Chapter 20
Ang sabi ni mama ay halos 20 minutes daw iyong biyahe pero umabot na ng dalawang oras ay bumibiyahe parin kami. halos mga puno na ang nadadaanan namin. malayo na kami sa syudad.
Nakaramdam naman ako ng kakaibang awra sa loob ng sasakyan. tumingin ako kay mama na ngayon ay supestikada ang upo.
"m-ma? sabi niyo malapit lang"
Seryoso ang mukha niyang tumingin sa akin at ngumiti. "wag kang mag-alala, anak ko, malapit na tayo" kinalibutan ako sa sa sinabe niyang 'anak ko'
Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa nakakakilabot niyang tingin sa akin. tumingin nalang ako sa labas at hindi na muling nag-salita pa.
Matapos ang mahabang biyahe ay huminto na ang sasakyan. tumingin ako sa labas at komonot ang noo ko dahil puro mga puno ang nakapalibot sa amin. tumingin ako sa malaking gate na nasa harapan ko. ang gate ay luma na.
Nakita kong bumukas ng kusa ang gate at dahan-dahang pumasok itong sinasakyan naming kotse. pinisil ko ang mga kamay ko dahil parang kinakabahan ako.
Pag-pasok sa loob ay bumungad sa akin ang napakalaking mansyon. kulay black iyon at ang boong paligid ay may nakalagay na angel satue na luma narin.
Huminto ang kotse, hudyat na bababa na kami. pagkababa namin ay sobrang lawak ng paligid.
"welcome to our new home, iha" masayang sabi ni mama.
Ngumiti din ako pero pilit lang. naninibago kasi ako sa lugar. parang inabandona na hindi ko maipaliwanag at ang bigat din ng pakiramdam.
Pumasok na kami sa malaking pinto. bumungad sa akin ang gothic style. pati mga gamit eh makaluma din. may limang katulong sa gilid at halatang kanina pa nila kami hinihintay.
"Makinig kayong lahat, ito ang aking anak na si hannah" hinawakan ako ni mama sa balikat. "at gusto ko ay tratuhin niyo siya na parang prinsesa" kakaiba ang boses ni mama, parang sarkastiko? "maliwanag ba?"
Nagsitanguan naman ang katulong at gwardyang naroon. "opo, madam"
"ipakita niyo sa kanya ang bago niyang kwarto"
Inakay naman ako ng mga katulong na pumunta sa taas. hindi ko maisip na malaki ang ibinago nila mama. naging sobrang yaman sila ni kahit katulong ay pwede na silang maghanap.
Pagtapak ko sa second floor ng bahay ay nahagip ang atensyon ko sa mga frame na naka-sabit sa ding-ding. ngunit, natatakpan iyon ng makakapal na kurtina kaya hindi makita.
Tumigil kami sa harap ng puting pinto at bumungad sa akin ang maliit na kwarto. poro puti ang kulay. may isang maliit na kama. kakaiba ang kwartong ito kaysa sa kwarto ko dati sa tinitirahan naming bahay.
"ito ba ang kwarto?" marahan kong sabi.
Tumango naman ang dalawang katulong. "ang sabi ng rey— este ng madam, ay kung matapos kayo'ng mag-ayos ay bumaba na kayo para sumabay sa kanilang mag-almusal" anito at deri-deritsong umalis.
Pinasok ko na ang mga dala kong bag sa kwarto. inayos ko muna ang pagkakalagay ng mga iyon at matapos ay naglinis na ako ng sarili at bumaba.
Habang naglalakad ay ang bigat sa pakiramdam. para bang hindi maganda'ng tirahan ang bahay na ito at sumama sa mama at papa ko. pero bakit ganito ang nararamdaman ko eh mga magulang ko naman sila kaya bakit nila ako ipapahamak.
Pagkababa ko ay naabutan kong walang tao ang boong sala. umangat ang tingin ko at nakita ang malaking picture frame sa itaas ng dingding. nakatakip din iyon ng makapal na kurtena. ganun din doon sa ibang frame sa second floor.
"miss hannah?" lumingon ako at nakita ang babaeng katulong. "hinihintay na kayo ng inyong magulang sa hapag"
Itinuro niya sa akin kung nasaan ang dining table. pagpunta ko roon ay bumungad sa akin ang mahabang mesa at 20 upuan. maraming nakalagay din na pagkain na para bang may pyesta.
"halika, iha samahan mo kaming kumain ng iyong papa"
Pagka-upo ko ay mismo ang katulong ang naglagay ng pagkain sa plato ko. "ang dami namang pagkain, may, party po bang magaganap?"
Tumawa si mama. "party? no, magsasaya tayo dahil narito ka na sa amin at hinding-hindi kana mawawala ulit" sabi ni mama at uminom siya ng wine sa kopeta.
Parang kakaiba ang sinabe niya, ang weird. parang may ibang ipinapahiwatig iyon sa isipan ko.
"anak, kumain kana" sabi ni papa kaya tumango naman ko.
Pagkatapos ang pagkain ay nagtungo na kaagad ako sa kwarto upang makatulod dahil sa sobrang pagod ng biyahe.
NarratorPOV
Napa-upo si niro sa office chair niya. nagtungo palang siya sa condo ni hannah. ngunit ay walang tao doon at sinabe sa kanya ng staff ng building ay wala ng hannah ferrira ang nakatira sa condo. ibig sabihin lang iyon ay umalis na ang dalaga.
Napatingin siya sa pinto ng bumukas iyon. pumasok doon si calib, wisp at calsifer.
"did you find her?" tanong niya.
Nagsi-ilingan ang tatlo.
"malakas ang kapangyarihan na humaharang kung nasaan ang señorita, master"
Inis na umupo si calsifer sa sofa.
"ni kahit sa isipan ko ay hindi siya mahanap-hanap"
Malakas ang hinala niya na ang humaharang sa kanila para hindi makita si hannah ay ang mga taong kasama ngayon ng dalaga. nasa panganib ang dalaga kaya dapat sa lalong madaling panahon ay mahanap nila kaagad ito. dahil kung hindi ay tuluyang magwawagi ang kadiliman.
HannahPOV
Dalawang araw na akong nandito. miss na miss ko na sina lara at sina niro. alam kong alam na nila na hindi na ako nakatira sa condo. baka nag-aalala na sa akin ngayon si niro o di kaya ay hinahanap ako.
Pero dapat hindi siya mabahala ay nasa mabuting kalagayan naman ako. sa dalawang araw ay wala akong ginawa kundi ay ang magpunta sa garden. gusto kong lumabas pero ayaw nila mama at papa dahil daw ay hindi ko pa alam ang lugar na ito at baka mapahamak ako.
Sa nagdaang araw ay nakikita kong mas lalomg naging mainitin ang ulo ni mama. palagi silang nagkaka-galit ni papa. kapag nakikita nilang nasa harapan nila ako at nag-aaway sila ay umaalis sila sa harapan ko at pumapasok sila sa kwarto nila.
Para bang meron silang sekreto na hindi ko dapat malaman.
Ngayon ay nasa garden ako. maliit lang ang garden. hindi gaanong kalakihan, pero masasabi kong maganda ang mga bulaklak dito. may mga paro-paro din at kulay itim ang mga iyon.
Naglakad-lakad ako. tumatama din ang preskong hangin sa balat ko. komonot ang noo ko dahil parang may narinig akong huni ng kabayo sa likod ng bahay namin.
Nagtungo ako roon at nan-nindig ang balahibo ko dahil halos isang daan ang lapida ng patay ang nandito. ano bang lugar itong nilipatan namin. bakit may sementeryo sa likod ng bahay.
Nakita ko naman sa di kalayuan ang kabayo. puti iyon at nakatali siya sa kahoy.
Gusto kong lapitan iyon pero natatakot ako sa mga lapidang nandito. dali-dali akong umalis sa likod ng bahay at nagtungo sa loob. nakita ko doon sina mama at papa na kaka-uwi palang.
"anak" hinagkan ako ni mama sa pisngi. all black ang soot niya ganun din ang kay papa. pulang-pula ang labi ni mama. na animoy bampira katulad sa mga napapanood ko.
"anak, ayos ka lang ba dito?" sabi ni papa.
Tumango ako. "opo, papa"
"masaya akong malaman iyan" sabi ni mama. "kumain na ba ang anak ko, beth" mataray na sabi ni mama sa lolang katulong.
Yumuko ito. "o-opo, ma'am"
"very good" tumingin siya sa akin. "I am so very stressed anak" hinawakan niya ako sa kamay at inakay paupo sa sofa. "you know what, hinabaan ko ang pasensya sa mga guro don sa school mo"
"bakit? a-ano pong ginagawa niyo sa school?"
Ngumiti. "I transfered you in the other school" simpleng sabi niya. at hinawak-hawakan ang nakalugay kong buhok.
"po?" gulat kong sabi. "bakit niyo po ginawa iyon?"
"hindi ka bagay, sa mga taong nandoon, mas mabuti na dito ka sa lugar na ito mag-aaral, dahil mas nakaka-pokos ka sa lahat"
Yumuko ako. "pero dapat sinabihan niyo ako, kung sasang-ayon ba ako sa desisyon ninyo"
Binitawan niya ang buhok ko at mariing hinawakan ang braso ko. masakit iyon dahil tumutusok ang mahahaba niyang koko.
"a-aray, ma, nasasaktan ako" mahina kong sabi.
Mariin niya ako tiningnan. "masasaktan ka, dahil pinapangunahan mo ang desisyon ko!" diin niyang sabi. "bakit hindi ka nalang magpasalamat? ang kapal ng mukha mo"
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. umalingaw-ngaw ang palad niya na lumapat sa pingi ko. Hindi ako makapaniwala na gagawin to sa akin ni mama, ang samplain ako. anong nagawa ko at ganito siya. nag-bago na pati ang ugali niya. hindi ko na siya makilala.
Tumayo siya. "Wala kang utang na loob! pasalamat ka dahil binuhay pa ki—" hindi niya tinapos ang sinabe dahil may napagtanto siya. "magpasalamat ka!"
Tumayo din ako. "ayokong lumipat!" hikbi kong sabi habang nakahawak sa pinsgi ko. "ayoko! bakit niyo ba ko pinapangunahan sa lahat! ni ayaw ko nga!"
"anong nangyayri dito! dianne!" ng marinig ko ang boses ni papa ay patakbo akong lumapit at pumunta sa likod niya. "anong ginawa mo!?"
"wala akong ginawa, talagang walang utang na loob lang yang anak mo!" matgias ma sabi ni mama. lumipat ang tingin niya sa akin. "magpasalamat siya dahil kung hindi, pang-habang buhay kong ikokolong ang kalu—"
"dianne!" sigaw ni papa.
Padabod na umalis si mama sa sofa at nagtungo sa kwarto nila.
Lumingon naman sa akin si papa pero akala ko ay yayakapin niya ako o di kaya ay magtatanong siya sa akin kung ayos lang ba ako. Ngunit hindi, dahil tinapunan niya lang ako ng masamang tingin at nagmamadali siyang umakyat sa itaas.
Lalo naman akong napaiyak. Yinakap naman ako ni lola beth kaya lalo akong napaiyak sa balikat niya.
Isang linggo na ng hindi ako pinapansin ng mga magulang ko. lalo na si mama, kapag nagtatagpo ang landas namin ay palagi siyang umiiwas kaya minsan ay nagkukulong nalang ako sa kwarto.
Binibigyan naman ako nila lola ng pagkain kapag ayokong lumabas ng kwarto. inaamin ko na miss ko na ang dati kong buhay, miss ko ng lumabas, miss ko na sila lara, si niro. Kumusta na kaya sila?
Narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"pasok"
Bumungad sa akin si lola beth. ang matandang katulong dito sa bahay. may dala siyang tray ng pagkain, inilapag niya ito sa kama ko at siya naman ay umupo sa kama.
"iha, kumain kana,linuto ko iyan para sayo" ngiting sabi niya.
"salamat po lola pero wala po akong gana"
Nalungkot naman ang mukha nito dahil sa sinabe ko.
"iha, napapansin kong nitong nakaraang araw na hindi ka kumakain ng mabuti, minsan nga ay hindi ka kumakain, hindi mo ba gusto ang ulam? sabihin mo lang sa akin ang gusto mo at ipag-luluto kita"
Si lola beth lang ang katulong na nakaka-usap ko. Ang ibang mga katulong dito ay iniirapan lang ako o di kaya ay umiiwas sa akin.
Yumuko ako. "sorry po at maraming salamat dahil meron pa palang isang taong nag-aalala sa akin dito sa bahay"
Nabigla ang matanda ng makita niyang umiiyak na pala ko. Linapitan niya ako at yinakap. "alam kong nasasaktan ka parin dahil sa pagkuha niya sayo, kung pwede lang na aminin ko sayo ang lahat ay ginawa ko na pero baka pati ako ay masaktan niya, patawad, iha"
binalingan ko siya. "anong ibig niyo pong sabihin?" humihikbing sabi ko. Ngunit wala akong sagot na narinig sa kaya...
✔︎ZN