Chapter 16

1656 Words
Chapter 16 "someone copy, prince calsifer's face, kaya napaniwala si señorita na sumama sa dyablong iyon" Nasa opisina sila ni niro. si calsifer at selvania ay naka-upo sa sofa at si niro naman ay naka-upo sa office chair nito habang umiinom ng wine. "base sa nasagap ko pang impormasyon ay nais nilang buhayin ang kanilang pinuno, master kailangan niyong higpitan ang seguridad na pagbabatay kay señorita dahil baka mapahamak ulit siya" Blangko lang na nakatingin si niro sa kawalan habang naka-limang buti na sa kakainom ng alak. kailangan niya ng ganito dahil para lumakas siya ulit. nakikinig lang siya sa mga sinasabe ni calib na ngayon ay gumaling na sa natamong sugat. Huminga siya ng malalim. "makaka-alis ka na, calib." yumuko naman ito at tahimik na umalis sa opisina niya. Bumaling sa kaniya si calsifer. "ano ang desisyon mo niro? sa pagkaka-alam ko ay alam na ng mga baliw na iyon ang pagpo-protekta natin sa kaniya" tumingin siya sa kamay niya habang ginagamot ito ni selvania. ang lakas kasi ng pagkaka-suntok niya sa dyablong ginaya ang mukha niya. ngayon lang niya namalayan na nagkasugat pala siya. Walang sagot si niro. tumayo ito at lumapit sa malaking salamin sa opisina niya habang hawak hawak ang kopeta. "patirahin mo kaya siya dito" ani calsifer. napa-aray naman ito kaagad dahil gigil na dinampi ni selvania ang bulak sa sugat niya. "dahan-dahan, babe" natatawang aniya. Alam kasi niyang galit si selvania kay hannah. kaya bakit patirahin pa dito iyon. baka mas lalo lang gugulo. Lumingon sa kaniya si niro. "may matinong utak karin pala, akala ko poro, hangin lang ang nandiyan" Sumimangot si calsifer. "grabe kanaman, sa gwapong kong toh, ang talino ko kaya!" napa-irap naman si selvania dahil sa narinig. ang hangin talaga ng lalaking ito. "pero bobo ko parin, dahil alam mong hindi siya papayag" asik ni niro. "ha? edi pwersahin mo!?, I'm an alpha kid! diba babe" pinaikotan naman ni selvania si calsifer ng mga mata. "pwede tumahimik na nalang, ni walang saysay ang mga sinasabe mo" inis ni selvania sa kaniya at tumayo dala-dala ang first aid kit tyaka lumabas sa opisina ni niro. "babe! babe! san ang punta mo!" sumunod naman si calsifer dito. Madaling araw ng pasukin ni niro kung saan mahimbing na natutulog si hannah sa kwarto niya. may dala siyang lampara na nagsisilbing ilaw sa pasilyo. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto at dahan dahan din siyang pumasok. lumapit siya sa dalaga na mahimbing itong natutulog. gumagaling na ang mga sugat nito dahil sa mang-gagamot na ipinadala niya dito sa mundo ng mga tao na nanggaling pa sa mundo'ng Ostara. Umupo siya sa paanan ng kama at tinitigan ang magandang mukha nito. hinaplos niya ang pisngi nito at huminga ng malalim. ikinoyom niya ang mga kamay dahil sa labis na galit. alam niyang sa pag-gising ng dalaga ay samot-saring katanungan ang ibabato nito sa kaniya. handa na kaya siyang sabihin dito ang lahat? "gustong-gusto ka nilang kunin sa akin, pero sa akin muna sila dadaan, mamamatay silang lahat, papatayin ko silang lahat para sayo, mahal ko" mariing bolong nito. Tumayo siya at hinubad ang black na damit pang-itaas at sapatos pagkatapos ay tumabi siyang humiga sa dalaga. Hannah POV Napa-mulat ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. naging malinaw ang paningin ko ay nasa kwarto pala ako ni niro. kumonot ang noo ko, unti-unting rumerhistro sa utak ko ang nangyari kahapon. muntik na akong patayin nong babae at mabuti nalang ay dumating si niro at doon na nga ako nawalan ng malay. Kinapa ko ang mukha ko. may band-aid na nakalagay sa mga natamo kong sugat. babangon na sana ako kaso may mabigat na nakadagan sa bewang ko. Dumako ang tingin ko sa taong nasa tabi ko at doon lang ako tinakasan ng dugo dahil topless lang naman na natutulog si niro sa tabi ko at nakahawak pa talaga sa bewang ko. sinabe ko sa sarili ko na ayaw kong magtatabi kami pero hito nanaman. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa bewang ko at naging successful naman. napabuga ako ng hangin. umalis na ako sa kama at nagtungo sa labas. Bumabati sa akin ang mga kasambahay na nadadaanan ko sa hallway kaya bumabati nalang ako pabalik. nakakahiya naman kasi kung hindi. Bumaba na ako at nakita sa sala si calsifer at selvania na nag-uusap napatingin sila sa akin kaya yumuko ako. "oh hannah, gising kana pala" ani calsifer. "o-oo" "maayos na ba ang sugat mo?" tumango naman ako. "si niro?" "nasa itaas pa, natutulog" napa-iwas naman ako ng tingin dahil sa kakaibang tingin ni calsifer. dahan-dahan siyang lumapit sa akin at may ibang ngisi sa kanyang labi. "sabihin mo, pinagod mo si niro no?hmm?" Umiwas ako ng tingin. ano ba naman ang utak meron itong si calsifer, syempre natulog lang na magkatabi kami ni niro pero walang 'ganun'. "a-ano! hindi ah!" inis kong sabi. "talaga?" "oo nga!" ngumuso ako habang inis parin ang mukha. sapakin ko siya sa iniisip niya eh. "okay, kung talagang wala" hay, mabuti naman "pero alam ko ang isang niro, malalaman korin" pinanliitan niya ako ng mata. Nakita ko sa likod niya si selvania at sinapak siya nito. pininggot ang tenga niya at hinatak siya nito papunta sa garden. rinig na rinig ko pa ang sigaw ni calsifer. natawa naman ako dahil bagay lang sa kaniya iyon. Napatigil ako ng maramdamang may bulto ng tao sa likod ko. lilingon na dapat ako pero yinakap niya ako patalikod kaya nagsiliparan ang mga natutulog na paro-paro sa tiyan ko. naramdaman kong inamoy niya ang buhok ko at hinalikan ang ulo ko. "amoy baby" aniya at tumawa ng mahina. Hindi naman ako magalaw sa nangyari. kilig na kilig lang naman ang boong katawan ko. naku! ang aga-aga eh hinaharot ako ni manliligaw ko. "good morning" aniya sa bariton na boses. "g-good morning" utal kong sabi. Tumawa ulit siya. "ayos na ba ang pakiramdam mo?" "oo" Huminga siya ng malalim. "gusto ko ganito lang hannah, panghabang-buhay, makasama ka at walang problema kaya salamat at bumalik ka" mahinang sabi niya. ngumiti naman ako, talagang gustong-gusto talaga ako ni niro base sa mga ipinapakita niya sa akin ay hindi siya katulad sa ibang mga lalaki. iba siya. Base sa sinabe ni wisp ay wag biguin ang panliligaw ng isang niro, dahil wala sa bokabularyo niya ang manligaw. pano ko ba bibiguin ang taong ito eh, nanliligaw palang siya ay napaka-getleman na, pano pa kaya kong may asawa na? Nag-agahan kami kasama sina selvania at calsifer. panay ang daldal ni calsifer. tungkol sa pagiging baby niya. pagiging campus crush noong panahon na nag-aaral pa siya. kaming tatlo ay nakikinig lang sa mga kwento niya. Matapos ay napag-pasyahan kong tumungo sa garden. si calsifer at selvania ay umalis at si niro naman ay nagtungo sa opisina niya. tinungo ko ang bahay ni wisp. iyong puno kong saan kami unang nagkita. "wisp!" sigaw ko habang tinatawag siya. "wisp! nandito ka ba!?" Mas lumapit ako sa puno at nakita ko naman doon si wsip na papunas-punas ng mukha niya dahil kakatapos palang matulog ng makita niya ako ay nagliwanag ang mukha niya. Dali siyang lumipad papunta sa akin. "señorita! narito kayo!" Narito parin kami sa puno. dalawang oras na ang nakakalipas at nagkikwentuhan lang kami. naka-higa ako sa d**o at si wisp naman ay naka higa din sa d**o. "akala ko may nangyaring masama sa inyo, señorita, mabuti nalang at nalaman kaagad ni master kung ano ang nangyari sa inyo" "nagpapasalamat talaga ako dahil dumating siya" dahil kung hindi ay baka abo nalang ako. na-aalala ko pa ang nangyari kahapon. kung pano binawian ng buhay iyong babae. kung paano kinuha ang kaluluwa niya gamit lang ng isang dasal. "alam niyo, señorita, alalang-alala si master sa inyo kahapon halos patayin na nga niya si calsifer dahil sa pagkaka-akalang si prinsipe calsfier ang nagdukot sa inyo, ibang-iba ang mukha niya kahapon, señorita, kung nakita niyo lang" paliwanag sa akin ni wisp. Base sa mga impormasyong sinabe sa akin ni wisp ay ibang-iba magalit ang isang niro kaya sobrang swerte ko dahil sa akin lang nag-iba ang ugali niya. noong seryoso'ng niro na kilala nila ay ngayon tumatawa na. May mga impormasyon pa akong dapat malaman ngunit si niro nalang daw ang mag sasabi sakin sabi ni wisp. Naglalakad-lakad ako sa garden. malapit naring dumilim. nag-uusap pa dapat kami ni wisp pero tinawag siya ni niro kaya naiwan akong mag-isa dito sa malawak na garden na ito. Nakonot ang noo ko dahil may nakita akong pinto. dahil sa pagka-curios ko sa mga bagay-bagay ay dahan-dahan ko iyong binuksan. bumungad sa akin ang gintong duyan na nasa gitna at sa gilid naman ay may mga red roses. iyong bulaklak na palaging binibigay sa akin ni niro. Napa-awang ang bibig ko dahil ngayon lang ako nakakita ng totoong ginto at duyan pa. umupo ako roon at hindi ko mapigilang matuwa. Halos kalahating oras ang itinagal ko doon. tumingin ako sa kalangitan ng makitang gabi na pala. huminga ako ng malalim at tumayo na sa duyan. "hannah" napalingon ako sa taong tumawag ng pangalan ko. "nakakagulat ka naman" ntatawa kong sabi. "nais, mo bang malaman ang totoo?" Maraming katanungan ang gustong masagot ng isipan ko. na-alala ko ang sinabe sa akin ni wisp na si niro lang daw ang makaka-sagot lahat ng katanungan na gusto kong malaman. kaya ay tumango ako. hudyat na sumasang-ayon sa gusto niya. Dinala niya ako sa opisina niya. umupo ako sa sofa, siya naman ay tumayo paharap sa malaking glass window habang may hawak na kopita na nag-lalaman ng red wine. Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan, nararamdaman kong madilim na awra sa kanya. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at doon ako napatayo at napasigaw ng makitang ibang-iba ang kulay ng mata niya. naging pula iyon, may dalawang matutulis naman na ngipin sa bibig niya at ang dilim ng tingin niya sa akin. "hindi ako tao, hannah" mabangis niyang sabi. ✔︎ZN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD