang taon!" Umiiyak na sigaw ni Rieshel. "Rieshel, please. Huminahon ka muna!" "Don't you dare tell me to calm down!" sigaw niya habang nag-uumapaw ang luha sa kaniyang mga mata. "I trusted you! Akala ko, ako lang ang babaeng minamahal mo!" "Honey, mahal na mahal kita. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sa iyo." Napatawa nang mapait si Rieshel. "Kung mahal mo talaga ako, bakit mo nagawa ito sa akin? Bakit mo ako niloko habang inaalagaan ko ang mga anak natin?!" Patuloy na iyak ni Rieshel sa harap ng asawa at sa kabit nito. Hindi na nakapagsalita si Brixton. Samantala, nakangiting pinagmamasdan lamang sila ng kaniyang kabit. "I want a divorce!" mariing sambit ni Rieshel. "Ayoko nang makita ang mukha mo! Hindi ko na kayang manatili sa tabi ng isang taong sinungaling at manloloko!" Mabilis siyang tumalikod at tuluyang umalis. "Rieshel!" Tawag pa sa kanya ni Brixton. Kaagad na umuwi si Rieshel sa kanilang mansyon. Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang mga aparador at mabilis na inilagay sa maleta ang kaniyang mga damit. Sunod niyang niligpit ang mga gamit ng kanilang dalawang anak. Hindi na niya kayang manatili sa bahay na iyon. Hindi niya kayang matulog sa tabi ng lalaking matagal na pala siyang niloloko. Ngunit bago pa niya matapos ang pagliligpit, biglang bumukas ang malaking pinto ng kanilang silid. "What the hell are you doing, Rieshel?!" Napalingon siya at nakita ang galit na galit na si Brixton dahil naabutan siya nitong nagmamadaling nag-impake. Ngunit hindi ito nag-iisa, nasa likod nito ang ilang armadong tauhan. "Bakit mo pa itinatanong!? Aalis na ako! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo!" sigaw niya habang patuloy na inilalagay sa maleta ang mga gamit ng kanilang mga anak. Ngunit hindi siya pinansin ng asawa. "Put down those suitcases, Rieshel!" "No! Aalis na kami rito! Hindi mo na ako kayang pigilan! Hindi na kita matatanggap, Brixton!" Biglang bumunot ng baril si Brixton at nagpaputok ito sa sahig. Napahiyaw si Rieshel at napaatras sa takot dahil sa malakas na putok ng baril. Mabilis na senenyasan ni Brixton ang mga tauhan kaya lumapit naman agad ang mga ito sa kaniyang asawa at mahigpit siyang hinawakan sa magkabilang braso. "Bitawan ninyo ako, Brixton! Ano ba ang ginagawa mo?!" Hindi siya pinakinggan ng mga ito. Lalong nanlaki ang mga mata niya nang lumapit sa kaniya ang asawa. "I know I've hurt you deeply, honey. But I'm sorry. I can't let you leave me and our children." "Bitawan mo ako! Hindi mo ako pwedeng ikulong dito! Kasalanan mo ang lahat ng ito!" Mahigpit siyang hinawakan ng asawa sa baba at pinilit na tumingin sa kaniya. "You're my wife, Rieshel! You belong to me! Hindi kita hahayaang basta na lang umalis sa buhay ko!" "Pero niloko mo ako! May iba kang babae! May anak ka pa sa kaniya!" Saglit na natahimik si Brixton. Pagkatapos ay marahan niyang hinaplos ang pisngi ng kaniyang asawa. "I don't care what you say, honey. You can hate me all you want, but you will never leave me." "Why don't you just let her make peace with you? That way, we can live a peaceful and happy life." "What!?" Nanlaki ang mga mata ni Rieshel, hindi niya inaasahan na iyon ang marinig sa asawa niya sa kabila ng kabaitan at mapagmahal nito sa kanya. "Kaya kong ibigay ang lahat sa dalawang pamilyang binuo ko. Bakit hindi mo na lang ako iintindihin? Ang mahalaga mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin, Rieshel." Tuluyan nang napaiyak si Rieshel habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng mga tauhan. Hindi niya akalaing ang lalaking minsang nangakong poprotektahan siya ang siya ring magiging dahilan ng kaniyang pinakamalaking paghihirap. At nang gabing iyon, tuluyan nang nagbago ang buhay ni Rieshel. At wala na siyang ibang hinahangad ngayon, kundi kung paano makatakas sa taksil na asawa. Chapter 1 Sa kabila ng pagiging isa sa pinakamakapangyarihan at kinatatakutang Mafia Boss sa buong bansa, may isang babae na kayang magpatunaw sa matigas na puso ni Brixton Valerioso III. Si Rieshel, ang kanyang pinakamamahal na asawa. Sa Valerioso Palace, namumuhay nang tahimik ang mag-asawa. Bumukod na ang kuya Dylan nila at ang pamilya nito. Nasa Makati na ang mga ito nanirahan kasama ang asawang si Kany. Ngunit lagi namang dumadalaw ang mga ito sa Palasyo. Nagpapatayo ng malaking mansyon ang kuya nila sa Makati. Isang malawak na mansyon at ito rin ang namamahala sa ibang malalaking negosyo ng kanilang ama. At siya naman ay sumunod na rin sa yapak ng ama at kapatid, isa din siya sa mga kinatatakutang Mafia Boss sa buong bansa. Hindi lamang sa Pilipinas siya may malawak na impluwensiya kundi maging sa ibang bansa kung saan pinamamahalaan din niya ang ilan sa malalaking negosyo ng kanilang pamilya. Isang tawag lamang mula sa kanya ay sapat na upang kumilos ang kanyang mga tauhan. Maraming kalaban ang natatakot sa kanyang pangalan, at walang sinumang basta-basta nangahas na sumuway sa kanyang mga utos. Ngunit sa harap ng kanyang asawa, ibang-iba ang lalaking si Brixton. "Honey, are you still awake?" Napangiti si Brixton nang makita ang kanyang asawa na nakaupo sa kama habang nagbabasa ng libro. Agad niyang nilapitan ito at hinalikan sa pisngi. "You're home early, honey." "Of course. I don't want to leave my beautiful wife alone for too long." Natawa si Rieshel nang yakapin siya ng asawa mula sa likuran. Sanay na siya sa pagiging malambing nito, lalo na kapag pareho silang nasa loob ng kanilang silid. "Akala ko ba marami ka pang trabaho?" tanong niya habang inilalapag ang libro. "I have more important things to do here." "Like what?" "Taking care of my wife." Napailing na lamang si Rieshel sa sobrang lambing ng asawa. Kahit gaano ito kaabala sa negosyo, sinisiguro pa rin nitong may oras silang dalawa. Minsan, kahit gabing-gabi na itong umuuwi, hindi pa rin nakakalimutan ni Brixton na dalhan siya ng mga paborito niyang pagkain o bulaklak. Hindi rin ito nagdadalawang-isip na kanselahin ang mahahalagang appointment kapag may kailangan siya. Para kay Rieshel, wala nang hihigit pa sa pagmamahal na ipinapakita ng kanyang asawa. "By the way, have you eaten dinner?" tanong ni Brixton. "Not yet. I was waiting for you." Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki. "Honey, how many times have I told you not to wait for me? You should eat on time." "But I want us to eat together." Napabuntong-hininga si Brixton bago muling hinalikan ang noo ng asawa. "All right. Let's have dinner together." Hinawakan niya ang kamay ni Rieshel at inalalayan itong tumayo. Pagkatapos ay magkasama silang bumaba patungo sa malawak na dining area ng kanilang mansyon. Sa labas, ilang armadong tauhan ang nakabantay sa kanilang paligid. Mahigpit ang seguridad dahil alam ni Brixton na maraming taong gustong makakuha ng pagkakataong pabagsakin siya. Ngunit hindi niya hinahayaang maramdaman iyon ng kanyang asawa. Gusto niyang maging ligtas at masaya si Rieshel sa piling niya. Habang kumakain, hindi maiwasan ni Brixton na pagmasdan ang magandang mukha ng asawa. Sa kabila ng dami ng babaeng maaari niyang makasama, si Rieshel lamang ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay. "Why are you staring at me?" natatawang tanong ni Rieshel. "Because I'm lucky to have you, honey." Napangiti si Rieshel at marahang hinawakan ang kamay ng asawa. "I love you, Brixton." "I love you more, honey." At sa mga sandaling iyon, wala nang ibang hiniling si Brixton kundi ang manatiling ganoon ang kanilang buhay. Isang tahimik na tahanan, isang masayang asawa, at isang pamilyang bubuuin nilang dalawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.6K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
483.5K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.2K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.0K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
14.4K
bc

In Bed With Kuya Red

read
52.2K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook