Chapter 18

2022 Words
Chapter 18 Narito na ako sa condo ko. kahapon ay inuwi ako ni niro dito, kaya ay linilinis ko ang condo ko ngayon dahil may mga spesyal na mga taong uuwi ngayong araw. matapos mag linis ay naglaba ako ng mga damit. Matapos ang lahat ay sarili ko naman ang lininis ko. nakapaghanda na ako ng pagkain sa mesa. naghintay muna ako ng ilang segundo bago ko narinig ang tunog ng doorbell. Dali-dali akong lumapit at binuksan iyon. mas lalong lumaki ang ngiti ko ng bumungad sa akin ang mga magulang ko. "ma!pa!" masaya kong sabi. Ngumiti naman silang dalawa sa akin bago kami nagyakapa'ng tatlo. mahigpit kong yinakap si mama at papa. nagbago ang hitsura nila dahil nadin sa limang taon na hindi namin pagkikita. May mga dala silang pasalubong sa akin. ang dami no'n. napakaraming mga tsokolate na hindi ko naman kayang ubusin. akala ko ay may pangalawa na akong kapatid ngunit wala pala. Kumain muna kami bago nagtungo sa sofa para mag-kwentuhan. "ito ba ang condo na binili mo anak?" sabi ni mama na ngayon pinapalibutan ng tingin ang boong condo ko. "opo ma" "maganda, pero hindi muna kailangang tumira pa dito" Komonot ang noo ko. "bakit po?" "napag-desisyunan nanamin ng papa mo, doon ka na titira sa bago naming biniling bahay" masayang sabi niya at umupo sa tabi ko. Bumuntong hininga naman ako. "pero ma, baka malayo po doon ang pag-aaral ko" "edi lumipat ka? madali lang iyon" narinig kong parang may halong inis ang boses niya. "wag mo na munang pilitin ang anak natin, dianne" napairap naman si mama sa sinabe ni papa. Sobrang saya ko ngayong araw dahil umuwi na sina mama at papa at marami ang kinuwento ko sa kanila, tungkol sa graduation ko, pag-aaral ko. nag-kuwento din sila sa akin ang pinagdaanan nila sa america. katapos ay sinukat ko ang mga damit na pasalubong nila sa akin. inilagay korin sa ref ang mga pasalubong nilang pagkain. Ngayon ay gabi na kaya napag-desisyunan kong patulugin sila sa guest room. alas onse(11) na ng gabi at alam kong tulog na sila dahil narin sa pagod ng biyahe. Nasa sala pa ako at nag-liligpit. bakas naman ng ngiti ang mga labi ko. napa-lingon ako ng may kumalabit sa akin. si wisp! Matapos kong maglinis ay tumambay lang muna kami ni wisp sa veranda. tinanong ko sa kaniya kong nasaan si niro at ang sabi niya ay nasa mundo daw ng ostara ito. "masaya ka po ba? señorita?" tumango ako habang nakangiti. "syempre naman, halos limang taon ko silang hinintay na umuwi at sobrang miss na miss ko na sila" "masaya rin ako para sayo, señorita" "salamat, wisp" Kinabukasan ay napag-desisyunan nila mama at papa na maglibot sa mga malls kaya excited na excited ako. mabilis kong inayos ang sarili ko at patakbong bumaba papunta sa sala. Nakita kong naghihintay na sila doon. ang elegante ng soot nila. ganun ba talaga kong nasanay nasa ibang lugar. "oh, hannah, tara na" sabi ni mama at tumayo nasa sofa. Masaya naman akong tumango. nasa mall na kami. sina mama at papa naman ay parang naninibago pa, nagkibit balikat naman ako. well, hindi ko sila masisi. maski ako ay maninibago kung sa ibang bansa na ako nasanay. Kumain kami sa jollibee. iyon kasi ang sabi ni papa dahil daw alam niyang favorate ko ang jollibee, nakakataba ng puso. na-aalala pa pala ni papa ang mga gusto ko. Matapos ang araw ng kasiyahan ay umuwi na kami sa condo ko. gabi na ng maka-uwi kami nag pajama party pa kami habang nanood kami ng horror movies at maraming pagkain sa mesa namin. tili naman ako ng tili dahil sa movie na pinapanood namin. minsan nga ay sabay pa kaming napapatili ni mama dahil ginugulat kami ni papa. Isang linggo na ang nakakalipas, umuwi na sina mama at papa sa bago naming bahay dito sa pilipinas. pinipilit nga nila ako na doon na tumira pero parang may pumipigil sa akin na wag muna. kaya hindi nila ako pinilit, ang sabi nila ay babalik nalang daw sila kapag nakapag-desisyon na ako. Nasa canteen kami ngayon ni lara. pinag-uusapan ang darating ang proyekto na ipapasa sa susunod na buwan. relamo ng reklamo si lara, kasi daw ay mahirap ang pinapagawang project. "kumusta naman pala, sina tita at tito?" Ngumiti ako. "maayos naman" "talaga? wala ka bang napapansin na nagbago sa ugali nila?" "ha?" Umiwas ito ng tingin. "a-ang ibig kong sabihin, eh, diba nga 5 years silang nasa america, hindi ba sila nag matured? ganun" "may nagbago naman..." na-aalala ko pa na hindi gaanong mainitin ang ulo ni mama pero ngayon ay nakikita kong umiirap siya minsan o di kaya ay suplada ang boses. siguro normal lang iyon dahil baka hindi na siya sanay dito sa pilipinas. "talaga, mainisin? si tita?" tumango ako. "grabe naman, pero baka, pagod lang iyon sa biyahe, kaya hayaan muna" sumang-ayon naman ako. Matapos ang boong araw sa klase ay naglakad na ako para umuwi. pabagsak akong humiga sa kama. inaalala ang mga nangyari kahapon. kailan ulit sila bibisita dito? miss kona agad sila. Kinabukasan ay dumalaw si lara sa condo ko. may dala itong sandamakmak na pagkain. na animoy marami kami. naka-upo kami sa sahig habang kinakain ang mga dinala niya. "nasaan nga pala sina tita? bakit diko sila nakita dito?" "ahm, nasa bagong bahay sila tumuloy" "hindi ka nila sinama?" "ako mismo ang umayaw, mahirap naman kasing iwanan ang condo'ng ito at tyaka hindi naman nila ako pinipilit" Tumango-tango siya. "mas owkay na dito ka tumira, naku! baka hindi ka makagalaw ng mabuti doon alam mona, bagong lugar, mahirap mag adjust" Bumuntong hininga ako. "pero gusto ko silang makasama" "ano ka ba, pwede naman silang dumalaw dito" Sumapit ang hapon ay umalis na si lara. binuksan ko naman ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting si niro. may dala ulit siya bulaklak at pagkain. naku! ini-spoiled talaga ako ng lalaking to. Boong maghapon ay wala kaming ginawa kundi ang mag kulitan. mag kwentuhan. gabi na ng matapos ang lahat ng kulitan namin ni niro. sinabe niya sa akin na hindi namuna daw siya uuwi sa mansyon niya. na-miss daw niya ako eh. ang harot talaga eh hindi naman isang buwan noong huli naming pagkikita. Naka-upo kami ngayon sa sofa habang nanonood ng palabas. tiningnan ko si niro. sinong magaakala na meron pa palang ganitong lalaki na sobrang gwapo, gentleman, loyal, nanliligaw ang magkakagusto sa akin. malapit na ata kitang sagutin niro, malapit na... Napabalik ako sa katinuan ng makitang ang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. nan-mula ang mukha ko at napa-iwas ng tingin. ngumisi naman siya. "admiring me? ha?" "p-pano mo nalaman?" pero napatakip ako bibig ng mapagtanto ko na nasabi ko pala iyon sa kanya. mas lalo siyang ngumiti. "so, totoo nga" tumango-tango naman siya "hindi ah!" angal ko. "nadulas lang ako" "hmm" "feeling mo naman, eh hindi lang naman ikaw ang lalaki sa mundo" Hindi ko na dapat sinabe iyon dahil nag-iba ang awra niya at walang emosyong mukha ang sumalobong sa akin. mariin niya akong tiningnan. "sino? sino pa ba ang lalaki, bukod sa akin? hannah" Napa-iwas ako ng tingin. joke lang naman iyon eh. napaka-seryoso naman ng lalaking toh" "joke lang yon no, ang seryoso mo naman" "ayoko ng kahati hannah..." bolong niyang sabi. Ilang segundo pa ay nakadagan na siya sa akin habang narito kami sa sofa. nanmilog ang mga mata ko. hinaplos niya ang pisngi ko. "ang gusto ko, ako lang...pag merong iba, papatayin ko..dahil akin kalang.." Kinabukasan ay wala na siya sa kwarto ko. kaya ay nag-ayos na ako ng sarili at pumasok na sa school. pagkapasok ko ay may naglahad kaagad sa akin ng card. "birthday ni queeny next week, I hope maka-attend ka!" masayang sabi nong babae. Komonot ang noo ko at tiningnan ang card. isa iyong silver birthday card at may gold rebbon sa gitna. nagtungo na ako sa classroom at nakita doon si lara na may pinupunit-punit. Umupo ako sa tabi niya at tumingin kong ano ang pinopunit niya. birthday card lang naman iyon ni queeny. masama ang tingin ni lara doon na animoy si queeny iyon. inilahad ko sa kanya ang birthday card rin na hawak ko. "ito pa oh" Hinablot niya naman iyon. ilang minuto pa ay nagunta-unat siya at pumalapak. "yan! tapos na!" masigla niyang sabi. punit-punit lang naman iyong birthday card ni queeny na pati mga sulat ay hindi na makita. "kapal ng mukha! may pabigay-bigay pa ng birthday chuchu, b***h talaga!" inis niyang sabi. "hayaan mo na" Umirap naman ito sa sinabe ko. alam kong ayaw ni lara sa sinasabe ko na hayaan ko nalang sa pambubully sa akin nina queeny. ayaw ko lang talaga ng away. Isang linggo na ang nakalipas. dumadalaw sina mama at papa sa condo ko. dinadama namin ang limang taong hindi pagkikita kaya sobrang saya ko dahil sinabe nila sa akin na hindi na sila aalis pa ng bansa. Pinipilit nga nila akong tumira sa bagong bahay na binili nila pero mahirap mag desisyon. hindi naman nila ako pinipilit pero ang gusto nila ay doon na daw ako tumira dahil namimiss nila ako. Si niro naman ay bumibisita sa condo ko kapag wala akong pasok. palagi siyang may dalang bulaklak at pagkain. katulad ngayon ay narito siya, kumakain kami dito sa sala habang nanonood ng palabas. "hindi ka ba talaga sasama, mamayang gabi?" Umirap ako, kanina pa niya ako tinatanong kong aattend daw ba ako sa party na pupuntahan niya. umayaw naman ako dahil baka maulit nanaman ang nangyari sa akin noong nakaraang party na dinaluhan namin na ako lang ang naka-sira. "wala naman akong kausap don, at tyaka hindi ko naman kilala ang mga taong naroon kaya bakit sasama pa ako?" umiwas siya ng tingin. "kaninong party ba iyang pupuntahan mo?" Lumunok siya. "a friend" maikli niyang sabi "owkay" Inilapag niya ang bowl ng ice cream sa mesa at tumingin sa akin. "just trust me on this, owkay?" Komonot ang noo ko. "anong sinasabe mo?" Ngumiti siya. "maniwala ka lang sa akin, hindi kita bibiguin" Umiwas ako ng tingin. "ano ba yan! bakit parang kinakabahan ako sa sinabe mo" natawa ako. Minsan kasi hindi ko maintindihan ang mga ipinapahiwatig niyang mga salita. ang hirap ipaliwanag. matapos ang kulitan namin ay umuwi na siya. gabi na kasi tapos mag-sisimula na daw ang party na pupuntahan niya. Kinabukasan ay bumisita sina mama at papa sa condo ko may dala silang mga pagkain. kinain namin ang dinala nila. matapos, ay napag desisyunan naming mamasyal. gabi na ng matapos ang masayang araw na kasama ko sila. pagkatapos, ay umuwi na sila sa bahay gusto nga nila akong isama pero umayaw ako. Pabagsak akong umupo sa sala dahil sa pagod ngayong araw. pero worth it naman yong pagud dahil saya naman ang kapalit non. komonot ang noo ko dahil may nakapa akong parang papel sa sofa. Tiningnan ko iyon at nakita ang birthday card? kanino toh? binuksan ko iyon at nakita ang loob. birthday card galing kay queeny? pinunit ko na kaya iyong akin. binasa ko ang likod at nagulat ako dahil nakalagay doon ang pangalan ni niro at imbitado siya sa birthday ni queeny? Kahapon ang birthday ni queeny at kahapon din umalis si niro dahil may dadaluhan siyang party. ito ba iyong sinasabe niyang party? ang birthday ni queeny. Magkakilala sila? kailan pa. ni hindi nila sa akin na babanggit ang pangalan ni queeny. Tumingin pa ako sa gilid ng sofa at nakita kong may wallet ng lalaki doon. kinuha ko iyon at napag-tantong kay niro ito. binuksan ko iyon at halos takasan ako ng dugo ng makitang may litrato ng babae at lalaki doon. kailan pa niya ako linoloko? liniligawan ba niya ako dahil sa trip lang niya. Ang nasa litrato ay si niro at ang babae. nasa likod siya ng babae habang nakayakap siya dito. ang babae naman ay hindi ko makita ang mukha dahil malabo ang picture. May tumulong luha sa mga mata ko. alam ko, alam kong babae niya ang babaeng ito. basi narin sa mga ngiti niya at alam koring matagal na sila dahil sa makalumang litrato na ito. ✔︎ZN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD