Chapter 11

1996 Words
Chapter 11 Ito na ang pinaka-espesyal na araw sa akin. inayusan na ako ngayon ng mga make up artist na binayaran ni lara. sobrang nakakahiya na talaga pero wala akong magawa dahil umaangal siya. Makeup dito, makeup doon. may nag-aayos naman ng mga koko ko. meron din sa buhok ko. ang sabi eh. isang oras pa raw gaganapin ang party. pero si lara ay panay ang reklamo ma bakit ang tagal pa daw. "30 minutes! nalang mag-sisimula na!!" exicted na sabi ni lara. Huminga naman ako ng malalim. kinakabahan ako pero hindi ko alam. sinabe ko na mismo kay wisp na ngayon ang birthday ko at sinabe ko na rin sa kanya na kong hindi busy si niro at ang mga kaibigan niya ay pwede silang dumalo sa kaarawan ko. nakakahiya naman kasi ang babait nila sa akin tapos kaibigan ko na rin sila kaya tama lang na embitado sila ngayong araw. sinabe sa akin ni wisp na wag daw akong mag-alala dahil alam niyang darating na darating si niro. Sa wakas tapos na ang lahat. nakatayo ako sa harap ng malaking salamin habang pinag-mamasdan ng tingin ang sarili ko. hinding-hindi ko kilala ang sarili ko ibang-ibang hannah. naka-soot lang naman ako ngayon ng white gown na abot hanggang sa talampakan ko. "OMG! ibang-ibang hannah ang nasa harapan ko ngayon!" tiling sabi ni lara. "alam kong kinakabahan ka, pero relax ka lang, ikaw ang main character dito, at alam kong magkaka-gulo ang mga tao ng dahil sayo!" Huminga ulit ako ng malalim at napag-pasyahan nanaming pumunta sa venue. inakay na ako papasok ni lara sa kotse at nagmaneho na ang driver. "lara, kinakabahan talaga ako" kabado kong sabi. "bakit ka naman kakabahan, eh, sa birthday mo to dapat mag-enjoy ka" anito. Tama! ako ang main character dito kaya dapat relax lang ako. hindi ko talaga alam kong bakit ako kinakabahan. eh, hindi naman p*****n ang pupuntahan ko. birthday ko lang naman iyon. so, why bother hannah? sabi ng isip ko. Nandon na kaya siya? baka busy siya ngayon kaya hindi makakadalo. pero mas okay narin kong nandoon siya. ang dami-daming pumapasok sa utak ko ng dahil lang sa pagdalo ni niro. at tayka, bakit ko ba siya hinahanap? naku! iba na talaga to hannah. "Narito na tayo!" naunang lumabas si lara. nakita kong nasa labas ng entrance sina mr and mrs samson ang gaganda ng mga soot nila. sumisigaw talaga ang pagiging mayaman. humalik si lara sa mga magulang niya. napayuko ako, mabuti pa siya. may nayayakap na magulang. eh ako, ma-aagnas nalang ang bangkay sa kakahintay kong kailan ba sila uuwi. Kaninang umaga nag text lang si mama sa akin. sinabe ay happy birthday daw. pero kahit kumusta wala man lang. kung ayos lang ba ako dito o ano. naramdaman kong may tumulo na isang butil ng luha sa mata ko. mabilis ko iyong pinahid. Nakita ko ring bubuksan na ng driver ang pinto ng kotse kaya umayos ako ng upo at huminga ng malalim. pagkalabas na pagkalabas ko ay sinalubong kaagad ako ng maraming camera. picture doon picture dito. ganitong-ganito din ang nangayari noong nakaraang araw sa party na pinuntahan namin ni niro. wala nga lang siya ngayon. Mabilis akong lumapit kina tita Wena at tito William. bumiso ako sa kanila. "Happy birthday, iha" ngiting sabi ni ma'an wena. "Thank you po tita" nakangiting sabi ko "Happy birthday, iha hannah" ani tito william. "Thank you rin po tito, at maraming salamat po sa speical na araw na ito. ng hindi dahil sa inyo ay hindi ko mararanasan ang ganito" "naku! wala iyon, dapat nga kami ang magpasalamat sa iyon kasi—" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nagsalita si lara. "mom, dad,hannah, tara na sa loob" excited na sabi nito. Hinawakan ako ni lara sa kamay at hinatak sa loob ng venue. Nakapasok na kami at nakita ko ang hindi pamilyar na mga mukha. poro mga ka-business nila ang narito. tumingin silang lahat sa gawi ko. sobrang nahihiya ako dahil hindi naman ako sanay na pinag titinginan ng mga tao. Nasa gitna na kami ng stage habang naka-tingin ang mga tao sa amin. si tito william naman ay nag e-speech sa celebrasyon na ito. Nasa gilid ko naman sina tita at lara at nasa gitna ako. "Salamat sa inyo and please enjoy this night" sabi ni tito. pagkatapos ay bumalik na samin. Lumapit naman si lara at nagsimula ng mag speech. matapos, ay inaya nanamin ang nga bisita na kumain. nasa gitna ako at hinahanap siya. sina tito at tita ay nasa kabilang mesa nakikipag-kwentuhan sa mga ka-business nila. si lara naman ay nasa kaibigan niya na hindi ko naman kilala kong sino. Inilibot ko ang mga mata sa boong venue. pero wala akong niro-ng nakikita. huminga ako ng malalim baka hindi talaga siya pumunta. bumalik na ako sa mesa namin ni lara. may pagkain na akong linagay kanina pero hindi pa ako kumakain. tinikman ko ang white cake. hm, masarap. Napabaling ang tingin ko kay lara ng pabagsak itong umupo sa upuang paharap sa akin. nag cross arm ito at busangot ang mukha. "oh, bat ganyan ang mukha mo?" She rolled her eyes. "that fake friends is so freaking irritating, like, may gana pa talaga dumalo dito ni hindi naman imbitado." Tumingin ako sa mga pekeng kaibigan na sinasabe niya. iyon yong mga taong kausap niya kanina. akala ko ba kaibigan niya iyon. "akala ko ba kaibigan mo ang mga iyon" "hello gurl, ikaw lang kaya ang nag-iisa kong kaibigan at isa pa, mga peke ang mga iyon" mataray itong tumingin doon. "lasunin ko mga pagkain nila eh" Huminga ako ng malalim. "hayaan mo nalang sila, baka inimbitahan nila tita" Nag-uusap kami habang kumakain. tawa kami ng tawa dahil sa kwento namin sa sa't-isa. matapos, ay naganap na ang dance theme party. awkward nga ako sa mga lalaking nakakasayaw ko. ni hindi ko naman mga kilala ang mga ito tapos yong iba ang hahangin pa. nag pipick-up lines lang naman na akala nila mahuhulog ako sa mga pick-up nilang jj. Nakasayaw ko rin ang isa sa mga pekeng friend daw ni lara. inirapan ko lang ang lalaking toh dahil sa mga pick up niya na bulok naman. nakita ko sa likod si lara. nag mamake-face ito at ginagaya ang mukha ng lalaki. gusto kong matawa pero d ko gagawin dahil baka lumaki ang ulo ng lalaking ito na baka nagugustuhan ko ang pick up lines niya. gayong hindi naman. Nakita ko pa si lara na hinawakan ang dalawang tenga at nag-ala onggoy ito habang masamang naka-tingin sa lalaki. "do you want to go out with me?, hannah" Inirapan ko naman ito. kanina pa niya ako tinatanong na kung gusto ko daw na lumabas kaming dalawa at ang ini-rereply ko nalang ay. 'busy akong tao' Huminga ako ng malalim "busy talaga akong tao, wala akong oras na magsaya" paliwanag ko pero ang asungot tumawa lang. "talaga? kung talagang busy kang tao, why are you still fresh ang beautiful?" Tingnan niyo! tingnan niyo! nag se-sweet talk pa ang loko na akala niya naman ay kinikilig ako. bumitaw ako sa kanya. napabitaw rin siya sa akin. "kung sabihin ko sayong, ayokong lumabas na kasama ka dahil ayoko sayo? maniniwala ka ba?" Sinuklay niya ang kulay parrot niyang buhok. halo-halo kasi ang kulay doon. my yellow, red, orange ah basta, mukha siyang parrot na ibon. "oh come on, no one can resist me, even lara have a crush on me, lahat ng babae nahuhulog sa akin" Ang hangin! "hoy! pangit! hindi totoong may crush ako sayo ah!" malakas na sabi ni lara habang papalapt siyang nag-lalakad sa amin. dinuro niya ang lalaki ng makalapit siya. "kapal ng mukha mo, mas gwapo pa nga sayo ang jowa ko na si calsi—" tumigil siya. "calven, kaya wag kang mag feeling diyan, tadyakan kita eh" "may jowa kana,lara?" takang tanong ko. "guard!" Agad namang lumapit ang mga security. "ilabas niyo ang lalaking ito, masyadong mahangin! alikabok naman ang dala sa sobrang kahanginan!" Hinawakan ang lalaki ng mga securuty sa dalawang kamay at kinaladkad palabas. humihingi pa ng tawad iyon lalaki pero hindi na iyon namin pinansin. bumalik na kami sa mesa. "may boyfriend ka na talaga?" ulit kong sabi. "hihi" nag peace sign ito. "hindi ko sinabe sayo, kasi hindi naman importanteng ikwento ang gago na iyon" Tumango ako. "mabait ba iyon? hindi ka ba sinasaktan? sabihin mo lang uupakan ko iyon" mala bida kong sabi. tunawa naman siya. "hihi, ano kaba wag munang isipin iyon, kain na tayo" pag-aya niya. May mga tao pa sa loob ng venue. narito naman ako sa garden. malamig ang hangin dahil alas dose(12) na ng gabi. umupo ako sa may duyan. napahinga ako ng malalim dahil iniisip kong hindi siya pumunta. busy ata siya o baka naman ay wala lang siyang oras. at isa pa sino ba ako para puntahan niya no hindi naman niya ako kaano-ano. Ilang minuto pa akong tumambay sa garden ng napayakap ako sa sarili ko dahil humangin ng malakas. napabaling naman ako sa papel na nahulog sa makapal kong palda. binuksan ko iyon at binasa ko. 'meet me at the rooftop, tonight, i have a very big surprise for you, my love' —N Sino? rooftop? sino kaya toh? at tyaka bakit naman ako pupunta roon, baka sa iba ang sulat na ito at inilipad lang ng hangin sa akin. tinupi ko na ulit iyon at tyaka tumayo. Pagtalikod ko ay siyang bumungad sa akin ni wisp! "wisp!" "nasa rooftop siya señorita! puntahan mo siya! bilisan mo!" aniya at tyaka ay naglaho na parang bula sa harapan ko. Si niro? nasa rooftop? ibig sabihin sa kaniya ng sulat na ito. Dali-dali akong pumasok sa venue at nakita ko roon sina tito, tita at lara. nag-uusal dahil uuwi na ang mga bisita. nakita naman ako ni lara. "frieny!"lumapit siya sa akin. "san ka ba nagpunta? kanina kapa namin hinahanap" "nasa garden lang ako" "tapos na ang party, umalis na ang ilang mga bisita at tyaka hindi na tayo uuwi sa bahay muna dahil malalim na ang gabi kay dito nalang daw tayo matutulog" paliwanag niya kaya tumango naman ako. Ng ma-alala ko na nasa rooftop si niro ay sinabe kong magpapahinga na ako kaya sinabe ni lara sa akin ang room number ng kwarto ko. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang rooftop botton. nanlalamig ang mga kamay ko. feeling ko hihimatayin ako sa sobrang kaba. eh, si niro lang naman iyon. napatigil ako sa pag-iisip ng tumunog ang elevator, hudyat na nasa rooftop na ako. Lumabas na ako at tinahak ang mahabang hallway para marating ko ang dulo ng pinto kong saan nandoon nga siya. habang nag-lalakad ay natapilok pa ako. ang clumsy talaga. tinanggal ko ang sapatos sa paa ko at binitbit nalang iyon. Nasa harapan na ako ng pinto. dahan-dahan ko itong binuksan at bumungad sa akin ang napakalamig na simoy ng hangin pumikit pa ako dahil gusto ko madama iyon. pag-bukas ko ng mga mata ay sumalubong ang tingin ko sa nag-gagandahang bulaklak, may nakalambitin naman na iba't ibang ilaw sa gilid. may mesa sa gitna at dalawang upuan, may candle din ito sa gitna. Yumuko ako, nakitang kong pekeng d**o ang tinatapakan ko. ang sarap sa pakiramdam. nag effort talaga siya sa ganito. May mga alitaptap pa na nagliliparan. mas nagiging romantiko ang boong paligid. Ngunit wala si niro sa rooftop, napakonot ang noo ko. nasaan kaya siya? sina wisp? nasaan sila? Aatras na sana ako ng maramdaman kong may malamig na bagay na lumapat sa leeg ko. hinawakan ko iyon at isang kwintas ang inilagay ng ekstrangherong ito. alam kong siya iyon, si niro iyon. Ng matapos niyang maisoot ang kwintas ay lumingon ako sa kanya, ang gwapo niya sa soot niya. mas lalong tumitingkad ang kaputian niya dahil sa soot niyang lahat ay itim. Ngumiti ako. "Narito ka" Ngumiti rin siya pabalik at tumango. "hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito, mahal ko" bolong niya. ✔︎ZN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD