Chapter 9

2856 Words
Chapter 9 Nakatitig lang ako sa kulay itim na gown na nandito sa guest room may mga maliliit itong crystal na desinyo at ang eleganting tingnan. Mamayang gabi na magsisimula ang party at dito ako nagpalagay sa ibang kwarto kaysa doon sa kwarto ni niro. baka maulit nanaman na magtatabi kami sa kama. nag paliwanag naman siya sa akin kung bakit siya nakatulog sa kama niya habang naroon ako. Medyo na iilang pa ako sa mansyon na ito dahil hindi ko naman kaano-ano ang mga tao rito. lalo na yong babaeng kasa-kasama parati ni calsifer. palagi siyang nakatingin sa akin kung saan ako magpunta. sa kusina, sa garden. nahihiya na nga ako rito eh at gusto ko nang bumalik sa condo at sa dati kong buhay. Napabalik ako sa sarili ng may kumatok sa pinto ng kwarto. "sino iyan?" "prinsesa, ako po ito si emma, pinasasabi po ng master na sumabay na po kayo sa kanyang mag-agahan" magalang na sabi nito. sinabe ko namang pupunta na ako sa ibaba maya-maya. pasado alas nuwebe(9) na kasi at hindi pa ako lumalabas ng kwarto. naiilang kasi ako sa mga titig nong babaeng maganda. Nag-ayos muna ako ng sarili at lumabas na ng kwarto. pagkarating ko sa kusina ay narinig kong may nagtatawanan at kwentuhan. dahan-dahan naman akong sumilip at doon ko nakita ang matandang bababe at lalaki. grabe, ang gagara ng mga damit nila na para bang totoong hari at reyna. Napadako ang tingin ko kay niro na kanina pa pala nakatingin sa akin. tumango siya sa akin na ibig sabihin ay pumasok na ako. dahan-dahan naman akong pumasok at ang tawanan kanina ay bigla nalang nawala. kumunot ang noo ko, lahat kasi sila ay nakatingin sa akin. Isang patak ng luha ang lumabas sa mga mata ng babaeng matanda. tumayo ito sa pagkaka-upo at lumapit sa akin. pagkalapit niya ay hinawakan niya ako sa braso pataas sa akin mukha. ang titig niya ay para niya akong sinusuri. "siya na ba ito, niro?" tanong niya kay niro pero ang titig niya ay nasa akin parin. "yes, but don't scared her" "hannah" mahinang sabi nito. Kunot na kunot ang noo ko. ang weird ng mga ikinikilos nila. nakita ko namang parang naiiyak ang lalaking matanda habang nakatingin sa amin. alam kong mayroon silang itinatago sa akin at iyon ang dapat kong alamin. Matapos ang agahan ay umalis na ang dalawang matanda. doon ko lang nalaman na mga magulang pala iyon ni niro. sa pagka-alis nila ay hindi parin rumirehistro sa utak ko ang ibunulong sa akin ng babae. welcome.back Iyon ang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko. kilala ba nila ako dati pa. sino ba sila? sino ba si niro? may itinatago kaya sila sa akin? o baka naman nag iimagine lang ako. dahil sa kakapanood ng k-drama. "problem?" Tumingin ako sa taong umupo sa katabi kong sofa. may hawak siyang kopeta at red juice ang iniinom niya. ngumiwi ako, alam ko naman mapait nanaman iyon. "wala" simpleng sagot ko. "I know you, hannah, pag sinabe mong wala ibig sabihin, ay meron" anito at umiinom nanaman. Kaysa sagutin ang sinabe niya ay iniba ko ang usapan. "mga magulang mo pala iyon?" tumango siya. "nakakahiya naman, ni hindi nga nila alam kung sino ako, ta's narito pa ako sa bahay mo" nahihiya kong sabi. Totoo naman ah! at tiyaka hindi man lang nagalit sa akin ang parent's niya. Tumawa naman siya ng mahina. "cute" hindi ko narinig iyon dahil bumulong lamang siya at pagkatapos ay umiling-iling. tumikhim siya"don't worry, nakakasiguro akong, magugustuhan ka nila" simple niya sabi. Nag cross arm. "pano mo nasabi at tyaka hindi naman kita kaano-ano" "so nakalimutan muna ang sinabe mong kaibigan mo ako?" walang emosyon niyang sabi. ayan nanaman ang mga titig niyang walang emosyon. "ang sabi ko, family something, hindi kaibigan? at, oo, magkaibigan na tayo pero hindi parin kita kaano-ano" Tumayo siya at namulsa. "get ready, malapit ng gumabi, aayusan kapa" anito at naunang mag-lakad sa itaas. Ang bastos naman ng lalaking iyon, kinakausap pa eh Gabi na at nag-aayos na ako sa party mamaya. hindi pala ako mismo ang nag-aayos kundi may sampong katulong ang narito sa kwarto para ayusan ako. sinabe ko na kaya ko na ang sarili ko pero umayaw talaga sila. tumakbo pa ako papalabas pero nakita ko doon si niro na nakasandal sa pader habang naka cross arms. sinabe niyang hayaan nalang daw ang mga maid na pagsilbihan ako. kaya wala akong nagawa at bumalik sa loob. Ngayon ay isinuot ko na ang gown dito sa banyo nasa labas naman ang mga maids at hinihintay ako. masasabi kong hapit na hapit sa akin ang gown. mabigat ang mga tela niya. pano ba naman eh limang tela ang gown na ito. mabuti at hindi ako masyadong nabibigatan dahil hindi ko talaga to susuotin. "señorita, tapos na po ba kayo?" sabi ng katulong. Napa roll eyes naman ako. mukha ba akong naka-tulog dito sa banyo. at tingin ba nila, ganon lang kadaling sootin ang ganitong gown. "nandiyan na!" Pagkalabas na pagkalabas ko ay titig na titig sa akin ang sampong katulong na para bang nakakita sila ng multo. "bakit?" konot noo kong sabi. Umiling-iling naman sila. "bagay na bagay sa inyo ang damit, señorita" maligayang sabi nong isa. Inaayusan nila ako ng buhok habang naka-upo ako sa vanity mirror. ginawa nilang messy bun ang buhok ko at linagyan pa ng mga violet-black butterfly design sa gilid. matapos ay make up naman ang ginawa sa mukha ko. pag-bukas ko ng mga mata ay bumungad sa akin ang hindi ko kilalang babae sa salamin. ako ba talaga ito? pero bakit parang nag-bago ang hitsura ko. hinawakan ko ang pisngi ko. mukhang hindi ako sanay maglagay ng make-up sa mukha kaya gulat na gulat ako sa mukha ko ngayon. Matapos ang lahat ay inakay na nila ako sa baba. sabi nila ay nasa ibaba na raw si niro at hinihintay ako. naglakad kami sa mahabang hallway at huminto ako sa gitna ng hagdan. nakita ko naman sa ibaba si niro at hinihintay nga ako. ang soot niya ay formal attire na kulay black na hinaluan ng pula. sa gilid naman ng bulsa ng coat niya ay may nakalagay na maron roses. at masasabi kong gwapong-gwapo siya sa soot niya. Nanigas naman ako ng bumaling siya sa deriksyon ko. ano ba namang tingin niya. parang matutunaw ako. pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Dahan-dahan naman akong bumaba sa hagdan, naku, baka kanina pa niya ako hinihintay kaya mas binilisan ko ang pagbaba sa hagdan. malapit na sana ako sa ibaba ay ganon nalang ang pagkabigla ko ng mawalan ako ng balanse. Akala ko eh, sa semento ang bagsak ko pero sa isang tao pala na nagngangalang niro. "careful" aniya habang nakahawak sa bewang ko. "s-salamat" bolong ko. nakakahiya!! Inalalayan niya ako hanggang sa makalabas kami ng malaking pinto ng mansyon at doon ko nakita sa labas ang kulay itim na sasakayan at naka-sandal sa labas ng kotse si calsifer. nakita ko naman sa loob ng kotse yong babae dahil nakababa ang bintana ng sasakyan. "let's go" ani niro at lumapit sa pinto upang pagbuksan ako ng pinto. "nice curve" bolong sa tenga si calsifer na nasa gilid ko na pala. hapit kasi sa akin ang gown sa tiyan at bewang ko. Sapakin ko kaya siya! ang manyak niya! Pumasok na ako sa loob at nagkatinginan kami nong babae. masasabi kong ang ganda niya sa soot niyang kulay maron na dress na hanggang tohod lang niya. Pumasok naman sa loob si calsifer na busangot ang mukha at hawak-hawak ang kanan niyang pisngi. tayka! ano ang nagyari?! umupo ito sa upuang katabi nong babae. sumunod namang pumasok si niro na umupo katabi sa akin. Ang upuan nitong kotse ay magkaharap ang mahabang upuan. magkaharap kami nong babae tas magkaharap naman sina calsifer at niro. Tahimik ang biyahe. mukhang may namomoong tinsyon kay calsifer at niro na hindi ko naman alam kong ano. eh, kaninang umaga, maayos pa tong dalawa ah. pero bakit ngayon prang magpapatayan sila sa mga titig. iyong babae naman ay seryosong naka-totok sa kulay gold niyang cellphone. Tumikhim ako. bumaling silang tatlo sa akin. "ahm.." ano nga bang sasabihin ko? "k-kasi..." Naging malambot ang mukha ni niro. "what is it?" "ahm, nagugutom na kasi ako!" deritso kong sabi. totoo naman eh, hindi pa ako kumain kaninang hapon tas ngayong gabi. kaya lang naman ako nagsalita dahil parang may mangyayaring hindi maganda dahil sa tinginan nilang dalawa. Narinig kong tumawa ng mahina si calsifer. komonot naman ang noo ni niro. "hindi ka pa kumakain?" Umiling ako. bumaling siya sa dalawa na madilim ang mukha. "hindi niyo siya pinakain?" diing sabi niya. "it's not our fault, why she didn't eat. kung ayaw niya, hayaan mo hanggang sa magutom at mamatay" may diing sabi nong babae kay niro pero ang mga mata ay nakatingin sa akin. Mali ba ako? kaya ko lang naman sinabe yon dahil baka mag-away sa tinginan sina niro at calsifer. napa-lala ko pa ata. kaya yumuko nalang ako kaysa salubungin ang tingin nong babae. "words, selvania" ani calsifer habang nakatingin ng seryoso don sa babae. selvania pala ang pangalan niya. kakaiba, kadalasan lang ata ako nakakarinig ng ganoong pangalan. "Narito na ho tayo, master" ani ng driver at huminto na ang kotse. Namumuo parin ang tinsyon sa loob ng sasakyan. nararamdaman kong nakatingin parin sa akin si selvania at matigas na naktitig si niro sa kanya. tayka, hindi pa ba sila lalabas? bumukas-sara ang pinto ng kotse sa pwesto ni calsifer. nauna na pala siyang lumabas. Naramdaman kong huminga ng malalim si niro at ipinag-siklop ang mga kamay naming dalawa. nguniti siya sa akin na ipinapahiwatig na ayos lang siya. "come on" anito at inalalayan na akong lumabas. hindi naman nawala sa paningin ko ang pag sama ng aura ni selvania habang nakatingin sa magka hawak kamay naming si niro. Nauna na kaming lumabas at naiwan naman si selvania sa loob. bumungad kaagad sa amin ang maraming camera. sobrang sakit sa mata dahil sa mga flash. itinakip ko ang isang kamay sa mata ko dahil sa flash ng camera. hindi naman ako artista para picturan ako nila noh. "turn off your flash!" sigaw ni niro. nagsitigil naman sa pag picture ang mga tao at yong iba ay in-off ang flash ng cam nila. "hold my arm" aniya. Ginawa ko naman ang sinabe niya. linusot ko ang braso sa braso niya na nakalahad sa akin. pagkatapos, inakay na niya ko papasok sa malaking grand hall ng party'ng gaganapin. lumingon pa ako sa labas at naroon nasi selvania. nag poposing ito sa gitna ng red carpet. Naglakad pa kami sa mahaba at malaking hallway. hawak hawak ko ang mahabang palda. ang bigat naman kasi nito. nakita kong tumigil kami sa malaking pinto na kulay puti. may dalawang gwardya ang naroon. pinagbuksan nila kami ng pinto. Bumungad sa amin ang napakalaki at napakalawak na grand hall. maraming ng nga bisita ang naroon at masasabi kong parang princess theme ang ginawa nila dahil lahat ng mga style ng damit ng mga taong narito ay parang princess at prince. Nagsimula na ang party. habang nakikipag-usap si niro sa mga kakilala niya ay nandito lang ako sa table namin at nagmumuni-muni. wala man lang akong maka-usap. ayaw nga akong iwan ni niro dito pero pinilit ko siyang kumustahin ang mga kaibigan niya kaya wala siyang nagawa at nagpunta nga roon. nakita ko calsifer na kausap ang limang babae na nakapalibot sa kaniya. may isa pa akong nakitang hinahawakan niya ang pang-upo nito pero ang babae eh hindi man lang pumapalag.hmp, sarap na sarap pa nga eh... ang womanizer talaga! Nakita ko naman si selvania at may kausap itong babae na may kasamang matandang lalake. Ang elegante ang lahat ng narito. sumisigaw talaga sa kanilang lahat ang pagiging mayaman na kahit boong kaluluwa ko ay kaya nilang bilhin. "drink ma'am?" tumingin ako sa nagsalita at isa iyong waiter na may dalawang mga drinks sa kamay niya. "ehh, juice nalang?" hindi ako umiinom noh! kahit pilitin pa niyo ko. ay 'hindi' ang isasagot ko. "don't worry ma'am, juice ang lahat ng nandito" kinuha niya ang isang yellow juice na nakalagay sa kopeta at may lemon pa itong nakapaton sa ibabaw ng kopeta. Kinuha ko naman iyon at nagpasalamat sa kanya. bumiso naman ang waiter at umalos na. tinikman ko naman ang juice at masasabi kong masarap nga iyon. walang halong alchohol. Dahil sa nasasarapan nga ako sa juice na ibinigay ng waiter ay ininom ko na iyon lahat. hinintay kong dumating ang waiter at kumuha nanaman ng isa. well, wala namang bayad ito at nandito tayo sa party kaya ayos lang na mag-saya. Papikit-pikit na ang mga mata ko ng may nakita akong lalaking umupo sa tabi ko. "can I join you? miss?" isang maangas na boses ang narinig ko. hmp! hindi pala si niro iyon, tayka! nasan na ba iyon?!. "h-hindi! a-alis! may intay ako!" inis kong sabi. at tayka bakit ganon ang boses ko. bakit parang naka-inom ako ng sampong alcohol. pero hindi naman alchohol ang ininom ko ah! Napatawa ang lalaki. "may kasama ka? pero bakit nag-iisa kalang?" Nakakakilabot ang boses niya para bang may gagawin siya sa aking masama. Binuksan ko ng maigi ang nga mata ko at doon ko nakita ang isang ekstrangherong lalaki. masasabi kong ang pangit niya! mas gwapo pa si niro ko! niro ko! Dinuro ko siya. "w-wala kang karaphatan na umupo d-dito? at isha pa ang pangit mo!!" lasing kong sigaw. Tumayo ako at maglalakad na sana ng hatakin ako ng lalaki sa braso kay nagpumiglas ako. "anong sabi mo ha! pangit ako! kong matikman mo kaya kung sino ang sinasabihan mo! sigurado akong mananahimik ka" diin niyang sabi. Pilit ko siyang itinutulak pero ang higpit ng hawak niya sa akin. "niro! niro! may pangit na nambabastos shakin! niro! niro!!" sigaw ko. Hindi ko alam kong bakit nawala ang ingay sa boong grand hall. wala na kasi ako sa katinuan at pilit na akong hinihila ng antok. Kaya naramdaman ko nalang na may humila sa akin at binuhat ako. nakarinig naman ako ng sigawan sa boong grand hall at tuluyan na nga akong hinila ng antok. Narrator POV Hindi niya gustong iwan si hannah ng mag-isa sa boong gabi. tumingin siya sa gawi ni hannah at naka-upo lang ito doon habang naka nguso ang mga labi. gustong niyang matawa pero hindi niya magagawa dahil nasa gitna sila ng pag-uusap ng mga tao sa mga business kono nila. pero wala siyang pake-alam doon. 'cute' Aniya sa sarili habang nakatingin kay hannah. "mr, acoste? mr.—" napabalik siya sa iniisip ng may umagaw sa atensyon niya. "yes?" walang emosyon niyang sabi. "Mr. Blue wants to acompany you on the other room, doon daw kasi naka display ang kwintas na gusto niyong bilhin" Tumango naman siya at tumayo. Tumingin ulit siya kay hannah. bago, umalis sa boong grand hall. habang nag-lalakad sa mahaba at malaking hallway ay panay naman ang salita ni Mr.blue pero siya ay nakikipag-usap kay calsifer gamit ang kaniyang isip. "just do what I say, you moron!" "kalma, mr.acoste, chill na chill na naka-upo ang mahal mo sa pwesto" "subukan mo lang, isang mali-isang sapak kasa akin" "aiishh eto na nga oh, babantayan ko na nga siya" "good" Iyon na ang huling sinabe niya bago alisan ang mahikang nakikipag-usap sa isip. "we're here, sir" Pumasok na sila sa malaking pinto at doon niya nakita ang kwintas na gustong-gusto niyang bilhin at ibibigay sa pinaka special na babae sa buhay niya. "50 million, last price and close this deal, I want you to give this to me, pagkatapos ng dalawang araw, kung hindi, sa hukay ang bagsak mo" mariin niyang sabi kay mr.blue. Tumayo na siya sa pagkaka-upo sa sofa at hiling tumingin don sa kwintas. Inuubos ng matandang iyon ang pasensya. marami pang aliby na akala nito ay hindi niya afford ang ganoong presyo. kahit billion pa iyon ay kayang-kaya niyang bilhin. billion for him, Is equivalent to piso. Pagkapasok na pagkapaso niya sa grand hall ay rinig na rinig niya ang sigaw ni hannah na para bang humihingi ito ng tulong. kaya, patakbo siyang lumapit sa mesa nila at doon nagdilim ang awra niya ng makita ang isang ekstranghero na hinahawakan ito sa braso ng nadiin. Kaya ay hinablot niya si hannah sa isang kamay nito. tinignan naman niya ang mukha nitong namumula at amoy, alak? tayka! kailan pa to natotong uminom? susugurin na sana niya iyon lalaki pero inuhan na siya ni calsifer. Sinapak lang naman ni calsifer iyong lalaki, sapol sa panga nito at humandusay sa sahig. narinig naman nilang may nag sigawan. inayos ni calsifer ang coat na soot at sinuklay ang pulang buhok. nakapa meywang itong tukingin sa lalaki. "ano! isa pa?!" paghahamon niya sa lalaki. May pominggot naman sa tagiliran niya kaya napa-aray siya. tiningnan niya kung sino iyon at doon lumambot ang mukha niya. "babe!" masayang sabi niya. tinarayan siya nito. "halika ka na" Binuhat ni niro si hannah na ngayon ay nawalan ng malay dahil sa kalasingan. sumakay na sila sa kotse at bumiyahe ng walang nag-sasalita. ✔︎ZN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD