Chapter 10
Nagising ako na mabigat ang ulo ko at parang pinatungan ng sampong bato ang ulo ko. binuksan ko ang mga mata ko at pinasadahan ng tingin ang boong silid. nasa silid nanaman ako ni niro. babangon na sana ako ng sumakit ang ulo ko. napahawak ako roon. grabe, ano ba ang nangyari sa akin kagabi. tiningnan ko ang soot ko at naka gown parin ako. bababa na sana ako ng kama ng nay pumasok na dalawang katulong. may dala itong pagkain at damit.
"señorita, gising na po pala kayo" inilagay ng isang katulong ang tray ng pagkain sa kama. at yong isa naman ay inilagay niya ang mga damit sa bedside table.
"señorita, kapag tapos na po kayong kumain. sootin niyo po ang damit na ito at pagkatapos ay nasa baba po ang master at gusto kayong maka-usap, at tiyaka po may gamot na po sa gilid nong pagkain niyo, kailangan niyo iyong inumin para mawala ng sakit ng ulo ninyo" tumango naman ako at umalis na sila.
Muli akong humiga sa kama. na-alala ko na ang nangyari kagabi. nalasing lang naman ako tapos may isang pangit na nan harass sa akin. pinikit ko ulit ang mata ko. ang sakit talaga ng ulo ko.
Matapos kumain ay ininom ko na ang gamot para mawala itong hang-over ko. at pagkatapos ay nagtungo na ako sa banyo upang linisin ang sarili. sinoot ko na ang dress na ibinigay sa akin nong katulong. color orange dress iyon na abot hanggang tohod sa akin.
Pagkalabas ko palang sa pinto ay bumungad sa akin si selvania. ang sexy niya sa soot niya. black dress na hapit na hapit sa katawan at abot hanggang tohod naka soot naman siya ng red high heels.
"g-good morning" pilit na ngiti kong sabi. nahihiya pa kasi akong pakisamahan siya. mukha kasi siyang masungit na billionare tita.
"you ruined the party" mahina niyang sabi pero may diin ang mga iyon. Hindi ko maitatanggi na kasalanan ko naman talaga iyon eh. pero iyong lalaking m******s ang nagsimula. akala mo kagwapuhan eh hindi naman. "iyan ba ang natototonan mo sa mga taong nagpalaki sayo? scandalosa"
Nainis naman ako sa sinabe niya. khit hindi ako ang paboritong anak nila mom at dad ay hindi naman nila ako pinlaking walang respeto sa kapwa no.
"hindi ko alam kong anong ipinopotok ng butse mo, selvania. pero, inaamin ko na may kasalanan ko ang nangyari, pero kung alam mo lang ang boong kwento, alam kong malalaaman mo na biktima lang ako"
Tumawa siya na parang nan-aasar at pumalkpak.
"hannah ferrira, dont you ever, ever, insult me. na para bang, ako pa ang mali, hindi mo alam kong ano ang kaya kong gawin, sayo. so, back off! with niro, dahil hindi ka niya kailangan sa buhay niya"
Nakipagtitigan naman ako sa kanya. mata sa mata, ano ba ang ikinagagalit sa akin ni selvania. wala naman naman akong gingawang masama sa kanya.
"hindi ko gagawin ang sinasabe mo, tanging si niro lang ang makakapag-paalis sa akin" matigas ko ring sabi.
Akmang susugurin na niya ko ng huminto siya may mga katulong kasi na dumaan at pinapasabi na hinihintay na ako ni niro sa ibaba. Nakita ko namang umalis na si selvania sa harapan ko habang nagdadabog.
Bumaba na ako at nakita sa sala si niro. nagbabasa siya ng libro habang may eyeglasses ang mga mata niya. nakita ko naman sa garden sina selvania at calsifer.
Lumapit ako kay niro at umupo sa tapat niya sa sofa.
"good morning" masaya kong sabi.
"it's afternoon" sabi niya habang nagbabasa parin.
Tunawa naman ako. "hehe, sabi ko nga" ang seryoso niya habang nagbabasa. "anong binabasa mo?" sisilip na sana ako pero isinarado na niya ang libro at inilapag ito sa mesa. kinuha naman niya ang salamin sa mata niya at inilapag din ito sa mesa.
"kailan ka pa na totong uminom? ha?" sermon niya sa akin na parang tatay ko siya.
komonot ang noo ko"uminom?, hindi kaya ako umiinom"
"You smell drunk last night"
"yellow juice lang kaya ang ininom ko kagabi"
"yellow juice?" konot noong sabi niya.
"iyong inilahad sa akin kagabi nong waiter. ang sabi niya juice daw iyon kaya tinikman ko. ang sarap kaya"
Huminga siya ng malalim. "it's not juice, It's an alcoholic drink na amoy at lasang juice lang pero wine iyon" paliwanag niya.
Ganon ba yon, naku! pagmakita ko ulit ang mukha ng waiter na iyo. sasaksakin ko siya!
"eh hindi ko naman alam" yumoko ako.
"ngayon alam muna, kaya sa susunod wag kang maniniwala sa mga sabi-sabi ng mga tao sayo, maliwanag ba?"
Hindi ako nag-salita. bakit ba big deal sa kanya ang ganon. eh, tapos na iyon eh. bakit senesermonan pa niya ako na para bang ang laking kasalanang ginawa ko.
"hannah?" tumango naman ako.
Alas tres(3) na ng hapon. umalis si niro kasama sina selvania at calsifer. mag-isa lang ako sa boong mansyon. gusto ko na ngang umuwi eh. pero hindi ako pinayagan ng mokong na iyon.
Kaya nasa garden ako ngayon at palakad-lakad habang nakatingin sa mga nag-gagandahang mga bulaklak. may kulay asul, dilaw, puti, maron at iba pa. kahit mag-isa lang ako ngayon ay hindi ako na boboring dahil ang laki-laki kaya ng mansyon na ito. sino ang maboboring.
May nakita akong malaking puno. may mga bunga iyon ng mangga.hmm, natatakam tuloy ako. patakbo akong lumapit doon. hindi naman kataasan ang puno kaya. kayang-kaya kong akyatin iyon.
Tinanggal ko muna ang flat shoes sa paa ko. pagkatapos ay nagsimula na akong umakyat. kayang-kaya ko kayang umakyat sa ganitong kataasang puno. girls cout kaya ako dati.
Tumingin ako sa ibaba. malayo-layo na pala ang inakyat ko. isang tapak ko pa sa kahoy ng may marinig akong kaunting hilik. sino iyon? pinakiramdaman ko kong saan nanggagaling ang boses na iyon at nanggagaling iyon sa isang butas ng puno.
Dahan-dahan akong sumilip at nanmilog ang mga mata ko sa nakita. isang maliit na tao ang natutulong sa isang maliit na kama. may kulay ginto itong pak-pak at para siyang isang fairy. lalaking fairy! dahil sa pagkagulat ay napasigaw ako. nabulabog ko ata ang tulog nong maliit dahil naalimpungatan ito at tumingin sa akin. sumigaw rin ito pabalik sa akin at sumigaw rin ako pabalik sa kaniya.
Mas lalo akong napasigaw ng mabali ang sanga ng puno na tinatapakan ko kaya ilang segundo pa ay nahulog ako sa puno. akala ko sa lupa ang bagsak ko pero para akong lumulutang. doon ko binuksan ang mga mata ko at tumingin sa inuupuan ko. naka-lutang ako at tanging hangin ang nagpapalutang sa akin na may kasama pa itong maliliit na gold flower.
Dahan-dahan akong inilapag nito sa d**o at sa isang kisap mata ay bigla nalang itong nawala. tumayo naman ako at nakita ko iyong maliit na fairy na lumilipad papunta sa akin. ng makalapit siya ay humandusay ito sa d**o kaya iyon din ang ginawa ko.
"fairy ka!!" masaya kong sabi. grabe hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. sa boong buhay ko ay hindi pa ako nakakakita sa ganito at akala ko sa mga libro at movies lang may ganito. pero totoo pala.
Mas lalo kong inilapit ang mukha ko sa kanya para makita ko siya ng malapitan. kulay silver ang boong katawan niya at ang pakpak naman niya ay kukay gold. ang toktok naman ng ulo niya ay may naka desinyo na parang guhit at kulay orange iyon.
Humawak ako sa bibig ko gamit ang dalawa kong palad. "OMG!! fairy!! ang ganda ganda mo!!" gigil at excited kong sabi.
Tunawa naman ito. "hindi ako isang fairy, kundi ay isang wisp" sabi niya.
"N-nagsasalita ka?!" hindi ko makapaniwalang sabi.
"oo, señorita" nag bow ito sa akin. "ikinagagalak kitang makilala" nakangiting niyang sabi. inilahad niyang ang maliit na kamay sa akin kaya inilahad ko naman ang hintotorong daliri sa kanya upang makipag shake hands.
"Ikaw ba ang may gawa non?"
Tumango siya. "opo señorita, baka kasi mapagalitan ako ni master kapag may nangayaring masama sayo"
"kilala mo si niro?"
tumango ulit siya. "ako ang guardian niya"
Komonot ang noo ko. "guardian? guardian angel?"
tumawa siya. "hindi po señorita, kanang kamay o ang tinatawag na wisp"
Umupo ako sa damuhan. "ano iyong wisp, iyon ba yong parang fairy na lumilipad at parang si tinkerbell?"
"hindi po señorita, ang wisp at fairy ay magkaibang-magkaiba, ang wisp ay kaibigan ng isang maharlikang pamilya, kapag may isang mabubuhay muli na sanggol ay isa ang pipiliin sa amin ang magiging wisp nito."
"so, ibig sabihin, sanggol palang si niro ay kilala muna siya dahil ikaw mismo ang pinili ng maharlikang pamilya na maging wisp nito panghabang-buhay?"
Ngumiti siya ng malapad. "tama kayo, señorita"
Ngayon kolang nalaman na nanggaling pala sa maharlikang pamilya si niro. ni hindi ko maasahan na makakatagpo ako ng taong katulad niya.
"eh, bakit ako walang wisp?"
Tumawa siya. "wala po ako sa posisyon para sabihin sa inyo iyan señorita"
Inilagay ko ang palad sa d**o at pinasakay ko siya doon. inilapit ko ang mga palad sa mukha ko upang makita ko siya ng mabuti. "wisp, ang gandang pangalan, sana meron din akong katulad mo" nakangiti kong sabi.
"ano nga pala ang ginagawa niyo sa puno, señorita?"
Tumingin ulit ako sa puno. wala man lang akong nakuhang kahit isang mangga.
"gusto niyong kumuha non?" tumango ako.
"Whhoooo!!!! cge pa wisp, kunin mo pa! iyo pa oh sa gilid, hinog na ata iyon" masaya kong sigaw sa kanya.
Tawa kami ng tawa habang narito parin sa may puno. maraming mangga ang narito sa tabi ko. kumuha narin ako ng asin at bago-ong dahil masarap pag may ganon. si wisp naman ay kumukuha ng mangga. gamit ang kapangyarihan niya.
Lumulutang ang mga manggang papalapit sa deriksyon ko at lumapag sa tabi ko. panay ang kain ko ng mangga, hay! favorate ko talaga ito. at mas lalong sumasarap dahil may sawsawan.
"gusto niyo pa po ba, señorita?"
Humawak ako sa tiyan ko. busog na busog ako. kanina pa kasi ako kumakain at si wisp naman ay taga kuha ng mangga.
"kumain karin? nakakahiya naman sayo, ikaw ang taga kuha pero ako taga-kain lang."
Umupo siya sa d**o. "hindi ako kumakain, señorita"
"anong hindi, pano ka nabubuhay kong hindi ka mismo kakain"
"ang pagkain ko ay siya mismong pahinga ko. hindi kami kumakaing mga wisp. kapag nagugutom kami ay natutulog lamang kami at iyon na ang pagkain namin, at mamamatay lamang kami kapag itinakwil kami ng aming amo"
Lumungkot naman ang mukha. "grabe naman pala ang buhay niyo"
"pero alam kong hindi mangyayari iyon, dahil hindi naman ako itatakwil na master, ang bait kaya niya"
"tama ka,mabait siya, hmm, minsan, pero pag-tinotopak, nagiging lion haha" natawa naman kami dahil sa sinabe ko.
Habang nagtatawanan ay nakarinig kami ng humahagos na kasambahay papunta sa deriksyon namin. "señorita, señorita"
"oh bakit numumutla ka?" sabi ko at tumayo. lumipad naman si wisp papunta sa balikat ko.
"ang master, nagwawala at hinahanap kayo!" Kaya dali-dali naman akong naglakad papasok sa loob ng mansyon.
Hindi pa ako nakakapasok sa mansyon ay rinig na rinig ko na si niro na sinisigawan ang mga katulong.
"bakit wala siya sa kwarto niya?! ha?!" galit na sigaw niya. "ilang bese ko na bang sasabihin sa inyo! na bantayan ninyo ang señorita niyo!"
"niro! tigilan mo na ngayn" inis kong sabi. naka-tayo ang lahat ng katulong pati ang mga gwardya at nasa gitna naman ng sala siya. "hindi ako umalis no, at tiyaka bat naman ako aalis, eh hindi ko naman alam ang daan paalis"
Tumingin siya sa akin ang kaninang galit niyang mukha ay napalitan ng malambot na ekspresyon at isang ekspresyon na pag-aalala? lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay at kinaladkad papunta sa kwarto niya.
"magsibalik na kayo trabaho" ani niro. kaya nagsibalikan naman ang mga katulong at gwardya sa tinatrabaho.
"o-oy, hindi diyan ang kwarto ko, hoy"
Nagpupumiglas ako sa hawak niya pero ang loko ay mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"niro, bitaw nga sabi!" inis kong sabi
Lumingon siya sa akin at sininandal ako sa pader. itinaas niya ang dalawa kong kamay at hinawakan ang dalawa kong palapulsohan at lumapit ang bibig niya sa tenga.
"kong ako ang masusunod, itatali na kita dito sa tabi ko, walang sino man ang pwedeng ilayo ka saakin, dahil papatayin ko sila o siya, ayaw ko ng maulit pa ang nangyari ng nakaraan na pinakawalan kita at napahamak ka, ayokong maulit muli iyon, mahal ko"
Isang araw na ang nakakaraan ng maka-uwi ako dito sa condo. pinilit ko kasi silang iuuwi ako. lalo na siya. mabuti nalang at pumayag si niro. dahil kong ako ang tatanungin mas gusto ko dito sa condo. hindi naman sa ayaw ko sa mansyon niya. nakakahiya na kasi, bisita lang ako pero kong tratuhin nila ay parang ibang tao.
Naka-upo lang ako sa sofa habang nakayakap sa unan ko. iniisip ko kasi ang sinabe niya sa akin noong nakaraang araw. hindi ko alam kong bakit may kirot sa puso ko ang sinabe niya. para kasing ang bigat-bigat ng loob niya at may na mimiss siya.
Bukas na ang birthday ko at sabi ni lara ay hindi na daw sa bahay nila gahanapin ang kaarawan ko. kung hindi ay nagbayad sila ng lugar para doon ganapin ang kaarawan ko bukas. hay, hindi naman ako excited sa mga ganon eh. at gusto kong imbitahan si niro pero parang busy siyang tao.
Tumunog ang doorbell. binuksan ko iyon at bumunhad sa akin si lara. kumaway-kaway pa ito sa akin habang may dalang maraming shopping bag.
"Ito, at tyaka ito sootin mo, bukas, naku! bagay na bagay sayo talaga" excited niyang sabi.
Nasa kwarto sala kaming dalawa habang ang mga shopping bags ay nakakakalat sa sahig. pano ba naman kasi, bumili lang naman ng sandamakmak na gown ang babaeng ito at buks daw ay kailangan sootin ko.
"ang dami naman nito, pwede namang isa nalang ang sootin ko"
"ano ka ba frieny, this white dress eh sa entrance mismo pipicturan ka diyan, at itong yellow dress ay kung magsisimula na ang party, this violet dress naman ay sa dance theme, naku! sigurado akong maiinlove ang lahat ng mg boys na titingin sayo"
Huminga namana ko ng malalim. "lara, nakakahiya na sayo, hindi muna naman ako kamag-anak para i-spoiled mo ako ng ganito at tyaka ayos lang naman sa akin ang simpleng kaarawan eh"
Yumuko ito. "hindi mo gusto ang ginagawa ko sayo?" mahina niyang sabi.
"hindi naman sa ganon, ayaw ko lang na mauubos ang pera mo sa kaka-spoiled sa akin at tyaka hindi naman panghabang buhay na magkaibigan tayo eh, darating rin iyong araw na magkakanya-kanya tayo, at baka hindi ko masulian ang lahat ng naitulong mo pati ang mga magulang mo" Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at pinidot iyon. ang taba kasi eh. "pero maswerte ako dahil nakilala ko ang isang taong, mabait na kulang nalang ay purihin dahil sa sorbrang kabaitan niya" Tunawa naman kaming dalawa. pinunasan niya ang tumulong luha.
"naku! nagpapa-iyak ka naman frieny eh, alam mo namang kapatid na ang turing ko sa iyo, kaya hayaan muna ako" makulit niyang sabi kaya tunawa naman ako.
Halos tatlong oras ang itinagal namin sa pag fi-fit sa akin ng mga dress. iyon daw dapat ang sosootin ko bukas. naku! ang dami talagang arte ng mga mayayaman oh. pagmay special na okasyon.
Matapos, ay hindi na umuwi si lara sa condo ko na siya natulog dahil gabi na.
"salamat sa masarap na pagkain na linuto ni ate hannah!" sigaw ni lara at bagsak sa kama. kapag-kuan ay nakatilog kaagad dahil sa kabusugan.
Hindi ako makatulog ng mabuti dahil magkatabi kami ni lara sa kama ko.pano ba naman kasi ang likot niyang matulog. sinabe ko sa kanya na doon nalang siya sa kabilang kwarto pero ayaw niya at sinabe pang baka raw may multo doon.
Umalis ako sa kama. dala-dala ang isang unan at komot. sa sofa nalang ako matutulog. Umupo na ako sa sala pero naramdaman kong lumamig ang tempiratura ng boong condo ko. bumaling ako sa vernada at bukas iyon. nagsisiliparan ang manipis na puting kurtina.
Naglakad ako papunta sa veranda. isasarado kona sana ng may narinig akong maliit na boses na nanggagaling sa kurtina. nakita ko lang naman doon si wisp habang nakalambitin.
"wisp!" kinuha ko siya at inilagay sa palad ko pagkatapos ay isinarado ko na ang veranda.
Naka-upo na ako sa sofa at inupo ko naman siya sa mesa. "ano ang ginagawa mo dito? at bakit mo nalaman ang bahay ko?"
"patawad señorita, pero nais ko lang na sundan ka dahil baka ma-miss nanaman kita, baka hindi ka nanaman umuwi sa mansyon" maktol niyang sabi.
Tumawa naman ako. "ano kaba, pwede naman akong bumisita doon, pero hindi pa ngayon, at bakit ka nga pala nakalambitin sa kurtina, diba nakakalipad ka?"
"nabasa kasi ang pakpak ko dahil sa laway ni brono" mukha siyang nag-susumbong.
"sinong bruno?"
"ang aso sa may kalye, nakita niya kasi ako at iyon hinabol niya ko pagkatapos ay tumutulo ang laway niya kaya napatakan ako ng isa" inis niyang sabi.
Tumawa ako. "wag kang mag-alala, matutuyo din yan, tayka..." umalis ako sa sofa at nagtungo sa gilid ng t.v. kumuha ako roon ng tissue.
Pagkabalik ko ay ibinigay ko ito sa kanya.
"para saan ito?"
"gamit yan namin para pamunas kaya gahamitin morin iyan para punasan ang laway ni brono sa pakpak mo"
Nagliwanag naman ang mga maga niya. kaya dali-dali niyang pinunasan ang maliit niyang pakpak.
Nasa veranda kami ngayon. mag-uumaga na. hindi kasi ako dinadalawan ng antok kaya wala akong choice kundi ang mag muni-muni sa veranda habang kasama si wisp.
"ang sabi mo, may kapangyarihan ka, ibig sabihin ganon din si niro dahil guardian ka niya?"
Mabilis siyang tumango habang preskong naka upo sa veranda ko. bakit hindi ni niro sinabe sa akin yon. well, wala ako sa posisyon para magalit. hind naman niya ako kaano-ano.
"hindi ko talaga masasagot ang lahat ng iyong katanungan, señorita"
Hindi nalang ulit ako nagtanong. alam ko naman na ni isa sa iyon ay hindi niya sasagutin. kaya nandito lang kami sa boong veranda boong mag-umaga at nakikinig sa storya ng bawat isa.
✔︎ZN