Chapter 21

2287 Words
Chapter 21 NarratorPOV Nakalumbaba na naka-upo si lara sa classroom. miss na niya si hannah, alam niya, na kinuha na ito ng mga magulang nito at dinala sa bago nitong tahanan. hindi niya alam kung saan ang tinitirahan nito dahil hindi naman sinabe sa kanya ng kaibigan. "where's your best friend? iniwan ka na ba?" Nang-aasar na sabi ni queenny. Umayos naman ng upo si lara at tumingin sa labas ng bintana. noong nawala si hannah ay siya naman ang binubully ni queeny. "wala akong panahon makipag-plastikan sa pangit na kagaya mo" Ngumisi naman si quenny. "alam ko na hindi nasiya babalik dahil nag transfer na siya" napatingin si lara kay queeny. May itinapon itong papel sa harapan niya at tiningnan naman niya iyon. Nakalagay doon sa papel ang pag-tratransfer ni hannah. ano ba ang pumasok sa isipan ng kaibigan at nag transfer ito. "hindi niya sinabe sayo? poor you" Hindi sumagot si lara at kinuha ang bag tyaka deri-deritsong lumabas ng paaralan. Kailangan niyang makita at maka-usap si hannah. Pagkalabas niya ng gate ay may humintong kotse sa tapat niya. nabigla naman siya pero ng makita niya kung sino iyon ay napalitan ng inis ang mukha niya. "sakay" Inis naman siyang sumakay. HannahPOV Isang malakas na sampal ang ibinigay sa akin ni mama dahil nabasag ko lang naman ang mamahalin niyang figurine. hindi ko naman sinasadyang mabasag iyon. Narito kami sa sala. Nakita ko ring nais akong daluhan ni lola beth pero pinigil ko siya. "malas ka talaga!" tumingin siya sa mga katulong. "pahirapan niyo ang babaeng ito! hanggang sa magtanda!" galit niyang sigaw at umalis. Sa halos Dalawang linggo ko dito ay nagbago na ang lahat. akala ko ay magiging masaya kaming pamilya pero mali pala ako sa inaakala. dahil abuso ang ginagawa nila sa akin dito lalo na si mama. hindi naman ako pinag-bubuhatan ng kamay ni papa pero wala siyang ginagawa kung si mama ang nagpapahirap sa akin. Dahan-dahan kong linagyan ng gamot ang namumula kong pisngi. nagka-pasa din ako sa kanang braso. hindi ko ini-expect na ito ang kahihinatnan ko sa pagsama sa kanila. Bakit parang nagbago sila? hindi ko na kilala ang mga ugali nila lalo na si mama. noon nagagalit siya dahil nasusugatan ako pero ngayon ay siya na mismo ang dahilan kong bakit ako nagkaka-sugat. Kaba ang bumalot sa boong sestima ko dahil may kumatok sa pinto ng aking kwarto. baka si mama iyon at pag-buhatan nanaman ako ng kamay. "iha, ako ito, si lola beth mo" Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang malungkot na mukha ni lola beth. may dala siyang tray ng pagkain. Pinapasok ko siya sa loob at tyaka kami umupo sa kama. "cge iha, kumain kana, alam kong hindi kapa kumakain hanggang kaninang umaga" Napangiti naman ako dahil adobo lang naman ang linuto ni lola. sarap na sarap ako habang kumakain. halos ay ubusin ko na pati ang natitirang kanin sa pinggan dahil sa labis na kagutuman. "salamat po sa pagkain!" masayang sabi ko. ngumiti naman siya. "pasensya na dahil wala akong magawa kundi ang tingnan kalang habang sinasaktan ng rey― ng iyong ina" Ngumiti naman ako ng malungkot. "hindi ko alam kong bakit, bakit sila ganyan, wala naman akong nagawa na ika-gagalit nila sa akin" pumikit ako at may tumulong luha galing sa mata ko. "naaawa ako sa sarili ko, lola" Hinawakan niyaang kamay ko. "hayaan mo, dahil itatakas kita dito" "po?" "itatakas kita, abuso na itong ginagawa nila sayo..." Hindi ako nagsalita dahil kahit tumakas ako ay mga magulang ko parin naman sila. sa kanila parin naman ako babalik. Matapos ay pag-uusap namin ni lola ay lumabas na siya ng aking kwarto. Kinabukasan ay nagulat ako dahil bumungad saakin ang nakangiting mukha ni mama. Nagsumiksik ako sa headboard ng kama dahil baka ay sampalin nanaman niya ako. "anak" lumungkot ang mukha niya at umupo sa gilid ng kama ko. "patawarin mo si mama, nabigla lang ako dahil napamahal na sa akin ang figurine na iyon" Dahan-dahan niyang hinaplos ang aking ulo. "patawarin mo ako anak..." nakangiting sabi niya. Sino ang hindi magugulat na bigla nalang magso-sorry ang magulang mo sayo. kahapon sinampal at halos patayin niya ako sa nabasag kong figurine pero ngayon ay mukha na siyang anghel. "patawarin mo si mama" mahina niyang sabi. Ngumiti naman ako ng pilit. "s-sorry din po" "oh no, don't be sorry, I know aksidente ang nangyari" Aksidente? pero bakit halos patayin kulang nalang ay sakalain niya ako kahapon. Inilahad niya ang dalawang kamay sa akin kaya yumakap ako sa kaniya. hinaplos niya ang ulo ko. napatingin ako sa pinto dahil pumasok roon si papa na bihis na bihis. "oh, akala ko ba aalis tayo?" "ho?" Tumingin sa gawi ko si mama. "aalis tayo anak, ipapasyal ka namin at pupunta din tayo sa bago mong paaralan" nakangiting sabi nito. Kahit na hindi ako sumang-ayon ay pinilit parin nila ako. kaya ay narito ako at nagsusuklay ng buhok. nasa ibaba sila at hinihintay ako. matapos, ay bumaba na ako. Narito na kami sa loob ng kotse, boong biyahe ay tahimik lang ako dahil hindi ako makapaniwala na naging mabait nanaman sila sa akin lalo na si mama. Nagtungo kami sa isang farm. ang presko ng hangin dito, perfect sa nga taong gustong-gusto ng tahimik na lugar. "ito ang lupang binili namin ng papa mo, noong nasa america palang kami, mahirap itong kuhanin dahil maraming mga negosyanteng tao ang gustong bilhin ito pero sa amin napunta" sabi ni mama. Kaya pala sila natagalan ng halos limang tao dahil nagpayaman muna sila pero dapat ay na-aalala parin nila na may anak parin sila dito sa pilipinas hindi puro negosyo lang ang nasa utak nila. inaamin ko na naiinis at nagtatampo ako sa kanila kasi noong bumalik sila ay hindi koman lang narinig na mag sorry sila sa akin. "are you alright, anak?" Ito pa, kapag sinasabihan niya akong 'anak' ay wala akong nararamdamang kakaiba. Walang kahit anomang haplos sa puso ko. wala. Tumango ako. "come on, pupunta na tayo sa bago mong school" Nasa harapan kami ng malaking paaralan. ngayon ko lang nalaman na nasa probinsya pala kami ng *****. Namangha ako dahil kakaiba ang desinyo ng kanilang uniporme. Private school ba tong linapatan ko? Kulay maron ang skirt na abot hanggang legs. white uniform at maron din na coat na may kulay gold sa gilid ng kuwelyo. meroon ding necktie na kulay black. "this is my daughter, hannah" Napatingin sa akin ang teacher at ngumiti. "I tranfer my daughter in her old school at dito ko siya gustong papag-aralin, I want you to treat her right, hindi ko gusto na may tatawag sa akin na binully or any other reason na involved sa anak ko, maliwanag ba, ms. jules" Yumuko ang guro. "o-opo, ma'am" Binalingan ako ni mama at sinabeng. "iha" ngumiti siya at lumapit sa akin. "I hope you don't disappoint me" bolong niyang sabi. nawala naman ang mga ngiti ko. Kinabukasan ay dumating kaagad sa bahay ang uniform ko at mga gagamitin ko sa school. pati bagong bag ay meron din ako. sinabe ay sa susunod na linggo daw ang pagpasok ko. Matapos ang ilang araw ay lunes na. ito na ang araw ng pagpasok ko sa bago kong school. kahit na hindi ko gusto doon ay wala akong magagawa at isa pa, isang taon nalang naman ang tatapusin ko at ga-graduate na ako ng college. Nakatingin ako sa salamin habang tinitingnan ang soot kong uniporme. ang kapal ng uniform nila nasa magiginaw lang na lugar pweding gamitin. at ang palda naman ay maikli na kapag yumuko lang ng kaunti ay makikitaan na, napabuga nalang ako ng hangin. sana walang second version ni queeny doon dahil gugulo nanaman ang tahimik kong pag-aaral. Bumaba na ako at matapos mag-almusal ay sumakay na ako sa sundo ko. sinabe sa akin ni lola beth na umalis daw ng maaga ang mga magulang ko kaya hindi ko na sila naabutan. Nakarating na ako sa paaralan. lumabas na ako sa kotse at napapatingin sa akin ang nga studyanteng dumadaan para pumasok sa gate. yumuko nalang ako. siguro nababaguhan sila sa mukha ko dahil transfer student ako dito. "anong oras kita susunduin, ma'am?" Bumaling ako sa driver. "ahm,wag mo nalang ako sunduin kuya" "hindi maari"napakamot siya ng ulo. "ibinilin sa akin ng inyong ina na ihatid-sundo kita" "ahh, mga 5 pm nalang kuya" "cge po ma'am, goodluck sa firts day!" pag checheer sa akin ni kuyang driber kaya ngumiti nalang ako bago siya umalis. Bumaling na ako sa university at pumasok na kasama ang mga studyante... NarratorPOV Ilang linggo ng bigong-bigo si niro, hindi siya makatulog at kulang din siya sa pagkain. Lasing siyang naka-upo sa sahig ng kanyang opisina. nagkalat din ang mga wine sa sahig at meron ding mga basag. Miss na miss niya na ang dalaga. gustong-gusto na niya itong makita. kaya walang araw na hindi siyang nagpapahinga. "what the heck!" gulat na sabi ni calsifer ng pumasok siya sa opisina ni niro. nakita niya itong lasing na lasing. "the hell!niro, hindi gugustuhing makita ni hannah ang kalagayan mo kapag nandito siya! get your ass up, we will find her" inis na sabi ni calsifer. "we still can't find her" bolong niyang sabi sa lasing na boses. "putangina, gusto ko na siyang makita" Bumuntong hininga si calsifer. "kaya nga hahanapin natin siya diba,mahal mo siya diba? then, get up, fixed yourself and we will find her" Dahan-dahang bumangon si niro sa sahig at tumingin kay calsifer. "putangina! na hindi nga natin siya makita! ni kahit ang ostara ay hindi alam kong nasaan siya" "at ano? ha? susuko ka nalang!? I know you niro, you are just missing her that's why nagkakaganito ka" kinuwelyuhan siya ni calsifer. "nandiyan na ang pinapahanap mo, kausapin muna" Deri-deritso namang lumabas ng opisina si calsifer. HannahPOV First day of class, bagong mga studyante at mga guro. hindi ko parin alam kong nasaan ang classroom ko kaso nahihiya naman akong magtanong sa mga studyante dito. kakaiba kasi ang tingin nila sa akin. Nasa hallway ako at tumitingin-tingin sa mga classroom kung iyon na ba ang room ko. kahit probinsya ang lugar na ito ay parang nasa syudad ang skwelahang ito dahil narin sa mga kagamitan at desinyo. meron pa ngang locker eh. ayos dahil hindi naku uuwi ng bahay kapag may nakalimutan ako. Napatingin ako sa grupo ng studyante na nasa hallway. ano yun? nagrarambulan sila? natumba ako dahil may tumakbong studyante sa kinaroroonan ko at nasagi niya ako. "putangina!bubugin niyo nga siya!" Napatingin ako sa sumigaw. nag-aaway na ang mga grupo ng studyante na nakita ko kanina. nakita kong nag checheer naman ang ibang mga studyante. sumiksik ako sa gilid dahil dumadami na ang mga studyante. Kailangan kong umalis dito. Ayokong masangkot sa gulo. tama na iyong bully lang pero kung masugatan ako ay aba ibang usapan na iyan. Nagmamadali akong bumaba sa third floor. Nasa bench ako ngayon. pasado alas otso(8) na pero hindi ko parin makita ang classroom ko. badtrip naman oh. kung kailan first day! Nakarinig ako ng parang nagrereklamo sa di kalayuan. parang nasasaktan na ewan. sinundan ko ang daing. "aray dahan-dahan naman wisp!" mahinang sabi ng babae ngunit hindi ko iyon narinig. Sumilip ako at nakitang nakatingin na pala sa kinaroroonan ko ang ekstranghiro. nabigla ako at napahawak sa dibdib. Masamang tumingin ito sa akin. "sino ka? anong pangalan mo? ba't ka naninilip? magsalita ka" inis na sabi nito. Ang daming tanong naman ng babaeng ito. naka ponytail ang buhok niya at hindi siya naka soot ng coat. naka-soot siya ng black rubber shoes na may puting medyas. at masasabi kong ang cool niyang tingnan. mukha siyang boyish. boyish ata eh. Tumikhim ako. "pweding isa-isa lang ang tanong?" Tinaasan niya ako ng kilay "hindi ako nakikipag-biruan sayo, hampas lupa" inis niyang sabi at tyaka bumaling sa tuhod niyang may sugat. Grabe maka-hampas lupa naman to. napansin kong mayroong pasa sa gilid ng mata niya at may sugat naman sa gilid ng kanyang labi. may tumutulong dugo rin sa gilid ng leeg niya. "wag mo nga akong suriin!tss" sigaw niya at umirap. Nabigla naman ako sa inasta niya pero napalitan din iyon ng pag-aalala. "anong nangyari sayo?" "pake alam mo" Dahan-dahn akong lumapit sa kinaroroonan niya at umupo sa lupa. paharap sa kaniya. umiwas naman siya ng tingin at ipinagpatuloy ang pag-gamot sa sugat niya. "a-ako nga pala si hannah" inilahad ko ang kamay sa tapat niya upang makipag shake hands pero inirapan lang niya ito kaya binawi ko nalang. "kasama ka ba sa mga nagrambulan kanina?" Inis niya akong binalingan. "mukha ba akong mang-aamok ng away!?" "sabi ko nga hindi" "umalis ka na nga lang, hindi naman kita kilala" Ang sungit naman ng babaeng toh, magkaparehong-magkapareho ang ugali nila ni selvania. parang araw-araw dinadatnan, eh hindi naman. Ngumuso ako. "nag-aaral ka dito?" hindi niya ako sinagot at ipinagpatuloy ang pag-gamot. "anong section mo?, anong year muna?" Hanggang sa matapos ang paggagamot niya sa sugat ay linagyan na niya ito ng bandage, tyaka dahan-dahang tumayo. "secrion 1AC karin ba?" Sinamaan niya ako ng tingin. "ang daldal mo, alalayan mo nalang kaya ako" sabi niya habang hirap paring tumayo kaya inalalayan ko siya. NarratorPOV Pagkababa ni niro ay bumungad sa kanya ang hindi niya inaasahang bisita. Sa wakas ay nagpakita din ito sa kanila, sampong taon nila itong hinihintay at ngayon lang napag desisyunang magpakita dahil nawawala ang kaibigan. Malamig na tiningnan ito ni niro. "where is she?" mapanganib niyang tanong. Tumayo ito ng makita siya at yumuko. "patawad dahil itinago ko siya sa inyo, alam ko may kasalanan ako pero inaalagaan naman namin siya ng mabuti dahil ka―" "nonsense! stupidong paliwanag para sa isang stupidong tao at uto-uto kagaya mo! Lara!!" ✔︎ZN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD