Chapter 17
Halos maubusan ako ng hininga ng atakihin ako ni niro kaya nakahiga ako sa sahig at nakadagan siya sa akin. habang mariing nakahawak ang kamay niya sa leeg ko.
Nauubusan na ako ng hininga. pilit akong nag-pupumiglas pero hindi ko magawa. ito ba ang sukli niya sa akin. ang patayin ako.
"n-niro AaHhh!"
Mas lalo pa niyang hinigpitan ang kapit sa leeg ko hanggang sa makarinig ako ng sigaw at tumilapon si niro kong saan.
Napasinghap naman ako ng malalim na hangin dahil sa pagkaka-sakal niya sa akin.
"what the f**k! niro! muntik mo na siyang patayin!" galit na sigaw ni calsifer.
Napa-upo naman si niro sa sahig at tumingin sa akin ng pag-aalala. bumalik na ang hitsura niya. umiwas ako ng tingin dahil takot at trauma ang tumatak sa aking isipan. paano niya nagawa sa akin iyon eh naging maganda naman ang trato ko sa kaniya.
Hingal na hingal siya. "m-mahal k-ko" utal niyang sabi. bakas sa boses niya ang pag-aalala at takot.
Namuo ang luha sa mga mata ko. tumayo ako at pumikit ng mariin. "m-matutulog na a-ako" mahina kong sabi at umalis sa loob ng opisina niya.
Pagkalabas ko ay doon lang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. iyon ba iyong dahilan kaya niya ako pinapasok sa opisina niya. ang patayin?
pumasok na ako sa kwarto.
NarratorPOV
Pinagbabasag ni niro ang mga gamit sa boong opisina niya. panay rin ang sigaw niya. galit ang bumabakas sa isipan niya. paano niya nagawa iyon sa mahal niya. alam niyang natakot ito at baka hindi na siya nito kausapin pa.
Bakit ba kasi hindi niya nalaman na ang petsa ngayon. ika-tatlong gabi ng buwan ng agusto ay nagbabago ang isipan niya, hindi niya ito nakokontrol kaya dapat ay umiwas siya sa mga tao lalo na sa mahal niya pero paanong ang dalaga pa ang nasaktan niya.
"It's not your fault, niro" huminga ng malalim si calsifer. "nasa malalim ka ng mahika ng buwan kaya mo nagawa iyon"
Masama siya tumingin dito. "not my fault? ni halos hindi ko alam na mapapatay ko na siya, pano pano kong nangyari nga? ano? ha? wala ng saysay ang lahat!" sigaw niya. "at pano ko nagawa iyon, ngayon ay takot na siya sa akin!"
Hindi na ulit nagsalita si calsifer. alam niya ang ugali ni niro kapag nagagalit ito. hindi nagpapa-awat kaya mas mabuting hayaan nalang.
Si selvania naman ay nagtungo sa kwarto ni hannah. may dala siyang first aid kit. kung hindi lang mismo sa utos ni niro ay hindi niya ito gagawin.
Binuksan niya ang pinto at nakita doon si hannah na nakabaluktot ang higa. dahan-dahan niyang isinarado ang pinto at nagtungo palapit dito. umupo siya sa kama.
"bumangon ka, gagamutin ko yan" walang emosyon niyang sabi.
Narinig naman iyon ni hannah kaya lumingon siya kung sino iyon ng makita niya si selvania ay bumangon siya. hinawakan niya ang leeg na may bakas ng pulang marka sa pagkaka-sakal ni niro sa kanya.
Inilapat ni selvania ang cotton sa leeg niya. napapa-igtad siya minsan dahil nagkaroon pala ng sugat iyon ngayon lang niya napansin dahil humahapdi ang sakit.
Hanggang sa matapos ang pag-gagamot ni selvania sa kanya ay walang nag-sasalita sa kanilang dalawa. inayos na ni selvania ang first aid kit at aakmang aalis na ito ng magsalita siya.
"selvania, salamat"
Umirap ito. "hindi ko tungkuling gamutin ka, ginawa ko lang ang trabaho ko dahil sinabe niya"
"pero salamat parin, kahit ayaw mo sa akin, nagpapasalamat parin ako sayo"
Hindi ito nagsalita at umalis na sa kwarto niya.
HannahPOV
Isang linggo na ang nakakaraan ng mangyari ang pag-ataki sa akin ni niro at isang linggo narin na hindi ako nakaka-uwi sa condo ko. pinipilit ko si calsifer na iuwi ako pero ang lalaking iyon ay umaayaw naman kaya wala akong nagagawa kundi ang manatili dito.
Hindi ko siya kinakausap. ilap parin ako sa kaniya at narito parin ang takot sa akin. kapag nakikita kong nagtatagpo ang daan namin sa mansyon ay ako na ang umiiwas. hindi narin ako lumalabas-labas sa kwarto. ayoko siyang makita. hindi naman ako pinipilit ng mga katulog na kumain sa dining table. binibigyan lang nila ako ng pagkain dito sa kwarto.
Sa susunod na araw na ang pagdating nila mama at kailangan ko na talagang maka-alis sa lugar na ito para makita ko na sila.
Nasa loob ako ng kwarto ngayon habang nagbabasa ng libro. may mini library sa kwartong ito kaya hindi ako na bobored. narinig kong may kumatok sa pinto kaya dahan-dahan ko iyong binuksan.
"señorita, nais po kayong maka-usap ng master" magalang na sabi ng katulong pagkatapos ay umalis na ito.
Komonot naman ang noo ko. bakit gusto niya akong makausap? eh, natatakot pa nga ako sa kaniya. baka importante iyon sabi ng utak ko. kaya paakyat akong nagpunta sa opisina niya.
Pumasok na ako sa loob pero wala akong niro'ng nadatnan. nasaan siya? aatras na sana ako pero na ramdaman kong may yumakap sa akin sa likod.
"patawad, mahal ko, patawarin muna ako, hindi ko iyon sinasadya, patawad hannah" malumanay niyang sabi. ang ulo niya ay nasa leeg ko.
Talagang sensero siya sa sinasabe niya sa akin. "hannah, patawarin mo ako..." naramdaman kong may tubig na tumulo sa balikat ko. doon lang ako nakapag-tanto na umiiyak siya. "hindi ko gustong gawin iyon, hindi ayoko, ayoko'ng iwan mo ulit ako, mahal ko..."
Dahan-dahan akong bumitaw sa yakap niya at humarap ako sa kaniya. nakita kong punong-puno ng luha ang mga mata niya. namumula ang ilong niya at kumikibot-kibot ang labi niya.
Hinawakan ko siya sa pisngi at pinahid ang mga luha sa mata niya gamit ang kamay ko. "pinapatawad na kita..." umiwas ako ng tingin. "n-natakot lang talaga ako..sayo.. kaya ganon.."
Hinawakan niya ako sa pisngi. "wag, wag kang matamot sa akin, hindi kona uulitin iyon, patawarin mo lang ako, mahal ko"
Huminga ako ng malalim. "pinapatawad na kita" tumingin ako sa mga mata niya. "pero, sagutin mo ang tanong ko, at wag kang magsisinungaling, niro.."
Bakas sa mukha niya ang takot.
"tao ka ba talaga?" deritso kong sabi. "n-nasabi mo kasi sa akin iyon bago mo ako atakihin"
Umiwas siya ng tingin. naglakad siya patungo sa veranda. tumingin siya sa kalangitin at lumanghap ng hangin bago siya bumaling sa akin. inilahad niya ang kamay na ang ibig sabihin ay lumapit ako. kaya lumapit naman ako.
Nasa veranda na kaming dalawa. hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "will you accept me, kung ano man ako, tao o hindi?" tanong niya.
Matagal ko ng gustong malaman kong sino ba talaga siya. bakit may nakakapag-salitang taong fairy at kaibigan pa niya. bakit ibang-iba ang kutis niya kaysa sa mga taong normal.
Tumango ako.
Huminga siya ng malalim. "tama ka, hindi ako tao..." mahina niyang sabi. "isa akong bampira ang anak ng hari at reyna na nagmula pa sa, mundo ng ostara, ang mundo kong saan, mga mangkokolam, may kapangyarihan, mga hayop na nagsasalita ay ginagawang kabilang" ngiting sabi niya. "patawad at hindi ko sinabe sayo.."
Naka-awang lang ang labi ko. akala ko sa mga myth lang at librong nababasa ko ang mga ganun. sa totoong buhay ay meron din pala. lumunok ako. "ganun din ba sina, calsifer at selvania?"
Tumango siya.
"calsifer is a half wolf and half vampire, and selvania is a witch of devil"
Tumango-tango ako. ni hindi ko naisip na ang mga taong nakilala ko ay hindi pala normal na tao. may kakayahan pala sila na hindi ko kayang gawin.
"totoo ba ang sinabe sa akin nong una? na, nanggaling ka sa libro?" mahinang sabi ko. "lumabas kasa libro?"
Tumingin siya sa akin. "patawad dahil mahirap ipaliwanag sayo, natatakot akong layuan mo ako, baka, baka hindi na kita makita ulit..."
"ba't naman kita lalayuan?"
Umawang ang labi niya. "ibig sabihin, hindi ka natatakot kung ano'ng nalaman mo tungkol sa katauhan ko? hindi mo ako iiwan" hinawakan niya ang pisngi ko. "salamat, mahal ko..." marahang sabi niya at may luhang tumulo sa mga mata niya bago niya ako yinakap. Yinakap ko din siya pabalik.
Matapos ang pag-uusap namin ni niro ay nakatulog kaagad siya sa kwarto niya. dahan-dahan kong isinarado ang pinto ng kwarto niya at bumaba sa sala. tahimik ang boong mansyon. magmamadaling araw na kasi, sina calsifer at selvania ay siguradong tulog na ngayon.
Lumabas lang muna ako sa garden at naupo sa bench. hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. ngayon ay malinaw na sa akin kung ano talaga si niro.
Tumingin ako sa mga bituwin at ang simoy ng hanging humahaplos sa balat ko. mahabang gabi nanaman ito...
Dalawang araw na ang nakakaraan ng malaman ko ang lahat. narito parin ako sa mansyon ni niro at bukas ay kailangan ko ng umalis dahil dadating na bukas sina mama galing america. sobrang excited na ako!
Ngayon ay nag-aagahan kaming apat. walang imik kaming kumakain. matapos ay inaya ako ni wisp na pumunta daw sa secret garden. naguguluhan naman ako dahil parang excited siya at kinikilig pa.
Kaya nagtungo nga ako roon. pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang walang tao. konot ang noo ko. pinaglalaruan ba ako ni wisp? tumambay lang muna ako doon. umupo ako sa gold na duyan at nagmuni-muni.
Ilang minuto pa ay naramdaman kong may nakalahad na bouquet ng bulaklak sa harapan ko. bumungad sa akin ang nakangiting si niro. tumayo ako at kinuha sa kanya ang bulaklak.
"salamat"
"hindi na pala kita nabibigyan ng bulaklak, pasensya na"
"ayos lang.." nakangiting sabi ko pero napakapit ako sa balikat ni niro dahil parang lumulutang kami.
Hinawakan niya naman ako sa bewang ko. yumuko ako at nakitang lumilipad nga kami. napatili ako at mahigpit na kumapit sa kaniya. natawa naman siya sa reakyon ko. mariin akong pumikit dahil takot talaga ako sa matataas. ano bang trip ng bampirang to!?
Bumulong siya sa tenga. "buksan mo ang mga mata mo"
Kaya dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. napa-awang ang labi ko dahil nasa bobong kami ng mansyon niya at kitang-kita dito ang boong syudad ng lugar.
Umupo siya sa bobong at ako naman ay umupo rin sa tabi niya. baka kasi mahulog ako eh. lumalapat din sa mga balat namin ang preskong hangin.
"dito ako palaging tumatambay, kapag walang ginagawa"
"maganda" sabi ko habang pinag-mamasdan ang boong lugar sa ibaba. Napatingin ako sa kaniya. napaiwas ako ng tingin dahil pinagmamasdan niya pala ako.
"ahm, ano pa ang kaya mong gawin, bilang bampira?"
Tumawa siya ng mahina. "kaya kong magpa-ibig ng isang tao, at ikaw iyon"
Umirap naman ako. "hmp, ayusin mo kasi ang sagot"
Tumawa siya. "kaya kong umalis sa isang lugar ng ilang sigundo, tumawid sa dagat na hindi nababasa, hmm, ano ba pa? paibigin ang isang hannah?"
Tumayo ako at aakmang hahampasin siya pero umiwas ang loko at patawang-tawang tumakbo.
"naku! kung hindi ako natatakot sa matataas! patay ka talaga sa akin!"
"oh? bat parang kinikilig ka?" pilyo niyang sabi. "namumula pa ang pisngi mo"
"niro!!" tawa naman kami ng tawa sa kakulitan namin dalawa.
NarratorPOV
Nakatingin lang silang dalawa sa bobong ng mansyon ni niro dahil sa ka-sweetan ng dalawa. naka-upo sila sa upuan sa garden.
"grabe, lalanggamin ata tayo" ani calsifer habang nakatingin sa bobong.
Umiwas ng tingin si selvania. nasasaktan siya, sobra. ikaw kaya ang makitang may kaharutang ibang babae ang mahal mo.
Tumingin si calsifer kay selvnia. "oy?" pukaw ni calsifer dito. "selos ka no?" masamang tumingin si selvania sa lalaki.
"kung basagin ko yang mukha mo, seguradong nakaka-gaan iyon" ngiting aniya.
Sumimnagot si calsifer. "bakit ba gustong-gusto niyong, basagin ang gwapo kong mukha? naku, babe, bilyong babae ang masasaktan kapag ginawa mo yon"
Inirapan ni selvania ng tingin ang lalaki. ang hangin talaga.
HannahPOV
Nandito parin kami sa bobong ng mansyon ni niro. naka-upo kaming dalawa habang siya ay nasa likod ko at nakayakap. hinahaplos-haplos niya ang leeg ko.
"masakit pa ba?" pag-aalalang sabi niya.
Umiling naman ako.
"patawad..."
Huminga ako ng malalim. "ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayos na ako, at tyaka hindi mo kilala ng sarili noon kaya mo nagawa iyon"
"kahit na, nasaktan parin kita" huminga ako ng malalim. kahit yata sabihin kong pinapatawad ko na siya ay humihingin parin siya ng sorry.
"niro?"
"hm?"
"aalis na ako bukas" mahina kong sabi. "p-pero magkikita pa naman tayo, dadating na kasi sina mama at gustong-gusto ko na silang makita"
Hindi siya nagsalita kaya lumingon ako sa kaniya at napabitaw siya ng yakap sa akin. ngumiti ako sa kanya. "nagtatampo ka ba?" tumawa ako. "pwede kanamang bumisita sa bahay, ipakikilala kita sa parents ko baka matuwa sila na may nanliligaw na sa akin"
Ngumiti siya at umiling. hinawakan niya ang kamay ko. "sagutin mo lang ako, boo na ang loob ko" Umiwas ako ng tingin.
"pero maghihintay ako, alam ko namang hindi mo ako bibiguin"
Ngumiti ako at ngumiti din siya. bigla nalang kinabahan ang dibdib ko dahil mapupungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Dahan-dahan na lumalapit ang mukha niya sa akin kaya napapikit ako. naramdaman ko nalang na hinalikan niya ang noo ko.
Narinig kong tumawa siya. "diba sinabe ko sayo na hindi kita pipilitin kapag hindi ko na maramdaman ang kaba sa puso mo"
Nahiya naman ako sa ginawa ko. naku! akala ko naman eh hahalikan niya ako.
✔︎ZN