Chapter 13
Nagising ako na magaan ang pakiramdam, isang linggo na ang nakakalipas noong umamin siya sa akin. at hanggang ngayon ay kilig na kilig parin ako. hay, kapag talaga na-aalala ko iyon ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mapakilig.
Pangiti-ngiti ako habang nagtitempla ng kape. nakakakilig naman kasi kapag may umamin sayong mahal ka niya at pagkatapos ay sa isang gwapong lalaki pa.
Tinotoo nga niya ang panliligaw sa akin. araw-araw siyang pumupunta sa condo ko habang may dalang sandamakmak na flower at masustansyang pagkain. imbis na chocolate ang ibigay niya sa akin ay sinabe niyang hindi daw maganda iyon sa katawan kaya lutong ulam nalang ang ibinibigay niya na siya mismo ang gumawa. katulad ngayon...
Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang fresh na fresh. may dala siyang box ng pagkain at may dala rin siyang red roses. naku, masyado niya akong ini-spoiled sa mga ganon.
"Hi, mahal ko" parang ang cringe pakinggan pero kapag si niro ang nagsasabi ay mas lalong bumabagay.
Tumawa ako. hindi ko kasi kayang replayan ang mga endearment niya sa aking 'mahal ko' hindi ko pa naman siya sinasagot. tumawa naman siya at napakamot ng ulo. Sinabe niya sa akin na hindi siya nakaranas na manligaw sa isang babae kaya hindi niya alam kong paano ang magpakilig sa mga dilag.
"here" abot niya sa akin ng flower at pinapasok ko na siya sa condo ko.
Nagtungo ako sa gilid ng tv at inilapag doon ang sandamakmak na red roses. ang daming red roses sa gilid ng cabinet at tv ko dahil sa araw araw niyang pagbibigay at isa pa akala ko mga plastik ang mga iyon pero mga totoo pala.
Nagtungo na kami at kinain ang box na dinala niya. sarap na sarap ako sa pagkain dahil favorate ko ang adobo talaga. matapos ay siya na ang nag presentang mag-hugas.
Umupo ako sa sofa habang nakaharap sa t.v. nanonood kasi ako ng tom and jerry at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. nakita kong komonot ang noo niya habang nakatingin sa t.v.
"what's that?"
Tom and Jerry lang naman ang pinapanood ko. paborito ko kayang panoorin toh. kaysa naman sa mga balita na wala namng saysay at puro lang p*****n at mga sinungaling na gobyerno ang ipinapakita.
"tom and jerry" baling ko sa t.v
"you watch cartoons?" hindi niya makapaniwalang sabi
Tinaasan ko siya ng kilay. "bakit? masama ba?"
Tinaasan niya rin ako ng kilay at naramdaman ko nalang na kinuha niya ang remote sa kamay ko.
"hoy!" angal kong sabi.
Lumapit ako sa kaniya para kunin ang remote pero ang loko ay tumayo at itinaas ang kanang kamay para hindi ko maabot ang remote.
"akin na yan!" inis kong sabi.
"ang tanda tanda muna, ang isip bata mo pa rin" pinindot niya ang remote at pinunta niya sa *****channel. "yan, para malaman mo, ang iba't ibang uri ng mga hayop"
Inis akong bumaling sa kaniya. "wala kom pake!" tinadyakan ko siya. ngumiwi naman siya kaya nakuha ko ang remote sa kamay niya at tyaka tumakbo.
Hinabol naman niya ako ng paika-ika. tumatakbo rin ako para hindi niya mahuli. nagpalibot-libot kami sa sofa.
"s**t, ang kulit mo talaga" aniya habang umaaray sa paghabol sa akin dahil sa masakit niyang talampakan.
Tumakbo ako paalis sa may sofa at nagtungo sa kusina. para kaming nga isip bata dahil naghahabulan pa talaga kami ng dahil lang sa remote. nagpalibot-libot kami sa mesa at tumakbo ulit ako sa sofa at nagpalibot-libit nanaman roon para hindi niya ako mahuli.
Pero madaya pala ang isang niro dahil imbis na habulin niya ako ay sumampa siya sa sofa at tyaka niya ako hinawakan sa bewang. natumba naman kaming dalawa sa sahig.
Nanmilog ang mga mata ko dahil sa posisyon namin. nakadagan lang naman ako sa kaniya habang siya ay nasa ilalim ko. lumunok ako at nag-iwas ng tingin. bakit parang bumilis ang t***k ng puso ko.
Mabilis akong umalis sa ibabaw niya at pagkatapos ay tumayo nadin siya. inayos niya ang nagusot na damit at nag-iwas naman ako ng tingin dahil natupi ang pang-ibabang damit niya kaya nakita ko ang nakaka-silaw niyang magandang katawan.
Titingnan ko na sana siya pero mabilis niyang inagaw sa akin ang remote at tyaka siya walang imik na nanood ng t.v sumimangot naman ako. kaya niya pala ginawa iyon para ma distrak ako. nakita ko naman siyang pangiti-ngiti.
Narinig kong may nag doorbell sa pinto ng condo ko kaya nag-dadabog akong lumapit doon. walang pag-alinlangan kong binuksan ang pinto. pero agad kong sinarado iyon ng makita ang kaibigan kong malaki ang ngiti habang may dalang bag ng libro.
"hannah!!" rinig kong angal niya sa labas.
Patay! ano ang sasabihin ko! hindi ko siya pwedeng papasukin sa condo dahil narito si niro. ano ang gagawin ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at inilusot ko ang ulo ko para makita ko siya. kalahati ng katawan ko ang nasa loob.
Konot noo niya akong tiningnan. "oh, hindi mo ba ako papapasukin?"
Peke akong tumawa. "hihi, lara, hindi kasi maganda ang pakiramdam ko eh"
"ha? may sakit ka?"
Tumango-tango ako."baka mahawak ka, nakakahawa pa naman to" sabi ko at umubo-ubo pa ng peke.
"naku! kailangan ng mag-aalaga sayo! kaya kailangan nandiyan ako!" angal niya.
Umiling-iling ako" hindi na-hindi na, nakakahiya naman sayo, kaya ko na ang sarili ko"
Ngumuso siya. "okay cge, kong iyan ang gusto mo"
"cge na ba-bye na, mapapahinga nako" sabi ko at kumaway-kaway pa.
"who's that?"
Aakmang tatalikod na siya ng pareho naming narinig ang boses ng lalaki sa loob ng condo ko. konot na lumingon sa akin si lara. "narinig mo yon?"
"ang alin?"
"boses ng guy, at nanggagaling ata sa condo mo?" tinaasan niya ako ng kilay "hannah, may lalaki ba sa condo mo?"
Umiling ako. "wala ah! at tyaka kailan pa ako nagkaroon ng lalaking kaibigan, ikaw lang naman ang bestfriend ko" napakagat ako labi. naku, ang dami ko na atang kasalanan. nagsisinunagling pa ako kay lara.
"pero, narinig ko talaga eh"
Humanda ka sakin niro. "ah, b-baka t.v ko iyon, nanood kasi ako ng palabas eh haha"
Lumingon ako kay niro na nasa likod ko na pala at nakatayo. tumatawa ito at binilatan ko siya kaya mas lalo siyang tumawa kaya sinenyasan ko siyang wag maingay.
"lara, cge na, magpapahinga na ako, bye"
"okay cge, wag mong kakalimutan sa lunes may surprise ako sayo!" aniya at patakbo ng pumasok sa elevator habang ako ay konot noong nag-iisip sa surprise kono niya.
Ng humarap ako kay niro ay kaagad ko siyang binatukan. umalingaw-ngaw naman sa boong condo ang aray niya. pahamak talaga.
••
"Ito na!!" excited na sabi ni lara sa akin habang naka-upo kami sa bench dito sa loob ng school.
Lunes na ngayon at tambak nanaman sa school works ang gagawin namin. pero dahil tapos na ang last subject kaya dito muna kami tumambay bago umuwi.
Mabilis niyang binuksan ang bag niya at inilabas ang dalawang libro. ang libro na matagal ko ng hinihinatay na magkaroon ng part 2. Napa-hiyaw naman ako sa sobrang tuwa. ito kasi ang libro na paboritong-paborito ko sa lahat na kahit tumanda ako ay hindi ako magsasawang basahin.
Almost 1 year ko rin itong hinintay. Ang pagamat ng librong ito lang naman ay 'My Fictional Character Exist In My World' kung saan nagkatotoo ang pinapangarap niyang lalaki sa libro at nag exist ito sa mundo at pagkatapos ay naging sila, umibig, nag-mahal, nasaktan. naku! kaya nga maraming nag-rerequest ng part 2 dahil sa sobrang ganda ng librong ito.
"Thank you, lara" masaya kong sabi.
"gift ko sana iyan sa birthday mo last 2 weeks, pero dahil makalilimutin ang lola mo, kaya ngayon ko lang naibigay" tawa-tawa naman siya.
Sinimulan ko na itong basahin. Sabi na ang lalaki daw ay lumabas mismo sa librong binabasa noong babae. maraming mga plot twist ang mga nangyari kaya hindi nanamin namalayan ang oras na magsasara na pala ng gate si manong gaurd kaya mabuti nalang ay nakalabas kami kaagad.
Narrator POV
Logong-logo na tumapak si Calib sa loob ng mansyon ng kanyang master. isang buwan siyang hindi naka-uwi dahil nagtungo siya at ang mga kawal ng master niya sa mundo ng ostara dahil sumakop nanaman ang matindi nilang kalaban.
Nakita niya sa gitna ng sala si Niro habang naka-upo naman sa balikat nito si wisp. Nanlalata siyang lumapit at napa-lohod dito.
"m-master" Hindi nag-salita si niro. "ang mundo ng ostara ay lalong gumugulo dahil nalaman na ng kanilang leder ang pagka-buhay muli ng prinsesa"
Naikoyom ni Niro ang kamay. talagang hindi sila titigil haggat hindi nila napapabagsak ang kaniyang minamahal. pero hindi niya maaaring pahawakan ni kahit isang hibla ng buhok nito dahil sa kanila muna siya dadaan.
Nanginig ang balikat ni calib. "a-ang mahal kong si r-rosa ay, p-pinatay nila" iyak na sabi ni calib.
Suminghap naman si Wisp. wala namang emosyon ang mababakas sa mukha ni Niro. talagang sumusubra na ang kalaban. baka nga kong siya na ang kumilos ay baka magsi-taguan ito sa mga lungga.
"maghanda ka, calib. mamayang gabi, dadanak ang dugo sa kailaliman ng kaluluwa nila" walang emosyong sabi niya at tyaka umalis at nagtungo sa opisina niya.
Pagka-alis ng mater nila ay inalalayan ni Wisp si Calib na tumayo. nag-presinta siyang gamutin at palakasin ang binata gamit ang kapangyarihan niya.
Mamayang gabi. magsisimula
Hannah POV
Iyak ako ng iyak sa loob ng kwarto hindi dahil sa may problema ako kundi dahil ay sa librong binabasa ko. Sa ending kasi ang namatay ang bidang babae at iyon ay tapos na. bwesit sinayang ko pa ang pera ko dito, ki-mahal mahal nitong libro tapos wala lang palang happy ending.
Padabog tinapon ang libro sa sahig. bwesit, sayang pera ko sayo!
••
Kinabukasan ay nag-uusap kami ni lara sa school. nasa upuan kami namin.
"may part 3 pa daw yon! frieny!"
komonot ang noo. "eh, ang sabi don sa libro ay wakas na, so, wala ng kasunod"
"usap-usapan na meron pa daw, hay naku, baka fake lang ata iyong sinasabe nila, tama nga ang sabi mo na sayang ang pera natin don"
Sayang talaga ang pera namin, pano ba naman. bibili ka ng libro tapos wala pa lang happy ending. nakaka-inis diba. paborito ko pa naman ang librong iyon at umaasa ako na mag wawakas ng may kabuluhan pero hindi pala.
Matapos ang last subject namin ay nagtungo na kami sa gym ng school para mag-simula sa p.e namin. nasa kwarto na kaming lahat ng pambabae kung saan dito kami nagpapalit at bawat isa ay may kanya-kanyang locker.
Binuksan ko na ang locker ko at bumungad sa akin ang sandamakmak na basurang papel. lumapit si lara sa akin na ngayon ay nakapag-palit na siya. gulat din ang rumehistro sa mukha niya at ilang segundo ay napalitan iyon ng inis.
Lumingo siya sa gawi nila queeny. "ikaw ba ang may gawa nito!? b***h!?"
Inosente namang tiningnan niya kami. "bakit? ano ang nangyari? may nakalagay bang basura sa isa ring basura?" sarkastikong sabi nito at tumingin sa akin. yumuko ako talagang sumosubra na sila.
"alam kong ikaw ang may gawa nito, b***h kaya wag ka ng mag deny pa"
"nakita mo bang ako?"
"eh sino ba dito ang bully kay hannah? diba ikaw, lang"
Tumawa naman si quenny. "ako lang ba, talaga?"
Kinuha ko ang damit ko sa p.e at hinaklit ang braso ni lara. "tama na yan, lara, tara na" sabi ko at deritsong nagtungo sa kabilang room.
Pagkapasok namin doon ay papasok na sana ako sa banyo pero pinigilan ako ni lara.
"tayka frieny" Kinuha niya ang damit ko sa p.e at tiningnan iyon.
Doon namin nakita na punit-punit iyon. naikoyom ko ang kamay at pumikit. kailan ba ako nila titigilan.
pag-bukas ko ng mata ay wala na si lara sa harapan ko at narinig ko nalang ang sigawan sa labas.
Patakbo akong nagtungo roon at nakitang nagsasabunutan sila.
"f**k you! b***h!" talagang sumusobra na kayo!" nang-gagalaiti na sigaw ni lara habang sinasabunutan ng maigi si quenny.
"f**k!! wala akong alam sa sinasabe mo! get of me!!"
Lumapit ako sa kanila pero hindi ko sila maawat. "lara! tama na yan!" hahawakan ko na sana ang braso niya ng may humawak sa dalawang kong braso at nakita kong mga aso iyon ni queeny.
"wag ka ng mangi-alam pa!"
Pilit kong inaagaw ang kamay ko pero ang higpit ng pagkakahawak nila. Napa-higa sa sahig si quenny at puma-ibabaw naman sa kanya si lara. sabunot doon, sabunot dito. buhaghag na ang buhok nilang dalawa at nakita kong meron pang nag vivideo.
"tigilan niyo na yan!"
"hindi ka na nakakatuwa! palagi nalang ang bestfriend ko ang binubully mo!"
"b***h! I don't care!"
"ano ang nangyayarid dito!!" galit na sigaw ni Mrs.Pearl. ang p.e teacher namin. pina-awat niya sa mga security sina lara at quenny. masamang nag-tinginan ang dalawa. hinaklit ko naman ang mga kamay ng mga aso ni quenny na nakahawak sa braso ko.
"All of you, 100 push-up! now!"
Kaya wala kaming nagawa kundi. ang mag push-up sa court habang tirik na tirik ang araw. nagsasamaan ng tingin sina lara at quenny at pasimple namang tumitingin sa akin si quenny at sinasamaan din ako ng tingin.
"b***h!" mahinang bolong ni lara.
"iyan mismo ang parusa niyo kapag lumabag kayo sa rules ng paaralan! may mas malala pa nga diyan! ang dapat sa inyo ay magtanda!" sigaw ni mrs.pearl sa gitna ng court. may dalawang studyante namang pinapayungan siya.
••
"Pasensya na..." Napahinto ako sa pag-lalakad dahil sa sinabeng iyon ni lara.
Nasa kalasada kami at naglalakad pauwi. ginabe kami sa school dahil maraming parusa ang ibinigay sa amin. lalo na kina lara at quenny.
Lumingon ako sa kaniya. "ano ka ba, ayos lang yon, wala ka namang kasalanan"
Yumuko siya. "talagang, naiinis ako sa babaeng yon, kahit ata maging multo siya ay hindi ka niya titigilan"
Huminga ako ng malalim. "wag mo ng isipin ang mga ganon, mas mabuting pabayaan nalang siya dahil kong patuloy natin siyang aawayin ay, mas lalo lang siyang sasaya"
Lumapit siya sa akin. "tama ka nga, hayaan nalang ang mga taong may kulang sa pag-iisip, at isa nadon ang pangit na queeny" Natawa kaming dalawa dahil sa sinabe niya.
✔︎ZN