Chapter 6
Isang linggo na ang nakakaraan ng naging maayos ulit ang buhay ko. noong araw na nagising ako sa bahay ni niro ay inuwi niya na ako dito sa condo ko at isang linggo naring hindi ko siya nakikita. nahabol ko naman ang mga subject na naiwan ko at mabuti nalang ay sinabe sa akin ni lara lahat ng activities na wala ako.
Ngayong araw ay lunes, wala kaming pasok dahil sinuspended ang klase dahil sa paparating na bagyo. malakas ang ulan sa labas. nasa kusina ako habang naghahanda ng umagahan ko. my favorate cerial with banana strawberry at frish milk. hindi kasi ako yong taong kakain ng kanin sa umaga.
sumampa na ako sa sofa at uminom ng gatas habang nanonood ng balita sa T.V. naka-kalat naman ang mga libro at notebook,school supplies sa sahig dahil may gagawin akong proyekto na kailangang ipasa sa susunod na linggo.
Halos mapamura ako dahil nawalan lang naman ng kuryente sa condo ko. kahit umaga ay madilim parin dahil sa malakas na ulan. binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko at binuksan ang switch ng kuryente pero hindi gumagana ito. dali-dali kong tinawagan ang tagapamahala ng hotel pero sinabe nilang may ilaw naman, so ibig sabihin sa condo ko lang yong may sira!? at sabi nila ay magpapadala nalang daw sila ng mga tao para i-check kong ano ang may sira dito sa condo ko.
Naupo ulit ako sa sofa at naghintay. umabot na ang bente(20) minutos ay wala paring dumarating. napa-buga ako ng malalim na hininga. nakararamdam na ako ng antok dahil sa malamig na panahon ng may pomindot ng doorbell sa labas ng pinto ng condo ko.
Dali-dali akong lumapit doon dahil alam kong iyong mga tao na iyon. pinindot ko ang botton sa gilid ng pinto upang bumukas ang maliit na t.v na nagkokonekta sa labas para makita kong sino ang naroon.
Pero napa-konot ang noo ko dahil wala namang kahit sino ang naroon. napahinga ako ng malalim dahil baka nangpaprank lang iyon. napa-iling ako at pinatay ulit ang t.v. tumalikod na ako upang umalis sa pinto pero napamura nanaman ako dahil may pumindot nanaman ng doorbell ko.
Dali-dali kong binuksana ng t.v. pero wala namang tao roon. pinatay ko ulit ang t.v ngunit ilang segundo pa ay nag doorbell nanaman. kaya binuksan ko na ang pinto.
"sino ba yang—!" Napatigil ako sa pagsasalita dahil wala namang kahit anong tao sa hallway. at kung tatakbo man iyon ay makikita ko parin dahil mahabang hallway muna ang lalakarin mo upang maka-liko kasa dolo. weird.
Isasarado ko nasana ang pinto ng may mapansin akong presinsya sa likod ko. liningon ko iyon at halos hindi ako makagalaw sa nakita. may itim na bolto ng tao sa loob ng condo ko at nakasoot ito ng cloak. nakita ko ang pulang galit na mata nito na nakatingin ng deritso sa akin.
Mag-sasalita na sana ako pero bigla itong lumipad papaunta sa akin kaya napa-upo ako sa sahig at napa-sigaw. ngunit pagdilat ko ng mata ay wala na ang taong iyon. akala ko ay aatakihin ako dahil sobrang bilis niyang tumakbo.
Mabilis ang t***k ng puso at napa-iyak. sino iyon? anong pakay niya sa akin? bakita pula ang mata niya? sino ba siya?. hindi ako makatahan sa pag-iyak dahil sa nangyari.
Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin sa likod at doon ko nakita na bumalik na ang ilaw sa boong condo at doon ko nasilayan ang taong nagsasagip sa akin sa kahit anong kapahamakan. si niro acoste. doon nako nawalan ng malay.
Nagisng ako sa loob ng aking kwarto. gabi na pala. bumangon ako at napabalik ulit ako sa pagka-upo sa kama dahil sumagi sa isip ko ang nangyari kanina. ang nagpakita sa aking itim na bolto na kulay pula ang mata...at ang paglapit nito sa akin pero nawala rin bigla at ang pagsagip sa akin ni....
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba sa sala ngunit walang kahit anong bakas niya roon. napalingon ako sa kusina dahil may narinig akong nagluluto kaya dali akong nagtungo doon.
At doon ko nga siya nakita, si niro acoste ay nag-luluto lang naman ng pagkain. nakasoot ito ng pink na apron at sa kanang kamay ay may hawak na sandok. na-alala ko noong nakaraan nagluto rin siya dito sa condo ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at umupo sa upuan ng walang ingay. tinignan ko ang ginagawa niya. grabe...hindi ko naiisip na ang isang mayamang kagaya niya ay marunong mag-luto at parang master na master sa kusina. I mean, ganyan naman ang mga mayayaman diba, sa katulong mismo pinapagawa ang lahat pero siya ay kakaiba.
Napabungisingis ako sa aking naiisip nasa isang masungit na kagaya niya ay nagluluto. na iimagine ko na ipinagluluto niya ang asawa't anak niya tapos busangot siya habang nagpiprito ng itlog. napatawa ako ngunit ng idilat ko ang aking mga mata ay sumalobong sa akin ang malapit niyang mukha habang naka-konot ang noo.
"b-bat kaba nang gugulat?" utal kong sabi.
Umayos naman siya ng tayo at ngumisi. "ikaw? bat ka naka ngiti?" tinaasan niya ko ng kilay. "hmm?"
"w-wala, eh ano naman ngayon kong nakangiti ako ha? masama ba?"
Nagkibot kibot ang labi nito na animoy tatawa ng malaks pero pinipigilan niya. bumalik na siya sa pagluluto. "ano bang niluluto mo?" usisa kong tanong.
"adobo" simpleng sagot niya.
"wow! talaga!" napatayo naman ako sa upuan dahil sa pagka excited. paborito kopa naman ang adobo. mukhang mabubusog ako mamaya ah! dahil sa niluto niya.
"why?" aniya at nakatingin sa akin ng deritso sa mata. inaamin ko, mayroon kiliting nararamdaman ang katawan ko dahil sa titig niya . "p-paborito ko kasi iyon" nahihiyang sabi ko.
Tumawa naman siya ng kaunti na nagbigay ng kiliti sa tiyan ko. matapos niyang magluto ay siya pa talaga ang naghain ng lahat. umaangal pa sana ako pero maotoridad niya akong pina-upo sa upuan na para bang reyna dahil siya na ang gumawa lahat pati pagkuha ng pinggan.
Magana akong kumain dahil kaharap ko ngayon ang ulam na paborito ko. naka-tatlong kuha na nga ako ng kanin eh dahil sa sarap ng ulam. "easy" tumingin ako sa kaniya. "baka mabilaokan ka" binigyan niya ko ng tubig. "here, drink this"
Nahihiya ko namang kinuha iyon. grabee, hindi ko maisip na mayroon pala akong kasama ritong kumakain. tapos ako eh parang hindi nakakakain ng isang taon dahil sa bilis kong kumain. ngumiti naman ako sa kaniya at sinabeng..."s-sorry"
"Salamat sa pagkain!" masigla kong sabi. tapos na kaming kumaing dalawa habang naka-upo parin. hinimas himas ko ang tiyan ko dahil sa sobrang busog. "how's the food?" aniya
Umayos naman ako ng upo. "masarap" nakangiti sabi ko. "salamat nga pala" ngiwi at hiyang sabi ko. "imbis na ako ang mag-luluto dahil bisita kita pero ikaw pa tuloy ang gumawa" nahihiyang tawang sabi ko.
Tumawa naman ito ng mahina at napailing -iling. "so, i'm not a r****t and a thief anymore? you called me a 'bisita' kasi" nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabe niya. noong una lang namang pakikita namin, tinawag ko siyang magnanakaw at r****t kasi syempre sino ba namang ang hindi magugulat dahil may isang unknown person ang pumasok sa condo mo tas naka hubad pa.
"ehh hindi kanaman pala ganon eh, sorry" nahihiyang sabi ko.
"it's owkay" sabi nito pero ilang sigundo rin ay napakonot ang noo nito habang nakatingin sa labi ko.
Nakonot ang noo ko dahil umalis siya sa pagkaka-upo sa upuan niya at dahan-dahan na lumapit sa akin. grabee, kada hakbang niya ay palakas ng palakas ang t***k ng puso ko. tumigil siya sa harapan ko at dahan-dahang yumuko. nanlaki at namilog ang mga mata ko dahil maliit na pulgada nalang ay maglalapat na ang mga labi naming dalawa.
"b-bakit—" hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil umangat ang kanang kamay nito at pumunta sa labi ko. umayos ito ng tayo at pinakita saakin ang kinuha niya sa gilid ng labi ko.
"may kanin sa labi mo" sabi nito at umalis sa harapan ko at deritsong lumabas ng kusina. hindi naman ako makagalaw sa nangyari hinawakan ko ang dalawang pisngi ko dahil nag-iinit ang mga ito.
Ako na ang nagprisintang naghugas. matapos ay nagtungo ako sa sala nandoon siya at nakaupo sa sofa habang umiinom ng tsaa. nakonot ang noo ko dahil wala naman akong tsaa na binibili kapag nag go-grocery ako.
Naupo ako sa tabi niya matapos kong buksan ang t.v.
"san ka bumili ng tsaa? eh hindi naman ako bumibili niyan" tanong ko, amoy flower ang tsaa at masasabi kong parang masarap iyon. parang gusto ko tuloy uminom
"binili ko" simpleng sagot niya.
Napatango ako at tumingin sa telebisyon. "gusto mo?" aniya
Napailing ako. oo gusto, pero nakakahiya baka paborito niya yan eh, tas maubosan siya. bibili nalang ako bukas. "wag na salamat"
"basi sa mukha mo, hindi ako sang-ayon sa sagot mo" anito. nakunot ang noo ko. "bakit ano bang dapat na isagot ko?"
Inilapit niya sa akin ang tasang hawak niya. "try it" aniya habang nakatingin saakin. napakonot ang noo ko. "eh, sayo yan eh"
ngumisi siya. "don't worry, mabango naman ang laway ko"
Napairap naman ako. ang hangin pala ng taong ito, alam ko namang mabango ang laway niya dahil mabango ang hininga niya. hindi lang talaga ako mahilig uminom sa gamit ng iba.
"wag na kasi, ah, mag titimpla nalang ako"
"nag iisa nalang yong binili ko, kaya, try it"
"owkay" aniya ko, kinuha ko ang tsaang hawak niya at daling tumikim. pero nag sisi talaga ako dahil bakit nga ba naisip ko pang tikman yon eh...
"ang pait!!" sigaw ko habang nakangiwi. tumawa tawa naman ang loko. grabe, may pagka pilyo rin pala ang lalaking to. kong makatawa parang nanalo ng swerte.
Dali kong inilapag ang tasa sa mesa at bilis siyang sinapak. pero alam kong mahina lang iyon dahil tumawa tawa ang loko.
"bwisit ka!! ang pait pala!"
Ng mahimas-masan sa pagtawa ay napailing nalang ito pero nakita kong komikibot kibot pa ang labi nito na parang pinipigilan lang ang matawa. "bakit amoy masarap pero ang pait pala"
"it's called, san elfie flower, amoy masarap pero mapait pala" anito at muling uminom sa tsaa, namula naman ang mukha ko dahil parang wala lang sa kaniya ang pag-inom ko roon.
"bat mo iniinom kong hindi maganda ang lasa?"
Tumingin ito sa akin at ngumiti pero hindi niya sinagot ang tanong ko. napasimangot naman ako. hmp! edi wag!
Malalim na ang gabi pero hindi parin ako makatulog. si niro naman ang pinatulog ko sa guest room. tulog na kaya siya ngayon? tiningnan ko ang oras sa wall. 2Am napala pero hindi ata ako dadalawin ni antok. Na-alala ko na hindi papala ako nakakapag-pasalamat kay niro sa pagligtas niya sa akin. hmm, bukas nalang.
Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto upang magtungo sa kusina at mag timpla ng gatas. ng matapos ay pumunta ako sa veranda kung saan nakikita ang boong city lights. dito ako palaging tumatambay kapag may problema ako o di kaya ay nag iisip kasi sobrang tahimik at tinging ihip lang ng hangin ang maririnig mo.
Hinigpitan ko ang paghawak ko sa makapal kong jacket. malamig, dahil sa malakas na pag-ulan kanina. napabuga ako ng marahas na hininga. kahit mag-isa lang ako dito sa pilipinas ay minsan lang akong makaramdam ng lungkot dahil tinuturing akong kapatid ni lara. siya lang naging kaibigan ko pero kahit hindi kami magka sundo minsan ay nagbabati rin naman ulit kami.
Ang pamilya ko, iniisip rin kaya nila ako. kailan kaya sila uuwi? halos limang taon na. nag kakausap naman kami sa social media account ko pero never pa kaming nag vedio call. hindi ko alam kong bakit. sobrang miss na miss ko na sila. kahit nag tatampo minsan ay gusto kong maayos lang sila sa ibang bansa. ma,pa, umuwi na po kayo, hinihintay kayo ng anak niyo.
Naramdaman ko nalang na may naglahad sa akin ng puting panyo. napa angat ako ng tingin at bumungad sa akin si niro na deritso ang tingin sa labas habang nakalahad sa akin ang panyo niya. doon ko lang nalaman na tumutulo na pala ang luha ko. kinuha ko sa kanya ang panyo at pinunasan ang mga luha ko.
"s-salamat" mahinang sabi ko.
Huminga ito ng malalim. "Why?"
Tumingin ako dito at nakatingin rin ito sa akin ng deritso. nag-iwas ako ng tingin. "bat hindi kapa natutulog?"
"ano ang iniiyakan mo?"
"please, wag mo ng tanungin, a-ayokong pag-usapan"
Nag iwas ito ng tingin. at pareho na kaming dalawa na nakatingin sa city lights. "sorry"
Ilang minuto na pero walang nag sasalita sa amin.
"s-salamat ng pala, kanina...sa pag-ligtas mo sakin"
"tungkulin kong gawin yon"
Napakonot ang noo ko. "bat ka nga pala nasa condo ko? at, bakit ka pumunta dito?" curious kong tanong.
tumingin ito sa akin. "bakit? hindi ba pwedeng dalawin ang isang magandang dilag na kagaya mo?" ngiting sabi nito. naramdaman ko namang uminit ang pisngi ko hinawakan ko ito dahil parang pumula na kasing pula ng kamatis. inis na binalingan ko siya at patawa-tawa ang loko. kaya sinuntok ko ang braso nito. "kainis kanaman eh..."
"what? hindi ba pwedeng dalawin ka?"
"k-kasi, akala ko..."
"hey,"pinaharap niya ko sa kaniya. "hindi ibig sabihin na nagkakilala tayo ay hindi na tayo mag kikita ulit, remember, kahit pa sa kabilang buhay ay may nagkikita parin" malalim niyang sabi.
Napakunot ang noo ko sa ipinahiwatig niya. "anong ibig mong sabihin?" ngumiti siya at ginulo ang buhok. "matulog kana, baka malate kapa bukas,ok?" anito at nauna ng pumasok sa loob. napanguso naman ako dahil hindi man lang niya ipinaliwanag sa akin ang sinabe niya.
✔︎ZN