Chapter 14
Isang linggo ng hindi nag-papakita sa akin si niro. ano na kaya ang nangyari sa kanya? baka busy sa trabaho? o baka naman ay nagalit dahil sinapak ko siya noong unang linggo sa condo ko.
Sabado na ngayon kaya wala kaming pasok. napag-desisyonan kong mag-linis ng boong condo. ngayon ay tapos na ako kaya umiinom ako ng kape habang nakatingin sa labas ng aking veranda.
Nagulat ako kanina ng tumawag si mama at sinabing uuwi daw sila ni papa sa susunod na linggo. hindi ko mapigilang mapaluha kanina dahil sa halos limang taong pagkawala nila ay uuwi na sila at magkakasama na muli kami. halos excited at kaba ang nararamdaman ko. ano na kaya ang hitsura nila. mas lalomg bang nag-matured o bumata?
Hindi ko alam pero parang namimiss ko siya, gusto kong makita ang ngiti niya, ang pagsimangot niya, magpakita kana sa akin niro.
••
Nanlalata akong bumangon kinabukasan. araw ng linggo kaya walang pasok ulit. napabalik ako sa kama dahil na-aalal ko nanaman siya pero mabilis akong napabangon dahil may nag doorbell sa condo ko kaya patakbo akong bumaba.
Ngunit napawi ang ngiti ko ng hindi pala siya ang narito.
"Here's your order ma'am, room 362" tumango ako at ipinasok na niya ang order ko at lumabas na ito.
Nag-order kasi ako ng pagkain sa hotel. wala kasi akong ganang mag-luto kahit marami naman akong stock ng pagkain. sinimulan ko ng ayusin ang sarili ko ngayong umaga at ginawa ko nanaman ang ginagawa ko sa araw-araw.
Narrator POV
Sa isang malaking kwarto naman ay nagising na ang nilalang dahil sa mahimbing na pagkaka-tulog. kumurap-kurap siya at hinawakan ang benda sa tiyan niya.
Dahan-dahan siyang umupo sa kama. isang lingoo din siyang tulog dahil sa digmaang naganap sa pagitan ng mga demonyo at bampira. napapikit siya ng ma-alala ang lahat ng nangyari.
Nakita kasi niya ang pagka-buhay muli ng isang kalaban na hinding-hindi niya gustong makita pa. isa kasi sa mga kawal nito ay nakuha ang buhok ni hannah kaya nila ito binuhay muli. iyon kasi ang huling sangkap upang mabuhay muli ang demonyo.
Pero hindi niya maaaring ipahamak si hannah. kaya kung pwede man itong dukutin niya at ikulong sa palasyo ay gagawin niya. maprotektahan lang ito.
Ng ma-alala niya na hindi na pala siya nakakadalaw sa dalaga ay umalis siya sa kama na kahit sariwa pa ang sugat ay wala siyang pake-alam. mapuntahan lang niya ang dalaga ay gagaling na siya. makita lang niya ang ngiti at busangot nitong mukha ay ayos na siya at siguradong nag-aalala na ito sa kaniya.
"Master!!" gulat na sabi ni wisp. pagka-pasok niya ay nakita niya ang kanyang master na pinipilit nitong umalis sa kama kahit hindi pa nito kaya.
Sumunod namang pumasok sina calsifer at selvania. si calib ay nasa kabilang kwarto dahil malala rin ang natamo nito.
"niro!"
"niro!" gulat nilang sabi.
Dali silang lumapit dito at inalalayan itong maupo ulit sa kama pero ang binata ay iwinasiwas lang ang kamay nila.
"wag niyo akong pigilan, gusto ko siyang makita kaya wala kayong magagawa" galit na sabi nito sa kanila.
Paika-ika itong lumalakad pero naka-alalay lang si wisp gamit ang kapangyarihan niya upang hindi matumba ang master.
"palagi mo nalang iniisip ang babaeng iyon! niro! my god niro! isipin mo naman ang sarili mo! kagagaling mo palang sa isang malalim na pagtulog pero ang babae mo agad ang iniisip mo! ni wala nga iyon dito para alagaan ka! pero kami! ako! nandito at binabatayan ka! isipin mo naman ang nasa paligid mo! hindi yang babae mo nalang palagi" mahabang paliwanag ni selvania. matigas na kasi ang ulo ng binata mula noong nakilala nito si hannah kaya kahit sa kanila ay hindi na ito nakikinig.
Lumingon ito sa kanila. "wala siyang alam, kaya wala siya dito, siya ang buhay ko, sa kanya ako naka-konekta kaya baliw na baliw ako sa kaniya, hindi niyo ako mapipigilan sa desisyon kong ito dahil ako mismo ang makakalaban niyo" anito at nagtuloy-tuloy na lumabas ng kwarto.
May isang butil naman ng luha ang pumatak sa mga mata ni selvania. hindi talaga ito makikinig sa kaniya. kahit pagbalik-tarin man ang mundo.
"hayaan na natin siya" nakapa-mulsang sabi ni calsifer.
Hannah POV
Nagulat ako ng makitang nandito sa harapan ng pinto si niro. fresh na fresh siya sa soot niyang puting t-shirt at black pants at ang bango pa niya. may dala siyang red roses at pagkain na nakalagay sa maliit na box.
At kanina ko pa napapansin na paika-ika siyang naglalakad at humihinga rin siya ng malalim. tinanong ko siya doon at ang sabi niya ay pagod lang daw siya sa biyahe pero dahil miss na miss na niya ako ay hindi na siya nakapag-pahinga kaya pumunta kaagad siya dito.
Ngayon ay nasa loob ako ng kwarto habang nakaharap sa salamin. naka-soot ako ng light pink dress. nag-aya kasi siyang lumabas daw kami kaya pumayag naman ako dahil makakalabas ulit ako na kasama siya.
Matapos ay bumaba na ako. pagbaba ko ay nakita ko siyang naka-upo sa sofa at nakapikit habang nakahawak sa tiyan niya. dahan-dahan akong lumapit at tiningnan siya ng malapitan. ang gwapo niya talaga. mahahabang pilik mata, makapal na kilay, manipis na labi, matangos ang ilong at meron din siyang nunal sa gilid ng mata niya at sa gilid ng noo. ang swerte ng babaeng makakasama niyang paghabang buhay.
"baka matunaw ako, mahal ko" bolong niya.
Napatigil ako at napablik sa huwisyo ng makita kong nakatingin na pala siya sa akin. grabe, nakakahiya at ang lapit-lapit pa ng mukha namin sa isa't-isa kaya aalisin ko na sana ang mukha ko sa kaniya ng hilahin niya ang pisngi ko gamit ang dalawa niyang palad.
Napapikit ako ng unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin. akala ko ay sa labi niya ako hahalikan pero rinig kong tumawa siya ng mahina at hinalikan ang noo ko. nagsiliparan naman ang paro-paro sa tiyan ko.
Tumingin ako sa kaniya at nakatingin din siya sa akin.
"hindi kita pipilitin na halikan ka, dahil ginagalang ko ang isang katulad mo, saka na kapag hindi kona maramdaman ang kaba sa puso mo" aniya at muling hinalikan ang noo ko.
Nasa labas na kami habang naglalakad. Natuwa ako ng makitang narito si wisp at calsifer. pinagalitan nga sila ni niro dahil daw kami lang dapat ni niro ang lalabas at hindi sila kasama. ngunit umangal naman ako dahil mas maganda kapag madaming kasama. mas masaya.
Pumasok kami sa isang mall at lahat ng mga taong nakakakita sa amin ay napapatingin. hindi sa kin. kundi sa mga kasama ko. nakatago lang si wisp sa balikat ko dahil natatakpan iyon ng buhok ko.
Konot na konot ang noo ang dalawa habang nakatingin sa kabooan ng mall. hindi ko ba alam ang dahilan pero parang ngayon palang sila nakakapasok sa ganitong klaseng lugar.
Kumain muna kami at pagkatapos ay nagtungo sa arcade. noong high school kasi kami ni lara ay palaging ubos ang baon namin dahil sa arcade kaagad ang pinupuntahan namin pagkatapos ng klase. ngunit hindi na ata mangyayari iyon ngayon dahil nasa college na kami at tambak na tambak na ang school works.
Inis na inis si niro dahil naglaro lang naman kami sa arcade ng claw machine. kung saan kukunin mo ang laruan sa loob. gamit iyong machine hand at ibabagsak sa box doon sa gilid.
Banas na banas na siya dahil hindi man lang siya nakakuha ng teddy bear. Tiningnan ko siya at tumingin siya sa akin pero hindi ko alam kong bakit kusang nawalan ako sa isip sa sinabe niya.
"close your mind" aniya sa malabong boses.
Pagbalik ko sa huwisyo ay nasa harapan ko na siya at may hawak hawak na sandamakmak na teddy bear. tiningnan ko ang claw machine at nakita kong ubos na kaagad ang laman non.
"pano mo nagawa iyon?" sabi ko habang inilagay sa bag ang teddybear at nasa kamay korin ang isa. tunawa naman siya ngunit hindi nag-salita. pagkatapos ay nakita namin sina calsifer at wisp sa may car game.
Sobrang saya namin sa arcade. kami lang ata ang nagtagal roon. matapos, ay pumunta na kami sa amusement park. madaming tao ang naglalaro at sumasakay sa mga rides.
"WwOooooHhh!!!" sigaw ng mga tao.
Nakasakay kami ngayon sa mga rides. pinagigitnaan nila akong dalawa. si calsifer ay sigaw ng sigaw na animoy mamamatay pero si niro ay seryoso lang ang mukha. napapa-takip naman ako ng tenga ko dahil sa sigawi ni calsifer. daig pa ang babae kong maka-sigaw.
"calm your voice, calsifer, kong hindi ay ihuhulog kita" banta ni niro.
Tumahimik naman si calsifer at ngayon ay pareho na silang walang imik. napapapikit nalang ako dahil sa kaba. hindi kasi ako sany sa mga ganitong mga rides. pero dahil mapilit si calsifer na isama kami kaya wala na kaming nagawa ni niro.
Natigilan ako ng mga yumakap sa akin at si niro iyon. nakayakap ng mahigpit ang mga braso niya at ang ulo niya ay nasa gilid ng leeg ko. kinalibutan ako ng sininghot niya iyon.
"hm, don't be afraid, mahal ko, hindi kita bibitawan hanggang sa matapos ito"
Hindi ako nagsalita sa ginawa niya dahil narin sa gulat. hanggang sa matapos nga ang ride ay hindi ako binitawan ni niro.
"sir,ma'am, tapos na ho ang ride, iyong susunod naman ang sasakay" napabitaw lang kami dahil sa boses na iyon.
Kaya napabitaw kaming dalawa at nakitang patawa-tawa si calsifer na nakatayo na pala sa gilid habang nakapa-mulsa.
Narito kami ngayon sa bench. nasa foodtruck ang dalawa habang omo-order ng pagkain. kami ni wisp ay narito sa bench. nagtatago parin siya sa balikat ko.
"tingnan mo sila, señorita, mukhang may namumuong usapan sa mga mata nila kaya sobrang sama ang tingin ng bawat isa" ani wisp.
Tumawa ako dahil totoo ang sinasabe niya. pano ba naman kasi ang sama ng tinginan ng dalawa na para bang may kompetisyong mangyayari. si calsifer naman kasi eh, mapilyo at laging iniinis si niro kaya masama ang tingin ni niro sa kanya.
"magka-ibigan ba talaga sila, wisp?" tanong ko
"opo, mahal na prinsesa, bata palang silang dalawa ay magkaibigan na, kaya saludo ako sa dalawang iyan dahil walang bumibitaw sa pagkaka-ibigan nila"
Ngumiti ako. tama siya, basi sa mga ipinapakita ng dalawa ay parang magkapatid na ang turingan dahil sa sobrang tagal na palang magka-ibigan. kahit na inaasar ni calsifer minsan si niro ay nakikita kong mahal na mahal niya ito.
Napatigil ako sa iniisip dahil may dalawang hamburger ang nasa harapan ko. nag-angat ako ng tingin dahil ang isa ay hawak ni calsifer at ang isa ay hawak ni niro.
"hambuger!?" at sabay pa talaga silang nag-salita.
Nakakahiya naman kong hindi ko kunin diba kaya kinuha ko na. "hihi, salamat" awkward kong sabi.
Umupo silang dalawa sa bench at magkaharap silang dalawa at nasa gitna naman ako. tahimik lang kaming kumakain. nakaka-gutom nga naman kasi ang mag laro.
Ng matapos kumain ay pinunasan ko na ang bibig ko. hindi pa ako nakakapunas ng mabuti ng makita kong lumapit ang kamay ni calsifer sa gilid ng bibig ko at may kinuha siya doon.
"may natira pa palang ketchup sa pisngi mo" nan-aasar niyang sabi at tumingin kay niro.
Nakita kong sinamaan ni niro si calsifer ng tingin at bomolong. "asshole, I will skin you alive, if you do it again" pero hindi ko na narinig ang huling sinabe niya dahil humagalpak ng tawa si calsifer. uminom ulit si niro ng coke sa can.
Napag-pasyahan nanaming umalis sa amusement dahil mag-gagabi na pala.
"tayka!" ani calsifer. kaya huminto kami sa paglalakad.may kinuha naman siya sa loob ng bag niya.
Tumaas ang kilay ni niro ng makita kong ano ang inilabas ni calsifer. isang violet teddy bear lang naman iyon na may black diamond rebbon sa leeg nito.
"ito, regalo ko sayo, pinanalunan ko yan kanina, doon sa barilan, at belated happy birthday!" masayang sabi nito at ngumisi kay niro. masama namang tingin ang ibinigay ni niro sa kanya.
Hinawakan ko naman ang teddy bear. ka size na nito ang bag ko sa school. ididisplay ko to sa kwarto ko. hinawak-hawakan ko ang mukha nito dahil sa sobrang lambot.
Magpapasalamt na sana ako kay calsifer ngunit nakalayo na pala ito sa amin. siguro ay mauuna na siyang umuwi
"calsifer! salamat!" sigaw ko. kumuway naman siya sa akin pabalik habang nakatalikod parin. ngumiti ako at tumingin kay niro na masama ang tingin sa akin at sa teddy na hawak ko.
"bakit?"
Narrator POV
Masama ang tingin ni niro sa teddy bear na hawak ni hannah. that fucker! binigyan pa talaga si hannah ng teddy bear para mag-selos siya. at ngayon ay kitang-kita niyang mahigpit ang yakap ni hannah sa teddy bear.
"can I barrow that teddy" gigil na sabi niya ngunit hindi niya lang iyon pinahalata.
tumingin naman sa kaniya si hannah na nakakunot ang noo. "ha? type mo si teddy bear?" usisa ni hannah.
"yeah" he lied. ang gusto niya kapag hinawakan na niya ang teddy bear na iyon ay itapon niya ito sa basurahan.
Ibinigay naman ni hannah sa kaniya ang teddy bear. ng mahaakan niya iyon. ay gusto niya itomg sapakin o di kaya itapon sa bermuda triangle.
Mahigpit niya itong hinawakan dahil sa panggigigil. nakita niyang tumingin ang dalaga sa ibang mga palaruan ang nandoon.
kaya bigla-bigla nalang siyang umakting na parang nakakita ng ipis kahit hindi naman.
tumingin sa kaniya ang dalaga.
"bakit?"
"m—may ipis" takot na sabi niya. pero ang totoo niyan ay matatawa na talaga siya sa pinag-gagagawa niya. mukha kasi siyang tanga.
"nasan?, nasan ang ipis?" takot ding sabi ni hannah. alam niyang takot din ito sa ipis. pero siya lang ang hindi.
"nandito sa teddy" aniya at tumingin sa teddy bear na hawak niya. tumingin naman ang dalaga sa teddy.
"asan?" aakmang hahawakan nito ang teddy bear ngunit ay inilayo niya ito.
"wag! nasa loob" konot noo niyang sabi.
"nasa loob ng ipis?"
"oo, pumasok sa loob" takot na sabi niya. "ano!?anong gagawin natin dito?"
Nakita niyang nag-aalinlangan ang dalaga kung anong gagawin sa teddy bear.
"hannah!, ano?, bilisan mo lalabas na siya"
"i...itapon mo!" anito
"ano?" aniya na parang nagulat pero sa kaloob-looban niya ay nagpaparty-party na siya sa sobrang saya.
"itapon muna bilis!"
Walang pag-aalinlangang ibinato ni niro ang teddy bear kay wisp na sinalo naman nito gamit ang kapangyarihan at sinabeng...
"itapon mo!" tumango naman ito sa kaniya.
Hindi maalis ang ngisi sa kaniyang mga labi. yes!nagtagumpay siya! bumaling siya sa dalaga na ngayon ay mukhang malungkot na.
"wala na" malungkot na boses nito
Inakbayan niya ito.
"dont worry,bibilhan nalang kita ng maraming teddy" nakangiting sabi niya.
Hannah POV
Maraming teddy bear nga ang binili niya sa akin at meron pang mas malaki. nasa pinto na ako ng condo ko at malaki ang ngiti dahil sa masayang araw na ito. Binuksan ko na ang pinto at lumingon ako kay niro ngunit sa pagharap ko ay doon bumagsak ang katawan niya sa katawan ko kaya natumba kami sa sahig.
Tiiningnan ko ang mukha ni niro. naka-pikit ang mga mata niya at namumula ang mukha niya. tinapik-tapik ko ito ngunit hindi siya nagigising.
"niro!niro! anong nangyari sayo!" nagsimula na akong kabahan. naku! patay ako nito baka ako ang sisihin ng magulang niya.
Gumapang ang tingin ko sa tiyan niya at doon ako nanghina ng makita ang puting T-shirt niya na may bahid ng DUGO!!
✔︎ZN