Chapter 15
Pinagmasdan ko siya habang mahimbing na natutulog dito sa guest room ng condo ko. hinaplos ko ang noo niya. bumababa narin ang lagnat niya bakit ba naman kasi hindi niya sinabe sa akin na may sakit pala siya at mayroon siyang malaking sugat sa tiyan niya tapos nagpumilit pa talaga siyang bisitahin ako.
Ito ba ang natamo niya noong isang linggo siyang nawala? ano ba ang ginawa niya? ako narin mismo ang nag presinta na palitan ang damit niya. wag kayong green o ano dahil pumikit ako habang ginawa ko yon.
Huminga ako ng malalim. dalawang araw na siyang tulog i-aadmit ko sana siya sa hospital pero wala naman ako pera kaya nagpatawag nalang ako ng doctor dito sa condo para matingnan siya at ang sabi ay ayos na siya kaya kailangan lang ng mahabang pahinga.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. nakita ko sa sala si wisp habang nanonood ng t.v nalaman na rin niya ang nangyari kay niro dahil bumisita siya dito sa bahay noong nakaraang gabi dahil daw namimiss niya nanaman ako.
Umupo ako sa tabi niya at tumingin sa palabas. mga paro-paro iyon at totok na totok ang mga mata ni wisp sa kakatingin sa mga iyon.
"ano ang pangalan ng mga lumilipad na iyan? señorita?"
"ahm, paro-paro" ngiting sabi ko. "noong high school ako ay akala ko ay mga fairy ang mga iyan" napatawa ako. "ngunit hindi pala, dinadakip ko pa nga sila dahil ang gaganda nila pero na realize ko na, lahat ay may kalayan, katulad nating mga tao"
Kinig niya sa sinabe ko at tumango ako. "ano ba ang kalayaan dito sa mundo ninyo?"
"nagagawa mo ang gusto mo, ngunit may parusa din pero madali lang naman iyong sundin, kayo? anong kalayaan ang meron sa mundo ninyo?"
Narrator POV
Yumuko si wisp. Wala siyang dapat sabihin sa dalaga dahil alam niyang noon lang nagkaroon ng kalayaan ang mundo nila ngunit ng dumating ang bago nilang pinuno ay tinrato na sila nitong mga basura.
Kaya napag-pasyahan niyang tumakas sa mundo nila at napunta sa mundo ng ostara kung saan na kahit anong nilalang ay kinokopkop nila at itinuturing na kabilang.
At doon niya nakilala ang iba pang mga wisp kaya siya napabilang sa angkan ng Acoste at binigyan ng posisyon na maging guardian ni niro noong sanggol palang nito.
Ngunit minsan ay na-aalala niya ang mga naiwan niyang kamag-anak at kaibigan sa mundo nila. kapag na-aalala niya iyon ay bumabalik lahat sa kaniya ang sakit dahil ang pinuno mismo ang nag-utos na paslangin ang mga importanteng tao sa buhay niya.
Komonot ang noo ni hannah dahil nag-iba ang awra ni wisp pagkatapos ay nagbago ulit ito at tyaka ito ngumiti sa kaniya.
"kumusta na pala ang master?" pag-iiba nito ng usapan.
"unti-unti ng nag hihilom ang sugat niya at bumababa narin ang lagnat niya"
"mabuti, nagpapasalamat ako sayo señorita dahil inalagaan mo ang aking master"
Nagkamot siya ng ulo at tumawa. "walang ano man pero obligasyon ko iyon dahil kaibigan ko siya"
komonot ang noo ni wisp. "kaibigan?"
Tumango na siya.
"diba liniligawan ka ng master"
Nanmula ang pisngi ni hannah "naku! saan mo nalaman iyon!" humawak siya sa pisngi niya.
Tumawa si wisp. "hindi nakapagtataka, señorita, alam na alam ng master ang paborito mong bulaklak" anito at tumingin sa gilid ng tv at kabinet. nandoon lang naman ang mga bulaklak na ibibigay ni niro sa kanya.
"oo na, liniligawan nga niya ako"
"ba't di mo pa sagutin?" mabilis na sabi ni wisp.
"grabe kanaman! agad-agad! hindi ba pweding dahan-dahan muna" Aniya habang hindi parin maalis sa isip niya ang sinabe ni wisp. hindi kasi siya iyong babaeng ang bilis makuha. she know her worth.
"alalahanin mo, señorita. hindi marunong manligaw ang master, kapag gusto niya ang isang babae, ay ang gusto niya, ay pakasalan ito kaagad, ngunit sayo, ay nagtitiis ang master, kaya wag mo siyang bibiguin sa panliligaw niya sayo" matapos sabihin iyon ni wisp ay umalis na ito sa sala at tinungo ang kwarto ng master niya.
Naiwan namang pala-isipan ang sinabe ni wisp kay hannah.
Hannah POV
Nagmamadali akong bumaba papunta sa sala dahil paggising ko ay tiningnan ko muna si niro sa kabilang kwarto ngunit wala na siya don.
Dali-dali akong pumunta sa kusina ngunit wala rin siya don. baka umuwi na, nanghihina ang mga paa kong umupo sa sofa. hindi ko man lang siya natanong kong ayos na ba ang pakiramdam niya.
Naghanda na ako sa pagpasok. araw ngayon ng lunes kaya dapat ay hindi ako mahuli sa klase. pagkalabas ko ng building ay nakita ko si calsifer na naka-sandal sa hood ng pulang kotse niya. ng makita niya ako ay lumapit siya sa akin.
"anong ginagawa mo dito?"
Nakita kong may dumaang kulay na itim sa mga mata niya pero mabilis din iyon nawala. napansin ko ring hindi na pula ang buhok niya.
"someone wants to talk to you" paos niyang boses.
Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa kilos at awra niya ngayon. nakikita ko kasing parang iba ang palabirong calsifer ngayon na nasa harapan ko. komonot ang noo ko.
"sino naman iyon? si niro?" umiling siya. "edi sino?"
Ngumiti siya. "someone, a special friend" mas lalo siyang ngumiti. "come on, gusto lang niyang makipag-kaibigan sayo, she won't bite"
She? babae? sino naman. kung si selvania ay alam kong kumukulo ang dugo niyon sa akin kaya bakit niya ako kakausapin? naramdaman kong hinawakan ni calsifer ang braso ko kaya kinalibutan ako ron.
"a-ahm, calsifer? malalate na kasi ako sa klase s-sa susunod nalang" utal kong sabi at pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko.
"no" may diin na sabi niya.
"aray, calsifer! masakit!" inis kong sabi.
Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. hinding-hindi niya talaga bibitawan ang braso ko. kinakabahan na ako sa kaniya. si calsifer ba talaga itong kaharap ko?!. lumingon ako sa mga taong dumadaan para humingin ng tulong pero nanlaki ang mga mata ko ng makitang kami lang ang nandito. nasaan ang mga tao!?
"calsifer! ano ba!"
"hindi ka na makakatakas ulit, hannah" matigas na sabi niya kaya mabilis kong kinagat ang braso niya sa kamay ko kaya nakawala ako at mabilis na tumakbo. hindi pa ako nakakalayo ay pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko at isinampay ako sa balikat niya na parang sako.
Nagpupumiglas naman ako pero wala parin akong kawala. padabog niya akong inihagis sa backseat. napa-aray naman ako dahil tumama ang ulo ko sa salamin ng bintana nitong kotse kaya napahawak ako sa noo ko dahil dumugo iyon. medyo nanalabo ang paningin ko at ilang segundo ay pumasok si calsifer sa driver seat at pinaandar iyon.
"s-san mo ako dadalhin" nanmomoo na ang luha sa mga mata ko.
"sa lugar kong saan ka niya hindi mahahanap" malamig niyang turan. kaya napa-iyak ako at nabigla dahil nakita kong nagbago ang mukha ni calsifer. mas naging pangit ang mukha niya at may maiit na sungay sa noo niya. isa siyang demonyo!
Tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagising ako sa loob ng kulongang kahoy. mabilis akong tumayo dahil puro puno ang nasa paligid ko. nasa gitna ako ng gubat habang nasa loob ng hawla. gabing-gabi na kaya hindi ko makita kong ano ang mga nilalang na naka-paligid sa akin.
Napalingon ako at doon ko nakita ang marami pa palang hawlang nandito hindi lang ako, marami kami. ano ba ang nangyayari? ano ba itong pinasok ko? wala naman akong kaaway para ganituhin ako.
Napaharap ako dahil nakita ko ang taong dumukot sa akin kanina. alam kong hindi siya si calsifer dahil bago ako mawalan ng malay ay nakita kong nagbago ang hitsura niya.
May hawak-hawak siyang kahoy na may apoy sa itaas na nagsisilbing ilaw. kalahati ng mukha niya ay may lapnos. siguro ay nasunog iyon. itim ang buhok at may gold na kwintas sa soot niyang formal suit. humawak ako sa kahoy na rehas.
"s-sino ka? ano ang kasalan ko sayo?"
Umangat ang labi nito. "kasalanan? wala sa akin pero sa kanya ay meron?" komonot ang noo ko sa sinabe niya. may isang taong galit na galit sa akin? pero sa boong buhay ko ay hindi pa ako nagkakaroon ng kaaway.
hinigpitan ko ang pagkakahawak sa rehas. "wala akong alam sa sinasabe mo, sa boong buhay ko ay wala akong naging kaaway, pakawalan mo ako dito!"
Tumawa naman itong ng nakaka-insulto. "sa tingin mo ba pakakawalan kapa niya, ni hindi mo alam na matagal ka na niyang ikinulong"
Komonot ang noo ko. anong ibig sabihin ng taong ito. umalis siya sa harapan ko kaya napahandusay ako sa sahig sa labis na kabiguan. sino ba sila? bakit ako ang nais nilang saktan.
Narinig kong humihikbi ang ibang mga bihag na nandito. hindi ko makita ang mga mukha nila dahil madilim ang boong paligid. pero alam kong mga inosente sila. napa-sandal ako sa gilid ng bumukas ang katabi kong kolongan. may apat na kalalakihan ang kinuha kung sino man ang naroon.
Hinawakan nila ito sa braso at kinaladkad palabas. sigaw naman ng sigaw ang nilalang na iyon. sinundan ko sila ng tingin dahil lumapit sila sa gitna nitong kagubatan. may malaking puno doon at itinali nila ang nilalang na iyon.
Umilaw ang lahat ng mga kahoy na may apoy na nakalagay sa puno at doon kitang-kita ko ang lahat. ang itinali nila ay isang babae, mahaba ang tenga nito, kolot ang buhok at ang mga paa ay mga paa ng kabayo. sigaw ito ng sigaw, nagmamaka-awa na pakawalan siya.
May lumabas na babae doon sa dilim. ang haba ng itim na damit nito na abot hanggang talampakan, may dala itong crusifix at lumapit ito sa babae. hinawakan niya ang babae sa noo nito at itinapat niya ang krus sa mukha nito at meron siyang binabanggit na parang dasal.
Nanlaki ang mga mata ko dahil unti-unting tumitirik ang mata nong nilalang na babae at napasigaw ako ng unti-unting lumalabas ang kaluluwa nito sa bibig niya at ang katawan nito ay naging abo nalang.
Nagtutuluan ang mga luha ko. natatakot ako baka ako ang isunod nila. lumingon sa akin ang babae at sumilay ang ngiti sa labi niya.
"isunod siya" aniya.
Takot at kaba ang romehistro sakin. ni wala akong laban sa kanila. ito na ba ang katapusan ko, hindi ayoko. kinaladkad nila ako sa palabas. nagpupumiglas naman ako pero hindi ako makawala.
Isinandal nila ako sa puno at inangat ang dalawa kong kamay at hinigpitan ang tali nito. lumapit sa akin ang babae habang nakangiti. ang krus na hawak niya ay hinaplos niya sa pisngi ko.
"maganda" nakakakilabot ang boses. "pwedi ko bang hiramin ang maganda mong mukha, hannah?"
Nanmilog ang mga mata ko. "sino ka? bat mo alam ang pangalan ko?" tumawa ito. "wala akong kasalanan! sino kayo? pakawalan niyo ko dito! wala kayong perang makukuha sa akin!!" sigaw ko pero napatili ako dahil sinampal niya sa pisngi ko ang crusifix kaya nalasahan ko ang dugo sa bibig ko.
"isychia! tha zísei xaná kai tha antikatastatheí apó to sóma sou" mariin niyang sabi sa akin.
Hindi ko maintindihan ang sinabe niya pero basi sa linggwahe ay nanggaling iyon sa griyego. pinag-aaralan namin ang greek sa paaralan at may ilang mga salita ang naintindihan ko sa kaniya at isa na don ang 'mabubuhay siya'
"Stratiótis! etoimásou! aftí eínai i méra pou i vasílissa tha zísei xaná" lumapit siya sa akin at bumulong sa tenga ko "at siguradong matutuwa siya" aniya at tumawa.
Hinawakan niya ang aking noo at itinapat ang crusifix sa mukha ko.
"prosefchísou to" mahinang bolong niya at naintindihan ko naman na ang ibig sabihin ay 'magdasal kana'
Napasigaw ako dahil lalong umiinit ang crusifix sa mukha ko. ang mga luha naman sa mata ko ay mabilis na natutuyo.
"AaaaHhhhh!!! tumigil kana, paki-usap!!!" sigaw kong sabi.
Ng walang ano-anoy tumilapon ako sa lupa. babangon na sana ako ng maramdamang may humawak sa bewang ko at tyaka ako itinayo. nanlalabo ang mga mata ko pero kitang-kita kong si niro iyon sa likod niya ay kasama sina calsifer at selvania at ang mga kawal din nasing libo ang dami.
"n-niro" mahina kong sabi.
Mariin niya akong tiningnan at linikot ang mata niya sa mukha ko ng makita niya ang sugat sa noo at ang dugo sa bibig ko ay nagdilim ang paningin niya.
Hinalos niya ang muha ko ng marahan at bomolong sa tenga ko. "sleep, mahal ko" kaya unti-unti na akong nawalan ng malay.
Narrator POV
Nang-gagalaiti sa galit si niro habang nakaharap sa mga kalaban. may kapal pa talaga ng mukha ang mga ito na dukutin at kitilan ng buhay ang dalaga. dinala nila ito sa kabilang mundo. ang mundo ng mga dyablo. walang kaalam-alam ang dalaga sa nangyayari, naawa siya at galit sa kaloob-looban niya sa nakita niyang sugat sa mukha nito.
Ngayon ay nahimatay ang dalaga sa mga bisig niya dahil narin sa labis na pagod at takot. sininyasan niya si selvania na lumapit sa kaniya.
Pinalutang niya ang dalaga gamit ang kapangyarihan niya.
"iuwi mo siya at sabihin sa mga katulong na bantayan at gamutin ang sugat ng señorita"
"pero paano ka? at isa pa gusto kong makatulong"
"sundin mo ang sinabe ko, selvania" bantang sabi ni niro.
Tumango naman ito at nauna ng naglakad habang nasa likod niya si hannah na nakalutang. pagka-pasok ni selvania sa portal ay nawala rin ito bigla.
Bumaling naman sila sa mga kalaban. tumayo ang babaeng may hawak ng crusifix kanina. tumingin ito sa kanya at ngumiti.
"niro..., narito ka pala?" komonot ang noo nito. "nasaan ang babae mo? kailangan ko pa siyang patayin!"
"dadaan ka muna sakin" may diing sabi ni niro.
Naging itim na itim ang mga mata ng babae. lumabas ang itim at pangit na pakpak nito at humaba ang dila. tumingin ito kay niro ng nakakaloko.
"kung ganon, ikaw muna ang uunahin ko!" sigaw nito at patalon na lumapit kay niro.
Naka-iwas naman kaagad si niro. ang mga kawal at ang ibang dyablo ay nag-simula ng naglabanan. si calsifer ay nakikipag-laban sa taong gumaya ng kataohan niya.
Naging pula ang mga mata ni niro at inilabas niya ang pulang kapangyarihan sa kamay niya. nagsimula ng maglaban ang dyablo at ang mga imortal. suntok dito, suntok doon.
Si calsifer naman ay mabilis na sinuntok ang sikmura ng dyablong gumaya sa katauhan niya. natumba ito at napa-ubo ng dugo sa lupa pero tumatawa itong tumingin kay calsifer. "pasalamat ka at mukha lang ang nagaya ko dahil kung hindi ay baka pati ang nakakasuka mong ugali ay itinapon ko na"
Lumapit si calsifer dito at hinawakan ito sa leeg tyaka pinatayo. "ikaw ang mag-pasalamat dahil nahiram mo ang gwapo kong mukha, pero hindi bagay sayo dahil sa akin at sa akin pari ang huling halakhak" bolong ni calsifer.
Nanmilog naman ang mga mata ng dyablo kung ano ang tumutusok sa gilid ng tyan niya.
"paalam" bumaon ang maliit na espada sa tiyan nito at ilang segundo ay naging abo nalang.
Napa-iwas si niro sa tira ng babae. ngunit nabigla siya ng makitang humampas sa gilid niya ang pakpak nito kaya napahiga siya sa sahig. bumangon kaagad siya at dinalohan ni calsifer.
Pareho silang napatingin sa babaeng dyablo dahil nag-iba ang hitsura nito. naging isang malaking ahas na kulay pula. masama itong tumingin sa kanila at hinampas ang malaki nitong bontot sa kinatatayuan nila pero madali silang naka-iwas.
"s**t! ang laki niya!" inis na sabi ni calsifer.
Wala silang kawala dahil kahit may kapangyarihan sila ay hahatakin parin sila nito pabalik at mapapaslang sila.
"si selvania lang ang may kakayahan na patayin siya!" bumaling siya kay niro na walang reaksyon ang mukha at pula parin ang mukha nito. "niro! anong gagawin natin!?"
"paslangin siya!" sigaw niya at umiwas sila ulit dahil humampas nanaman ang bontot nito sa pwesto nila.
Hahampas na dapat ang bontot nito sa lupa pero natapon ito sa gilid dahil sa isang ekstranghero.
Bumaling sila kung sino iyon. si selvania ay may dalang mahabang latigo. masama itong tumingin sa kanila.
"dont just stand there you moron! , do someting!" galaiting sigaw nito.
Ngumisi si calsifer at lumipad naman si niro upang paslangin ang dyablo. si selvania naman ay hinampas ulit ng latigo ang ahas dahil tatayo nanaman ito. hinampas niya ulit ito hanggang sa matusok ni niro ang puso ng ahas gamit ang espadang hawak niya.
Nakatayo na silang tatlo habang pinagmamasdan ang unti-unting pagiging abo ng mga dyablong nasa paligid nila.
Huminga ng malalim si selvania bago ito tumingin kay calsifer. inakbayan siya nito kaya nainis naman siya. "grabe! ang astig mo kanina! babe!" masayang sabi nito.
"wag mo kong hawakan!"
Pero ang loko ay matigas talaga ang ulo. mas lalo pa siya nitong inaasar. nauna na sa kanilang maglakad si niro. deri-deritso itong pumasok sa loob ng portal.
Napabuga naman ng malalim si selvania dahil alam niyang pupunta kaagad ang binata sa dalaga. tumingin siya sa kamay na nakalahad sa kaniya.
"tara?" ani calsifer habang nakalahad ang kamay sa harapan niya.
Hinawakan niya ang kamay nito at sabay silang pumasok sa portal.
✔︎ZN