Chapter 19
Nagulat ako dahil matapos ang dalawang araw ay pinipilit na ako nila mama at papa na tumira sa bahay. gusto na nilang boo kami at magkasama sa iisang bahay para daw masaya.
Sa loob ng dalawang araw naman ay galit na galit ako kay niro. dumadalaw siya sa condo ko pero hindi ko siya pinag-bubuksan ng pinto. nag-tanong sa akin si wisp kong ano ang problema ko. ngunit hindi ko siya sinasagot.
Sasabihin ko ba kay niro ang nalaman ko. gusto kong malinawan. gusto kong malaman kong bakit magkakilala sila ni queeny, sino ang babae sa litrato. ngunit wala akong lakas ng loob na magpakita sa kaniya dahil galit parin ang kalooban ko.
Ngayong gabi ay pabaling-baling ako sa kama dahil hindi ako makatulog ng mabuti. kahit anong posesyon ko sa kama ay hindi talaga.
'magwawakas na ang huling pahina'
'magwawakas na ang huling pahina'
Gabi-gabi ay palagi kong naririnig ang salitang iyon. na para bang may tao sa loob ng kwarto ko pero wala naman. anong magwawakas? at ano ang huling pahina?.
"tigilan mo na ako!" sigaw ko at bumangon dahil sa paulit-ulit kong nairirinig ang boses na iyon. tinakpan ko ang tenga ko. "tumigil kana! tigilan mo nako!"
Heto nanaman, may bumubulong nanaman. patakbo akong umalis sa kama at bumaba sa sala. binuksan ko ang lahat ng ilaw at bumungad sa akin ang naka-bukas na veranda at nagsisiliparan ang manipis na kurtena.
"s-sino ka? anong kailangan mo sa akin?" ngayon lang ako nakaramdam na umiiyak na pala ako. "tigilan mo na ako! please!"
Kinabukasan ay itim na itim ang eyebags ko. mukha din akong kalansay na naglalakad sa paaralan. wala akong magandang tulog nitong nakaraang linggo dahil narin sa boses na iyon. gabi-gabi kasi iyong bomobulong bago ako matulog at hindi ko alam kong ano ba iyon at ano ang dahilan.
"frieny!!" sigaw ni lara at patakbong lumapit sa akin. ng makalapit na siya ay komonot ang noo niya. "anong nangyari sayo?"
"wala, pagod lang"
"at saan ka napagod?"
"wala, halika na, dami mo nanamang tanong"
Boong magdamag ay wala akong naintindihan sa mga guro habang nagtuturo. blangko ang isipan ko. hanggang sa matapos ang boong klase namin ay lumilipad ang isipan ko.
Gabi na ng maka-uwi ako. lumabas na ako ng elevator ngunit napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko si niro na nasa tapat ng pinto ng condo ko. nakasandal siya habang may bitbit na bulaklak at pagkain. tumingin siya sa gawi ko gamit ang seryoso niyang mukha.
Inirapan ko siya, anong akala niya. mapapatawad ko siya sa mga pa-flowers-flowers niya! hindi no! inis akong lumapit sa pinto ng condo at binuksan iyon.
"hannah" sabi niya habang nasa likod ko.
Hindi ko siya sinagot.
"hannah, mag-usap tayo, anong problema mo at bakit ganito ka noong nakaraang araw" tss, tanungin mo ang hangin.
Padabog kong binuksan ang pinto. papasok na sana ako ngunit hinawakan niya ako sa braso at pinaharap sa kaniya.
"may problema ba? sabihin mo sa akin para naman malaman ko at masagot kita? please, hannah" pagmamakaawa niya.
May nagbago sa mukha niya. lumaki ang eyebugs niya na para bang ilang araw siyang hindi naka-tulog ng mabuti.
Inirapan ko siya at hinaklit ang braso ko na hawak niya. "problem? wala, much better na wag mo akong kausapin dahil baka dumagdag pa ang problema ko"
Isasarado ko na dapat ang pinto pero hinarang niya ang kamay doon at agad siyang pumasok sa condo ko. mas lalo naman akong nainis dahil sa kakapalan ng bampirang to.
"labas!" sigaw ko.
Nakita kong nabigla siya sa sigaw ko ngunit ilang segundo ay napalitan din iyon ng malamig na tingin.
"anong problema mo?, maayos naman tayo ha!" mariin niyang sabi. "freaking tell me, kung anong problema para hindi ako mag mukhang tanga dito, kakaisip kong bakit galit sa akin ang, mahal ko"
Mahal daw!
Dinuro ko siya. "ikaw ang problema ko! kapal ng mukha mong manligaw sa akin! knowing na meron ka palang ibang babae!" natigil ako dahil humihikbi na pala ako. marahas kong pinahid ang luhang tumulo sa akin.
"what? babae? ni ikaw lang ang babaeng minahal ko, noo at ngayon, tapos may babae ako?"
"wag ka ng mag-maang-maangan pa! may ebidensiya na nga eh! nagsisinungaling kapa!"
Patakbo akong lumapit sa gilid ng tv at kinuha doon ang wallet niya. pagkatapos ay dali-dali akong lumapit sa harapan niya at itinapon ang wallet niya sa dibdib niya.
"iyan! ngayon sabihin mo sa akin! sino yan!?"
Dumako ang tingin niya sa wallet niya na nasa sahig. pinulot niya ito at binuksan. ilang segundo pa at nagulat ako at mas lalong napaiyak sa naging reaksyon niya.
Ngumiti siya! ngumiti at kinilig ang niro.
"I hate you! I hate you! bakit ka ngumiti! I haye you!!" iyak kong sabi.
Nakangiti siyang tumingin sa akin at dahan-dahang lumapit sa gawi ko.
Umaatras naman ako. "wag kang lalapit! naiinis ako sayo!!"
Pero siya ay lumalapit parin. ng wala na akong ma-atrasan ay ikinulong niya ako sa mga braso niya bago ako yinakap. unti-unting inaantok ang isipan ko dahil sa ibinulong niya at naka-tulog na nga ako.
"silly, it's you, my love"
Kinabukasan ay nagpapadyak ako sa inis dahil na-alala ko ang nangyari kagabi. nag-kagalit kami ni niro dito sa condo ko at na-alala ko pa. huli niya akong yinakap bago ako nakatulog.
Tapos ngayon ay wala na siya sa condo ko. busangot ang mukha kong naglalakad patungo sa paaralan. may pangiti-ngiti pa ang lalaking iyon kahapon. ibig sabihin ay hindi pa siya nakaka move-on kung sino ang babaeng iyon sa buhay niya.
Nagtungo ako sa cafetiria at bakita roon si lara. umupo naman ako sa tabi niya.
"mukha mo?" tangong niya habang nakatingin sa akin.
"wala"
Hanggang sa matapos ang boong araw sa school ay walang pumasok sa utak ko. pagdating ko sa condo ay bumungad sa akin sina mama at papa.
"anak, umuwi ka na sa amin" pagmamaka-awang sabi ni mama.
Narito kami ngayon sa sala at pinag-uusapan ang pag-pilit nila sa akin na sumama sa bago naming bahay.
"20 minutes lang naman ang biyahe doon anak, kaya hindi ka mahuhuli sa klase at isa pa gusto ka nanaming makasama kaya pumayag ka na anak" pagmamaka-awang sabi ni mama.
Yumuko naman ako. mahirap kasi, minahal ko na ang lugar na ito. ang mga staff dito ay kilala na nila ako. at malalayo ako sa mga kaibigan ko.
"anak, pagbigyan mo na kami, ngayon ka lang namin makakasama" sabi ni papa.
Hindi ko naman sila matanggihan. nagmamaka-awa talaga sila.
"cge po, pumapayag na po ako"
Narito ako sa loob ng kwarto. inilalagay ko ang mga gamit sa mga box dahil ngayon na ang paglipat ko. nasa ibaba naman sina mama at hinihintay ako.
Matapos ang pag-lalagay ay nagtungo ako sa maliit na box sa cabinet. kinuha ko doon ang libro nong matanda. inilagay ko ito sa bag ko at tyaka ako bumaba.
"umuwi na tayo, anak" nakangiting sabi ni mama.
Muli akong bumaling sa condo ko habang nasa kotse na kami. ma-mimiss ko ang lugar na ito...
✔︎ZN