Chapter 7

3059 Words
Chapter 7 Narrator POV Pagkalitaw ni calsifer sa condo ni selvania ay sumalubong kaagad sa kaniya ang galit na suntok. napa-higa siya sa sahig. hindi pa siya nakakabangon ng may humawak sa kuwilyo niya upang itayo siya at malakas nanaman siyang sinuntok. Napahiga ulit siya sa sahig. Naririnig niya ang sigaw ni selvania. ngunit bingi ata ang sumusuntok sa kaniya. "niro!! tama na yan!!" Ng maging malinaw ang paningin ni calsifer ay doon niya nakita ang galit at nagdidilim na mukha ni niro. tumayo siya at masama itong tiningnan. "ano bang problema mo!?ha!?" galit niyang sabi at pinunasan ang dugo sa gilid ng kaniyang labi. Hindi sumagot si niro bagkus ay susugurin nanaman siya nito pero pumagitna si selvania at hinawakan ang braso ni niro. "niro! stop it!" Tiningnan ni niro si selvanian at hinawi niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. tumingin naman siya kay calsifer at dahan dahan itong lumapit dito. "I freaking told you, don't make a f*****g move with her, kapag tinakot at sinaktan mo siya ulit..." may diin at galit na saad ni niro. ipinakita niya ang nag babagang pulang apoy sa kanang kamay kay calsifer. "ito, ang papatay, sayo" maotoridad nitong sabi. walang lumabas na boses kay calsifer, alam niya na kapag galit ang isang niro acoste ay wag ka ng sasabat pa dahil baka sa bangkay kana pulutin. Tumalikod nasi niro at lalabas na ng condo pero biglang nagsalita si salvania. "nababaliw kana niro! ni hindi mo pa nga kilala ang babaeng iyon! pati kaibigan natin ay sinaktan muna! hindi na kita kilala!" Humarap si niro sa kanilang dalawa. "I don't f*****g care about that asshole!" toro nito kay calsifer na nakahawak sa kanang pisngi. "ang gusto ko, ay sumunod kayo sa ipinag-uutos ko! at hindi ilayo siya sa akin! kapag ginawa niyo ulit iyon" naging pula ang mga mata nito. "makikita niyo ang tunay na ako" anito at naglaho na parang bula sa harapan nilang dalawa. "Aray! dahan dahan naman" inis na sabi ni calsifer. Naka-upo sila ni selvania sa sofa habang ginagamot nito ang nga sugat na natamo niya kay niro. "wag ka kasing malikot" inis na sabi rin ni selvania. Dahan-dahang dinadampihan ni selvania ang sugat nito. hindi makalgay ng mabuti si selvania dahil malikot ang binata, masakit daw kasi... "yan kasi, galitin mopa ulit si niro ha? baka sa susunod hindi lang ito ang matamo niya sayo" sarkastikong sabi nito. Ngumiwi naman si calsifer. "hindi ko kasalanan na gawin yon, ikaw kayang nag-utos sa akin" depensa niya. Umirap naman si selvania. "hindi ko sinabeng ganong paraan no" at diniinan niya ang bulak sa sugat nito. malakas na umaray naman si calsifer at sinamaan siya ng tingin. "ako na nga" Itinaas ni selvania ang bolak sa ere. "ako na" maotoridad niyang sabi. sumapit ang ilang minuto ay walang nag sasalita sa kanilang dalawa. tanging huni lang ng paghinga ang maririnig. "he's crazy in love with her" ani calsifer habang nakatingin sa kawalan. Napatigil naman sa paggamot ng sugat si selvania at nag-iwas ng tingin. "tapos na" aniya sa walang buhay na boses. Humawak naman si calsifer sa mukha niya at napadaing siya. sinamaan naman siya ng tingin ni selvania. "bobo ka talaga, alam mo ng may sugat ka, hinawakan mo pa" singhal nito sa binata. "akala ko linagyan mona ng band aid" angal naman nito. "anong b-bvand ayd?" "benda" Pagkasabi ni calsifer iyon ay tumilapon sa kaniya ang maliit na first aid kit. nasalo naman niya kaagad ito. lumingon siya kay selvania na papa-akyat na sa kwarto. "tayka! matutulog kana na!?" tumayo siya at hinabol si selvania. "sorry, sinabe ko pa yon sa harap mo! selvania..sorry na.... totoo namang may gusto siya don—...selvania...." "tumahimik ka!!" Boong gabi. maririnig ang kakulitan ni calsifer sa loob ng malamig at tahimik na condo. Hannah POV Nagising ako na wala si niro sa condo ko. pagpunta ko sa kusina ay may nakahain na roong pagkain at isang maliit na note. matapos kong gawin lahat ang morning ritual ko ay pumasok na ako sa paaralan. Narito ako ngayon sa bench ng schoool at kasama ko si lara. pinag-uusapan namin ang nalalapit kong kaarawan sa byernes. eh, ayos lang naman sa akin kong wala akong handa eh, basta makapag pasalamat lang ako sa diyos ay ayos na ako. "ano, ano gusto mong theme?" excited na sabi ni lara habang nakatingin sa libro. kung saan nandoon lahat ang pagpipiliin ang kung anong gusto mong theme sa birthday. Napangiwi naman ako "pero lara—" aangal na sana ako pero nagsalita ito "hep! hindi pwedeng umangal frieny...isang araw lang to sa iisang taon kaya sulitin muna" "eh, birthday ko ehh, tas ikaw ang nagpaplano sa lahat" "ano naman ngayon, kapatid kaya ang turing ko sayo kaya hayaan muna, at alam ko namang hindi ka maghahanda sa birthday mo eh kaya hayaan monang ako ang gumawa" ngiting sabi nito. Ang bait-bait talaga ni lara, kapatid na ang turing niya sa akin dahil wala siyang kapatid. nag iisang anak lang kasi siya. kaya hindi nakapagtataka kong bakit ganito niya ko tratuhin. "nakakahiya naman kasi sa parents mo" Pinandilatan niya ko ng mata. "ano ka ba, alam na to ni daddy at mommy, at mas excited pa nga sila sayo ehh" Napangiti naman ako. Sina Mr and Mrs Samson ay sobrang bait na mag-asawa at may mabait din na anak nasi lara. pag pumupunta ako sa bahay nila ay hindi bisita ang turing nila sa akin kundi ay parang tunay na anak. "ito!" Tumingin naman ako sa itinuro niya sa libro. "color violet, color violet ang nababagay sa color theme ng birthday mo" masayang sabi niya. "oh cge kong iyan ang gusto mo" "ha? so ibig sabihin hindi mo gusto ang napili ko, tayka, maghahanap nalang tayo ng iba" Tumawa naman ako. "ano kaba color violet is my favorate color, actually kanina ko pa nga hinahanap ang ganyang kulay, akala ko wala" "oh cge cge, sa bahay mismo mag cecelebrate ha? dapat wag kalang munang bibisita sa bahay dahil mag aayos paroon" "ha? sa bahay niyo? nakakahiya, pwedeng namang sa condo ko nalang" "frieny...maliit sa condo mo, hindi kakasya ang milyong bisita" anito kaya napatawa naman ako sa kakulitan ni lara. Gabi nasa daan habang binabaybay ko ang daan papunta sa condo ko, nag-aya pa kasi si lara na maglibot kami sa downtown. well, sumang-ayon nalang din ako dahil minsan lang naman akong mag-gala. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa jacket ko. mabuti nalang parati akong may dalang jacket sa school kasi minsan na-gagabi ako sa pag-uwi at malamig ang simoy ng hangin. hindi naman talaga ako yong tipo ng tao na naglalakad kapag umuuwi. kapag trip kolang. Napatingin ako sa nag-uumpukang mga tao sa waiting area. napailing nalang ako. mahirap talagang sumakay lalo nasa gabi dahil kakaunti nalang ang dumadaang bus at maraming mga tao pa ang nagsisik-sikan. Napadako ang tingin ko sa isang babae na nakasoot ng makapal at lumang damit. hindi ko matukoy kong matnda ba iyon o hindi dahil puti at may halong pulang kulay ang buhok niya. may hawak-hawak nama siyang bata sa kaliwang kamay niya. batang babae. pero ang buhok ay pang lalaki. Namilog at nanlaki ang mga mata ko ng mamukaan ko ito dahil lumingon ito sa akin. Ng magkatinginan kami ay nagulat din siya kaya dali-dali silang umalis sa waiting area. mabilis naman akong tumakbo papunta sa kanila. "lola, tayka!" tawag ko. pero ang matanda ay hindi ata ako naririnig dahil lakad lang ito ng lakad. Ang mabilisan kong lakad ay naging takbo na. ng mapansin iyon ng matanda ay tumakbo narin sila. "lola! tayka po!" Hindi ko sila maabot abutan dahil mabilis rin silang tumatakbo. grabe, ang matandang iyon, nag e-exercise ba iyon sa umaga para mapalakas ang kanyang mga buto. "lola! ako po ito si hannah, nais kolang pong sabihin na nasa akin ang inyong libro!" sigaw ko upang marinig niya. Tumigil naman sa pagtakbo ang matanda. humarap siya sa akin at kitang-kita o namamalikmata lang ba ako dahil may nakita akong kulay green na dumaan sa mga mata niya pero nawala din iyon. "lola...." dahan dahan akong lumapit sa matanda. "nais ko lang tanungin, bakit napunta sa akin ang libro ninyo" hanggang sa makalapit ako. Makinis ang kutis ng matanda, manipis ang labi at mapupula ang mga ito, matangos ang kanyang ilong pero masasabi ko na maganda siya noong kanyang panahon. kulay blue ang mga mata niya na kadalasang makikita sa mga taong may lahing amerika. may lahi din ba ang matandang ito. meron ata, dahil narin sa kaputian niya. "iha, ibinigay ko talaga sa iyo iyon" sabi niya. "pero...pare bakit po napunta sa akin, eh hindi ko naman po tinanggap iyon sa inyo?" Ngumiti lang siya sa akin at hindi sumagot. Napadako ang tingin ko sa batang kasama niya. kulay violet ang mga mata nito. ang paborito kong kulay. ang buhok nito ay gupit lalaki. ngumiti ako rito. "hello, anong pangalan mo?" umupo ako, upang magpantay ang tingin namin. Ngumiti rin ito sa akin. "lauriella po!" masigla nitong sabi. Ngumiti naman ako. "ang ganda naman ang pangalan mo..." "kaya nga po, kasing ganda po ninyo" Napatawa naman ako ng mahina at hinawakan ang matambok nitong pisngi. minsan narin akong nangarap na magkaroon ng kapatid pero hindi natupad dahil noong ipinag bubuntis ni mama ang kapatid ko ay nakunan siya. hindi ko alam kong ano ang totoong nangyari pero iyon ang sinabe sa akin ni papa. lungkot at iyak ako noong mga panahon na iyon. kasi gusto ko na isang mabuti at maalagang ate. ngunit hindi ata matutupad. "bakit po?" inosenteng sabi nito. Hinawakan ko ang buhok nito at ginulo iyon bumungisngis namam ito. "wala, may na alala lang ako" Hinawakan ng matanda ang kamay ng bata "iha, mauuna na kami, regalo ko talaga sa iyo ang librong iyon, kaya wag mo nga ibalik pa sa akin, halika na laurella" Tumayo naman ako. aambang maglalakad na sila ay tinawag ko ulit ang matanda. Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang jacket na ipinahiram sa akin ng matanda noon sa waiting area kong saan doon kami unang nagkita. "ang jacket niyo po" Kinuha naman ito ng matanda pero nabigla ako ng amoyin niya ito at may ibinulong. Nahiya naman ako at napakamot ng ulo dahil hindi linabhan kolang iyon pero hindi linagyan ng downy para bumango. at mas lalo akong nabigla dahil ibinigay ito ng matanda sa akin. "iha, kunin mo ang regalo ko sa iyo" ngiting sabi niya sakin. "pero, wag na po lola, lahat naman ata ng ibinibigay niyo sa kin ay regalo, at tiyaka po marami akong jacket sa bahay" natatawang sabi ko. Kinuha niya ang kamay ko at inilahad iyon sa akin. "sa iyo na, at sana ay kapag dumaan man ang panahon na wala na ako ay isa iyang simbolo na nasa tabi molang ako at laging nakagabay sayo" ngiting sabi nito. inakay na niya ang bata at naglakad na silang dalawa. kumaway at ngumiti naman sa akin ang bata kaya kumaway at ngumiti rin ako pabalik dito. Kinalibutan naman ako sa ipinahiwatig ng matanda. pero parang may kahulugan iyon eh. tumalikod naman ako at maglalakad na ngunit wala pang ilang segundo ay humarap ulit ako sa kanila pero napakonot ang noo ko dahil wala na ang mga ito. grabee.. ang bilis naman nilang maglakad. Kinabukasan, sobrang sarap ng tulog ko pero binolabog ng isang engkanto. pano ba naman kasi, may nag dodoor bell lang naman sa labas ng condo ko ng tuloy-tuloy. "hoy! baka masira ang doorbell ko!!" sigaw ko. padabog kasi akong umalis ng kama. ang buhok ko parang tinuka ng manok, ang mukha ko na wala pang hilamos. sino ba ang pangahas na iyan ha!? Walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pinto ng condo ko. at doon lang ako binuhosan ng malamig na tubig ng mapagtanto kung sino ang naroon. si niro acoste. fresh na fresh ng ayos niya. makikita mo talaga na tapos na siya mag morning ritual. dahil sa kahihiyan ay padabog kong sinara ang pinto. napahawak naman ako sa mukha ko. grabe! wala pa akong ligo! tootbrush! lahat wala pa! Patakbo akong pumasok sa kwarto para ayusin ang sarili ko. matapos ang lahat ay naglagay na ako ng kaunting make-up sa mukha ko. inamoy ko pa ang hininga ko, hmm mabango naman. naka-10x mouthwash kaya ako. kaya sobrang bango ng bibig ko. Lumabas ako na fresh na fresh at gandang ganda sa sarili. maganda naman talaga ako kaya wag ng umangal. ngiti-ngiti kong binuksan dahan-dahan ang pinto. Nakatingin naman sa akin si niro habang naka-konot ang noo. "good morning" ngiting sabi ko at nag pose pose pa sa harapan niya. na animoy gandang ganda sa sarili. I flip my hair at nag beautiful eyes pang tumingin sa kanya. "alam kong maganda ako, kaya wag ka ng maglaway sa akin" cool kong sabi. Nabalik lang ako sa riyalidad ng malakas na tumawa ito sa harapan ko. yong tawang hindi pili ha, yong tawang, tawang-tawa talaga siya dahil sa katangahang ginawa ko. Namula ang pisngi ko at inayos ang tayo. grabe! nakakahiya ka! hannah!!! pabagsak kong sinarado ulit ang pinto at nagtitili ng sigaw sa loob ng condo ko, well, hindi naman niya maririnig ang sigaw ko dahil naka soundproof ang condo ko. pero, nakakahiya hannah!! "Wag mo nga akong pagtawanan!" inis kong sabi kay niro. Narito kami ngayon sa downtown at naglalakad, nag-aya kasi itong lumabas daw dahil na boboring lang naman siya sa napakalaki niyang mansyon. sus, kong ako sa kanya, hindi ako maboboring, kahit sa bobong ng mansyon niya, tatambayan ko. At narito nga kami ngayon. pangisi-ngisi pa ang damoho. hindi pa nakaka get over sa nagyari kanina. "pwede ba! ano! iiwan kita dito! gusto mo" inis kong sabi at nag cross arms. Napatikhim naman ito."sorry" Sorry daw, pero may nakikita pa akong kaunting ngiti sa labi niya. Napa roll eyes nalang ako, hindi na ata makaka move on ang taong ito. "fish ball! kain tayo!" inakay ko naman siya roon. hinawakan ko ang kamay niya at nagtungo kami roon. "What's that?" konot noong saad nito. tiningnan ko naman siya. "hindi ka pa nakakakain nito?" umiling naman ito. Sabagay, ang mga rich kid na kagaya niya ay hindi talaga kakain ng mga ganitong pagkain. "masarap toh" ibinigay ko sa kanya ang stick na may lamang fish ball at ibinigay sa kanya. "you will saw-saw it in the sauce and then you will eat it like this" sabi ko at ipinakita sa kaniya ang ginawa ko. sarap na sarap naman akong kainin yon. Ginawa naman niya ang ginawa ko. halos mapatawa ako dahil hindi niya alam na ang sauce na sinawsaw niya ay maanghang pala. Napatango tango naman siya habang nginunguya iyon. napa thumbs up naman ako. "masarap?" "masarap" aniya. kaya napatawa ako. "Bat d mo sinabe sa akin na allirgic ka pala sa maanghang" taranta kong sabi habang binubuksan ang malamig na mineral water. Narito kami ngayon sa park habang naka-upo sa bench. Kasalanan ko to eh, matapos kasi naming kumain ng fish ball ay nakita kong namula ang mukha niya at nagdugo ang ilong niya. huli na ng mapagtanto kong allirgic pala siya sa maanghang. Naka tatlong inom na siya ng tubig at hindi na kasing pula kanina ang mukha niya. ang dugo naman sa ilong niya ay tumigil na rin. "g-gusto mo pa?" sabi ko sabay pakita sa kanya ng tubig. tumango naman ito kaya agad kong binuksan ang tubig. Nakonsensya naman ako, kasalanan ko to eh. "s-sorry" mahina kong sabi habang nakatingin sa sapatos ko. nahihiya akong tumingin sa kanya, bat ba naman kasi hindi ko siya sinabihan. eh dapat ay maayos siya ngayon. "It's not your fault" "ehh, kahit na kasalanan ko parin, kong alam ko lang na allergy kasa ganon..." "hey" malumanay niyang sabi. "tumingin ka sa akin, hannah" Dahan-dahan naman akong tumingin sa kaniya. "hindi mo kasalanan, hm? at tyaka, kasalanan korin naman kong bakit nangyari yon" "hindi ka galit?" umiling ito. Nagliwanag naman ang mukha ko. akala ko ay ako ang sisisihin niya sa nangyari at magagalit pa siya. Tumayo siya at tumingin sa boong park, maraming mga tao ang nagpipicnic, may mga bata rin na naglalaro at isa pa ito ang park na special sa akin. ang park na palaging pinupuntahan. "maganda dito" aniya. Tumango naman ako at tumingin sa mga tao na nagsasaya. napadako ang tingin ko sa mga pamilyang kumakain at tumatawa. mapait akong napangiti, mabuti pa sila walang problema at masaya ang pamilya. ako, kailan kaya magiging masaya at mabubuo ang pamilya. Naglalakad kami ngayon papa-uwi sa condo ko. usok doon at usok dito dahil mismo sa mga inihaw, may mga tao rin na naglalakad papa-uwi at naghihintay ng bus. Napadako ang tingin ko kay niro, nakikita kong masaya siya habang nakatingin sa nadadaanan namin. "Niro..." tawag ko sa kaniya. napatingin naman ito sa akin. "hm?" "masaya ka ba ngayong araw?" Tumango naman ito. Ngumiti rin ako. "ayan! hindi kana ma bobored sa mansyon mo" masaya kong sabi. Tumawa naman siya ng mahina dahil sa sinabe ko. Nasa harap na kami ng building ng condo ko. "salamat sa pag-sama sakin ngayong araw" aniya Tumango naman ako. "walang anuman iyon, at tyaka kaibigan na kita eh, kaya ayos lang" "k-kaibigan?" "Oo, akala ko masama kang tao pero hindi naman pala, ng dahil sayo ay nagkaroon ako ng boybestfriend" "boybestfriend" "kaibigan lalaki" nakangiting sabi ko. "ah, cge, mauna na ako, mag-iingat kasa pag-uwi!" masayang sabi ko at kumaway pa sa kaniya habang papasok ako ng building. May nakita akong parang maliit na pait at pighati sa mga mata niya pero madali rin iyong nawala. ngumiti din siya sa akin at kumaway. "ingat ka!" pahabol kong sabi, at sumakay nasa nakabukas na elevator. Narrator POV. Habang si niro naman ay hindi parin maproseso sa utak niya ang sinabe ng dalaga. kaibigan? kaibigan lang ang tingin sa kaniya ng isang taong kaniyang linilihim na minamahal. huminga siya ng malalim at sa iglap ay naglaho na siya sa kanyang kinatatayuan. Pabagsak naman siyang nahiga sa kanyang malaking kwarto. nanghihina siya habang hindi parin mawala-wala sa isip niya ang sinabe ng dalaga. Habang sina wisp at calib ay nasa labas ng pinto ng kwarto ng kanilang master. "anong nangyari kay master?" ani wisp. "hayaan na muna natin siya, baka pagod lang siya sa lakad nila ng prensesa" anito. Kaya sabay silang dalawa na umalis sa harapan ng pinto. ✔︎ZN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD