Chapter 8

3058 Words
Chapter 8 Patakbo akong pumunta sa skwelahan dahil ilang minuto nalang ay ma-lalate na ako. baka hindi na ako papasukin ni manong guard sa school namin. pano ba naman kasi. pinuyat ako ni lara sa kakatanong kagabi kung ano daw ang magandang gawin sa birthday ko. ang sabi ko sa kaniya wag na niyang alalahanin yon dahil ako naman ang mag bibirthday pero mapilit talaga siya. halos madulas ako ng makitang isasarado na ang gate ng school ni manong gaurd. "kuya! tayka!" sigaw ko habang tumatakbo. Ng makalapit ako ay doon lang sumara ang gate. "manong gaurd! please, may isang minuto panaman para makapasok sa school ehh" Umiling ito gamit ang seryosong mukha na hindi naman bagay sa kaniya. hmp, panot kaya siya. "pasado alas otso na, kaya hindi na pwede" "manong gaurd! grabe naman kayo! papasukin niyo na po ako, sa susunod po hindi ko na uulitin" "hindi talaga pwede, iha. ako ang mapapagalitan ng paaralan kong lumabag ako sa ipinag-uutos nila" marahang sabi nito at umalis sa tapat ng gate. Napa-bagsak naman ang balikat ko. sabagay, kasalanan ko kung mawalan ng trabaho si manong gaurd. may pamilya pa naman siyang pinapakain. Nag-angat ako ng tingin at nagtagpo ang mga mata namin ni queenny kasama ang mga aso niya. dumila ito sa akin na parang kinukutya ako at tumawa. "frienny!!!" rinig kong sabi ni lara papalapit sa akin. nasa loob na siya ng school habang patakbong lumapit sa kinaroroonan ko. "oh my god! my bb hannah! Im sorry kong nalate ka" OA nitong sabi. "kuya gaurd! papasukin niyo siya!" anito at bumaling pasa gaurd na nasa loob ng guardhouse. "hindi niyo ba alam na siya ang nag-iisang anak ng pangalawang may ari ng school na ito!" pagpapatuloy ni lara. Umiling naman ang gaurd. "wala ako sa posisyon para papasukin siya, baka, ako ang mawalan ng trabaho" Tumaray naman si lara. "ehh, hindi kanaman isusumbong" "hannah, tama na, hayaan muna" mahina kong sabi. Napabuga naman ito. "sorry talaga" "kawawa naman" Tumingin kami sa nag-salita at nakita namin sina queenny at ang mga aso niya na nakalapit nasa likod ni lara. "ang isang hannah ferrira ay hindi pinapapasok ng school na ito dahil nalate, daw?" tumawa ito na parang nan-aasar. "o baka naman sinadyang nagpa late dahil may ginawang hindi ikakasaya ng parents niya?" "kaya nga..." sabi ng isa niyang sunod-sunorang aso. "poor hannah, hindi na nga kinukumusta ng pamilya, nag-iisa nalang sa mundong ibabaw" may diin na sabi nito sakin. Napa higpit ang kapit ko sa bag. nasasaktan ako dahil hindi sa mga pang bubully niya sa akin. nasasaktan ako dahil sa sinabe niya tungkol sa parents ko na totoo naman. nag-iisa nalang ako sa mundong ito, walang nakaka-alala at walang kahit isang tao ang na mimiss man lang ako. "b***h! umalis nga kayo dito! sino ba kayo ha?" ani lara habang naka cross arms at nakikipag titigan kay queenny. "mga bully kay hannah! pero sa recetition, ano? nganga?" Umusok naman ang ilong at twnga ni queenny at mabilis na sinugod si lara ng sabunutan. napahawak naman ako sa reles ng gate. "ano ba tama na yan! lara!!" lumabas naman ang gaurd sa lungga niya at inaawat ang dalawa. "tama na yan!" sigaw ko. nakita ko naman ang mga aso ni queenny. at mga gaga, wala na ngang ginagawa. chini-cheer pa ang dalawa sa pag-aaway. wala din akong magawa dahil masa labas ako at sila ay nasa loob. "tigilan niyo na yan!" sigaw ko ulit. Nahtitinginan na ang mga studyante sa pwesto namin dahil sa gulong nangyayari. "Ms. Queenny Gomez and Ms. Lara Samson! go to the principals office! now!" Natigil ang lahat dahil sa sigaw. Nasa harapan na kasi namin si Mrs.Lora ang masungit at kinatatakutang teacher sa boong school. siya lang naman kasi ang nag dedecide kong anong parusa ang ipapataw niya sayo. once na makita ka niyang hindi tama sa loob ng school. Buhaghag ang mga buhok ni queenny at lara. ang make-up namna ni queenny at mascara ay nasira dahil sa matinding awayan. "Narinig niyo ba ako? go.to.principals.office.now!" may diin ang bawat saad nito. Tinarayan naman ni queenny si lara at ako bago siya umalis sa harapan naming lahat kasama ang mga aso niya. "Ms.samson?" togon ni ma'am kay lara. Tumango naman si lara at pinulot ang bag sa sahig. inayos niya ang nagusot na buhok at damit at tumingin sa akin ng malungkot. ngumiti siya at bumolong. "sorry" iyon ang narinig ko bago siya umalis at naglakad sa loob ng school. Tumingin naman ako kay ma'am at inis itong tumingin sa akin. "and you!? go home!" galit na sabi nito. dahan-dahan naman akong tumango at umalis sa harapan ng gate. Napa-upo ako sa waiting area. may mga tao ring naghihintay ng bus. pagod akong napabuntong hininga. sana hindi masyadong pinagalitan si lara. alam ko kasing paparusahan sila ehh. Humawak ako sa buhok ko, ang badtrip ko naman ngayong araw. ito mismo ang araw na first time akong hindi naka-pasok. hay... Ilang oras din akong nanatili sa waiting area at maglalakad na ulit ako para umuwi ng may isang mamahaling kotse ang huminto sa harapan ko. napakonot ang noo. alam ko kung anong kotse ang ginagamit ni niro kaya alam kong hindi siya iyon. at ano naman ngayon kong siya iyon. hindi ko naman siya kaano-ano. Deritso lang akong naglakad ng may nagsalit sa likod ko. "hannah ferrira, right?" lumingon ako at doon ko nakita ang lalaking pula ang buhok. tayka, siya iyong lalaking nakita ko sa mansyon ni niro at may kasama pa siyang babaeng maganda. "ako nga? bakit?" nagtatakong sabi. Nasa loob na ako ng magara niyang kotse. grabe, kahit sa loob ay sumisigaw parin kong gaano ka elegante ang sasakyan niya. kulay pula at itim sa loob mayroon din siyang driver. tapos ang bango at ang lamig sa loob. Nakita kong nagsalin siya ng pulang wine sa kopetang hawak niya. "ahh, nasaan nga pala si niro?" Linag-ok niya ang kopetang hawak niya bago tumingin sa akin at ngumiti. lumabas ang isa niyang dimple sa kanang pisngi niya. "malalaman morin kapag pumunta na tayo roon" "saan ba yong roon?" hindi na niya ko sinagot at may ibinigay nalang siya sa aking snack dahil daw baka gutumin ako kasi mahaba-haba pa ang biyahe. Kaya ako sumama sa kaniya dahil sinabe niyang pianapatawag daw ako ni niro. at tyaka may surpresa daw si niro sa akin kaya daw hindi ito nakapunta para sunduin ako. well, kaibigan naman niya si niro kaya alam kong mabait si... "ano nga pala ang pangalan mo?" "cal" Tumago naman ako. "calsifer" hinawakan niya ang kamay ko "my laidy" at aakmnag hahalikan na ito ng humawak siya sa ulo niya na para bang nasasaktan. "b-bakit?" nataranta naman ako. "s**t! s**t! oo na! oo na! grabe kanaman maka react babe"sabi nito habang nakatingin sa labas at tumawa-tawa pa. Napakonot ang noo ko. anong nangyayari sa kaniya?. tanong ko sa sarili. Tumikhim ito at tumingin sakin. "don't worry, hindi ako masamang tao, at tyaka malapit na tayo" tumango naman ako. Tahaimik lang ang boong biyahe, hindi naman ako na bobored o di kaya ay nagugutom dahil mayroong t.v at mini grocery store ang kotse niya. Ilang oras din ang naging biyahe namin. dumaan pa nga kami sa lugar na walang tao tanging mga puno lang ang naroon. Kahit sa malayo ay kitang-kita ko ang napakalaking bahay. grabe, mukhang palasyo. kong ikokompara ito sa mansyon ni niro ay masasabi kong magkapareho lang ang laki pero ang desinyo ay kakaiba. ang desinyo sa mansyon ni niro ay gothic sa labas. at ang malaking palasyo din na ito ay kulay white. yong parang mga napapanood natin sa mga disney movies. Bumukas ang napakalaking puting gate na may naka design pa na mga yellow flower. nada-anan namin ang malaking falls at sa gilid ay may nakalagay na statue ng mga anghel. Pumarada na ang kotse sa. naunang lumabas si calsifer. at sumunod naman ako. nakakahiya naman kong maghintay pa akong pagbuksan niya ako ng pinto. Napa-awang bibig ko dahil mas malinaw mong makikita ang boong mansyon kong nasa labas kana ng kotse. sobrang laki, kong ako ang may-ari nito. hindi talaga ako ma bobored. "tara" Sumunod naman ako sa kaniya. Ilang minuto pa ang nilakad namin upang marating ang napakalaking pinto. dahan-dahan itong bumukas at sinalubong kami ng sampong katulong na nasa gilid. lima sa kanan at lima naman sa kaliwa. yong mga palda nila ay color brown na abot sa talampakan nila. kakaiba! sobrang kakaiba! Deri-deritso namang pumasok si calsifer at sumunod nalang ako. napayuko nalang ako dahil sa mga titig ng mga katulong sa akin. Nasa harapan nanaman kami ng pinto. binuksan ito ni calsifer at tyaka siya pumasok. "babe! why mad!?" ani calsifer sa isang maligaya at natatawang boses. hindi ko alam kong sino ang kinakausap niya dahil nakayuko parin ako. "don't call me babe! you idiot!" tinig ng isang babae. umangat ang tingin ko at doon ko lang napag-tanto na nasa sofa na na pala kami. nakita kong naka-upo sa sofa ang babae habang inis ang mukha nitong nakatingin kay calsifer. at si niro naman na nakatayo sa gilid ng sofa napara bang kanina niya pa kami hinihintay at nakatingin din ito sa akin. "what? wala naman akong ginagawa ah?" maang-maangan na sabi ni calsifer at umupo siya sa tabi ng babae. Tumigil naman ako sa harapan nilang tatlo. nararamdaman ko parin ang titig ni niro sa akin. nakakailang, bat ba kasi siya nakatingin. "hey, pretty girl, maupo kana" ani calsifer. tumingin naman sa kaniya ang babae na galit. "what?" tinarayan siya ng babae. "alam mo babe, naiisip ko na talagang nag-...."di kona narinig ang huling sinabe nito dahil bumulong ito. bumulong ba? eh hindi ko naman nakitang bumuka ang bibig niya. "aray!" napa aray naman siya dahil sinuntok siya nong babae sa tiyan niya gamit ang siko. "stop, you two!" maotoridad na sabi ni niro. ng mapansin kong nasa-harapan ko na siya. tumigil naman ang dalawa at natahimik. ngumiti siya sa akin. "na miss kita" bolong na sabi niya. para namang na istatwa ang boong katawan ko at may nagsiliparan na mga paro-paro sa tiyan ko. "yown! marunong ng magpakilig ang isang niro!" sabi ni calsifer at animoy nag action pa na parang nag shoot ng bola sa ring. "ikaw, hannah? na miss morin ba siya?? ha? ha? sagot?" makulit na sabi nito. "tumahimik ka nga!" mariin nabolong sa kaniya nong babae. Pumikit naman ng mariin si niro at bumaling kay calsifer. hindi ko na nakita ang boong pangyayari dahil sinimangutan nong babae si niro. hinawakan nong babae si calsifer sa braso at lumabas sa sala. Inakay naman ako paupo ni niro sa sofa. magsisimula na sana akong magsalita pero sinabe niya na kumain daw muna kami. sumang-ayon nalang ako kahit busog pa ako sa pagkain ko kanina. nakakahiya naman kung tanggihan ko siya. Ngayon ay kumakain na kami ng dessert. sarap na sarap ako habang kumakain dahil first time kong kumain ng ganitong klaseng pang himagas. "I heard na hindi ka raw pinapasok sa paaralan kanina? totoo ba iyon?" aniya. Tiningnan ko siya at halos mapamura ako dahil kanina niya pa pala ako tinitingnan. pinunasan ko ang bibig ko gamit ang tissue. "ahm...oo" napakagat ako ng labi. ngumuso naman siya. "don't worry, hindi naman sa hindi kana makakapag-tapos ng dahil lang don" "pero, may isa na akong absent" maktol kong sabi. nag salin siya ng kape sa tasa at ininom niyan ito. napangiwi ako ng makitang itim na itim iyon dahil alam ko kung ano ang lasang iyon. sobrang pait. mahilig ba talaga ang lalaking to sa mapapapait. "ah! tayka, bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" Tumingin siya sa akin at bumaling sa labas ng malaking bintana na sobrang tanaw ang malawak at malalaking bundok. "I want you, to be my partner..." tuningin siya sakin. "sa ball na gaganapin bukas ng gabi" Napakonot ang noo ko. "ehh..." ano nga ba ang sasabihin ko? "si miss ganda pwede muna man siyang maging p-partner" ang tinutukoy ko ay ang babaeng kasama ni calsifer kanina. At tiyaka bakit ako? kay dami-daming magagandang babae dito sa masnyon nila. bakit ako pa? "no, I don't want her" simpleng sagot niya. ang arte naman nito. ang ganda kaya nong babae tas i-rereject lang niya.sus! kung nag-aaral lang yon sa paaralan namin. siguro magiging campus crush yon at lalamangan niya pa ng fame si queenny. Sumimangot ako. "ang arte mo naman, ang ganda kaya ni miss ganda" angal ko. "pumapayag ka o hindi? dahil kung hindi ay hindi kita iuuwi sa condo mo" napaawaang ako sa aking narinig. ngumiti siya sa akin ng nakakaloko. "choose, miss ferrera" Napatayo naman ako sa kinauupuan. ang isang niro acoste. ay binlock mael ako!? "hindi tama yan! anong sinasabi mo, nagpapatawa ka ba?" nag cross arm ako. "eh, pwede namang magpahatid ako kay calisfer" Nakita kong umigting ang panga nito. "calsifer?" tumayo ito at dahan dahang lumapit sa kinauupuan ko. halos manlomo ang mga paa ko habang nakatayo dahil sa mariin niyang titig sa akin. "calsifer? ni pangalan ko nga hindi mo mabanggit-banggit, tapos calsifer? ha?" mariin niyang bulong. Hinawakan niya ang bewng ko at hinapit sa katawan niya. "bwesit, gago, r****t, magnanakaw, ano pa? mahal ko, hm, ano pa?" bolong ulit niya. Napahawak ako sa dibdib niya ng dumampi at kumiliti sa tenga ko ang bibig niya roon. "t-tumigil ka nga!" mariin kong sabi at pilit na kumakawala sa mga braso niyang nakapalibot sa bewang ko. Hinaplos niya ang pisngi ko at hinawi doon ang bangs doon. "pumayag kana hannah" muli niyang bolomg at unti-unti akong hinihili ng antok dahil sa isang musikang narinig ko at tuluyan na nga akong nawalan ng malay. Narrator POV Nakahawak si calsifer sa bibig niya na hindi ma buka-buka. pano ba naman kasi, bingyan ng kapangyarihan ni niro ang bibig niya para hindi makapagsalita dahil nakakahiya kay hannah. kaya ngayon ay nasa garden sila ni selvania. "kahit ano pang gawin mo, hindi mo matatanggal yan, tanging siya lang ang makakapag-tanggal ng mahikang ginamit niya sayo" mataray na paliwanag nito sa kaniya. "hmmmmmmm" aniya pero hindi naman maiintidihan kung ano ang sinasabe. "naririndi ako sa boses mo, para kang umuungol na ewan" Ngumiti naman ng nakakaloko si calsifer kay selvania at nagsimulang umungol. tinakpan naman ni selvania ang dalawang tenga niya dahil sa ungol na naririnig kay calsifer. "tumigil ka nga!" inis na sabi niya. pero ang loko mas umungol pa ng umungol. tumayo si selvania at umalis sa harapan ni calsifer. kinuha niya ang paypay sa maliit na mesa at nagdadabog na umalis sa harapan nito. Akmang papasok na siya sa loob ng makita niyang papa-akyat ng hagdan si niro habang buhat si hannah. huminga siya ng malalim at nagtungo sa kusina para himas-masan ang sarili. Hannah POV Umaga na ng magising ako. napahigpit ang kapit ko sa makapal at malambot na komot dahil sa malamig na timperatura. idinilat ko ang aking makita ng maging malinaw na ang lahat sa akin ay halos mapabangon ako sa aking kinahihigaan dahil sa nakita. Si niro natutulog sa tabi ko. nakahubad baro ito at nakikita ko ang malalaki niyang muscle. mahimbing ang tulog niya. na animoy ngayon lang siya nakatulog ng mahimbing. Hinigpitan ko ang kapit sa komot na natatakpan ng katawan ko. nakadamit pa naman ako at alam kong walang nangyari. pero hindi parin rumeristro sa utak ko na nagtabi kami sa iisang kama! bat siya tumabi sa akin!? tayka, at ano ang nagyari kagabi. "daydreaming?" isang bariton na boses ang narinig ko. Dumako ang tingin ko kay niro. naka-unan ang kanang braso niya sa ulo. at fresh na fresh na nakatingin sakin. hindi man lang haggard ang mukha niya sa matagal na pagkaka-tulog. Nag-iwas ako ng tingin at napakagat ng labi. Doon lang rumehistro kong bakit kami nag tabing matulog. Kaya ang ginawa ko ay sinapak ko lang naman siyan. sapol sa ilong niya. humawak naman siya doon. "aray! hannah!" sigaw niya habang nakahawak sa ilong niya. Patakbo naman akong pumunta sa cr. habang nag-pipigil ng tawa. ang kapal naman ng mukha niyang matulog sa tabi ko. kung gusto niya sa kama niya eh di dapat inuwi nalang dapat niya ko sa condo. Nasa kusina ako habang nagtitimpla ng kape. may mga katulong rin na narito at sinabe nila na sila nalang daw ang magtitimpla pero umayaw ako. matapos nito ay uuwi nako, wala naman akong gagawin dito at tsaka ay hindi naman ako sumang-ayon sa deal niya. "what happened to niro? ba't may tissue ang ilong niya?" konot noong sabi ni calsifer na kakapasok palang sa kusina at iyon kaagad ang tinanong saakin. Kaya nandito kami ngayon sa sala habang naka-upo sa sofa at ikinuwento ko sa kanya kung bakit nag dudugo ang ilong ni niro. Tawa-tawa naman siya habang nakikinig. "Is there something funny? asshole?" Napadako ang tingin naming dalawa sa hagdan dahil naroon si niro. wala na ang dalawang tissue sa ilong niya pero bakas parin ang pagka-pula non. natahimik narin sa pagtawa si calsifer pero may naririnig pa ako sa kaniya na kaunting ngisi. Bumaling ang tingin sa akin ni niro na seryoso at mababakas na walang emsyon ang mukha. napayoko namam ako. tayka, nagalit ba siya dahil sa ginawa ko kanina. nadinig kong huminga siya ng malalim. "come on, ihahatid na kita pauwi" bolong niya. Tumayo naman si calsifer. "ha? so ibig sabihin ay wala kang partner bukas ng gabi?" "solo? nah, I will look and find some pretty girls there" simpleng sagot niya. "kita muna! kita muna! hannah! hindi kaba mag seselos! maghahanap daw siya oh!" ani calsifer animoy nag susumbong na parang bata. "sumangayon kana hannah, bayad mona rin sa pagsapak sa kaniya" sinamaan siya ng tingin ni niro. Nakonsensya naman ako. pinapunta niya ako dito sa mansyon niya para sabihin yon at pagkatapos ay sinapak ko pa siya at tyaka tama si calsifer kabayaran ko nalang dahil sa pagsapak ko sa kaniya. "cge, pumapayag ako" walang pag-aalinlangan kong sagot. "yown!" ani calsifer at nagsosontok pa sa hangin. "calsifer, get out" maotoridad na saad niya. "ha? ayoko nga!" parang batang saad nito at nagdadabog na umupo sa sofa. "do you want me to do 'it' again to you?" ani niro 'it'? ano naman ang.ibig niyang sabihin? "heto na nga lalabas na eh" Narinig ko nalang na sumarado ang malaking pinto. may humawak sa kamay ko. "you said yes" tumango naman ako. "treat my wound first" ✔︎ZN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD