Chapter 12

1247 Words
Chapter 12 Nagliliparan ang mga alitaptap at lumalapit ang malamig at preskong hangin sa mga balat namin. naka-upo kami rito ngayon sa upuan paharap sa isa't-isa habang may candle light naman sa gitna ng mesa. meron naring nakahaing pagkain. ininom ko ang natitirang juice sa baso at pinunasan ang labi bago tumingin sa kaniya. umiwas ako ng tingin dahil kanina pa pala siya nakatingin sa akin. "bakit?" Huming siya ng malalim. "are you happy?" tanong niya. kaya ngumiti ako. "sobra pa sa inaasahan mo" inilibot ko ang tingin sa boong rooftop. hindi ko inaasahan na mag e-effort talaga siya para dito. "grabe, nag effort ka pa talaga, para sa kaarawan ko, salamat" Hindi siya nagsalita at tumingin sa kwintas na ibinigay niya sa akin kanina. "ang ganda nito" "wag mong, iwawala yan ha?" "ano ka ba, oo naman at tyaka hindi ako burara sa gamit no" natawa ako sa sinabe ko ngunit seryoso lang ang mukha niya. "bakit mo nga pala ako binigyan nito, mukhang mamahalin" "it cost 50 million" nanluwa ang mga mata ko sa narinig. "and million's for me is just a piece of centavo" Grabe ang yaman naman ng taong ito na baka pati ako ay pwede niyang bilhin. hindi ako nakapagsalita basi sa narinig ko ay hindi siya nagsisinungaling. "hihi, ganon ba, grabe ang yaman mo pala" bolong ko. Hinawak-wakan ko ang kwintas na nasa leeg ko. belog ang pindot niyon at sa gitna ay mas naka-ukit na rose flower. sobrang yaman talaga ng taong ito. hindi ko naisip na binilhan pa talaga niya ako ng ganito sa kaarawan ko. Nakita kong tumayo siya at inayos ang nagusot na damit at tyaka lumapit sa akin. inilahad niya ang kanang kamay sa akin. "pwede ba kitang isayaw?" ngumiti ako tyaka tumango. inilahad ko ang kamay sa kamay niya at inakay na niya ako sa gitna. Humawak siya sa bewang ko at humawak naman ako sa balikat niya. tumunog ang romantekong musika at sinimulan na niya akong isayaw ng marahan. sa lahat ng naisayaw kong mga lalaki kanina ay kay niro lang ako hindi makatingin ng deritso. grabe kasi ang epekto niya sa akin na hindi ko naramdaman kahit sino. Nagkatinginan kami. iyong tingin niya na para bang pati kaluluwa at iniisip ko ay nakikita niya. ako ang unang nag-iwas ng tingin. s**t! concentrate hannah! tumikhim ako. "bakit mo nalaman na birthday ko ngayon?" alam kong nalaman niya dahil kay wisp pero nais kong sabihin niya mismo sa akin. "I just know" "sinabe sayo ni, wisp?" tumigil siya sa pagsayaw at nagsimula ulit. "bakit mo nga pala siya nakilala?" "Noong nakaraang araw, doon sa may puno, ang bait kaya niya" Tumango siya. "mabait talaga siya" Nakita ko si wisp sa gilid habang lumalipad may ngiti sa labi niya. sininyasan ko siyang lumapit kaya umupo siya sa palad ko. ngumiti ako sa kaniya. "masaya ka ba, señorita?" "oo naman, sobrang saya ko" "masaya akong malaman iyan" umalis na siya sa palad ko kaya nagpatuloy ang pagsasayaw namin ni niro. tanging naririnig lang ay ang romantekong musika at ang mga huni ng alitaptap. ng walang ano-anoy tumigil siya sa pagsasayaw kaya napatigil rin ako at tumingin sa kaniya. Tumulo ang isang butil ng luha sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. may nakikita ako roong, pag-aalala, takot, pangungulila. hinawakan niya ang kanang kamay ko at ipinahawak sa may bandang pusi niya. "do you feel the same way? hannah? my love..." Ang niro acoste ay umiiyak sa harapan ko. ang niro'ng kahit kailan na seryoso at walang emosyon ang mukha ay umiiyak sa harapan ko. ang bilis ng t***k ng puso niya, ganon din ang sa akin. ano ba ang ibig sabihin nito.. iba na ata ito..ngayon ko lang to naramdaman sa tanang buhay ko. Lumunok siya at walang ano-anoy "mahal na ata kita..." mahina niyang sabi. na nagpatigil ng boo kong sistema. nanigas ang katawan ko na parang may nag-siliparang paro-paro sa tiyan ko. humangin ng malakaas at linipad ang buhok ko kaya hinawakan ko ito habang nanmimilog na tumingin sa kaniya "mahal na mahal kita, mahal ko. mahal na mahal kita" sabi niya habang patuloy na umaagos ang mga luha. "miss na miss na kita" tumigil siya at pumikit bago muling tumingin sa akin. "hindi ko na gustong patagalin to, gusto ko ng maging akin ka, ayoko na ng ganito, hannah. hirap na hirap na ako, mahal ko" Hindi mismo maibuka ang bibig ko dahil sa gulat, lumunok ako. "niro" tumingin siya sa akin. bumagsak ang mga luha ko. "hindi ko alam kong bakit pero, kapag nandiyan ka, malayo ako sa kapahamakan, kapag nandiya ka, nag-iiba ang mundo ko, hindi ko alam pero, pero..." hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil mas lalong bumuhos ang mga luha ko. "mahal na kita..." halos pabulong kong sabi. "pero hindi ko alam kong totoo ba ito o ano...." "hey" hinawakan niya ako sa balikat. "alam ko hannah, pero hindi kita bibilisin, inamin ko ang nararamdaman ko sayo ngayong gabi, at hindi pagsisinungaling iyon, totoo ang sinasabe ko, pero hindi kita bibilisin kong ano man ang nararamdaman mo sa akin, liligawan kita, hanggang sa mahulog ka sa akin at aminin na gusto morin ako" Hinaplos ko siya sa pisngi. "l'm sorry, niro pero hindi ko pa mismo, maamin sayo" Ngumiti siya. "naiintindihan ko, maghihintay ako, naghintay nga ako ng dalawangpo'ng taon, susuko pa ba ako ngayon?" Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabe dahil halos pabulong nalang niyang sinabe iyon. "salamat niro at naiintindihan mo ako" Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo kaya napapikit ako. Pagdilat ko ay bumungad sa amin sina calsifer, selvania at wisp na kilig na kilig habang nakatingin sa amin. "umamin narin ang isang niro acoste! sa wakas!" maligayang sabi ni calsifer. Bumaling ang tingin ko kay selvania na namumula ang mga mata. tayka? ayos lang ba siya? Inakay na ako ni niro. nagsimula na ang selebrayson ng kaarawan ko na kasama sila at lalo na ang taong mahal ko na pala pero hindi ko lang masabi-sabi. puno ng tawanan at kasiyahan sa boong rooftop dahil sa araw ng aking kaarawan. Narrator POV Nasa isang silid sina selvania at calsifer. inaawat siya ni calsifer na wag lumabas ng kwarto dahil masisira lang niya ang celebrasyon ng dalawa. kaya ang ginawa niya ay pinag-sisira niya ang boong gamit sa loob ng kwarto. lahat ng gamit ay tinutupok ng apoy dahil sa kapangyarihan niya. nasa gilid ng bar counter si calsifer at preskong umiinom. "hindi maari!!" galit niyang sigaw habang umaagos ang mga luha sa mga mata niya. "AaaHhhh!! I hate you! I freaking hate you!!!" "Can you f*****g stop it!!" sigaw ni calsifer pabalik. "wala ka ng magagawa dahil nangyari na!! at tyaka kahit ano pang paglalandi sa kanya ay hinding hindi ka niya mamahalin dahil may mahal na siyang iba!" Bumaling si selvania sa kaniya. "ang gusto ko lang mahalin niya ko!! pero bakit hindi niya nagagawa!!" palahaw niyang iyak. "mahal ko siya! calsifer!" Nakita naman ni selvania sa labas ng bintana na yinakap at hinalikan sa noo ni niro si hannah at doon gumuho ang mundo niya. akala niya hindi gagawin ng binata na umamin ngayong araw sa babae pero mali pala siya dahil tinupad nito at ngayon ay sobrang basag na basag na ang mundo niya. Mas lalong lumakas ang iyak niya. napalohod siya sa sahig at naramdaman niyang yumakap si calsifer sa likod niya. wala na, wala na siyang pag-asa pa na makuha ang binatang palihim niyang iniibig. ✔︎ZN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD