chapter 5

2234 Words
Chapter 5 Takbo habang nagtiti-tili sa sigaw si quenny. habang papalabas ng banyo ng school. nagtataka ang mga studyanteng nakatingin sa kaniya sa hallway. basa kasi ang skirt niyang soot at may nakadikit pang tissue sa likod niya. sabog ang bohok dahil sa nangyari kanina sa loob ng banyo. Nasa gilid lang si calib at wisp habang humahalakhak. isang napakalaking kahihiyan ito para kay quenny dahil sa ginawa nila wisp at calib. Linagyan lang naman nila ng napakaraming palaka ang boong banyo. kaya naman nilang gawin iyon dahil sa kapangyarihang meron sila. habang nagdedeposit si quenny sa loob ng banyo ay hindi niya namamalayan na marami na palang palaka sa labas ng cubicle. Napakonot ang noo niya dahil parang may naririnig siya huni. alam naman niyang walang papasok na studyante sa loob ng banyo dahil ang banyong ito ay para sa kaniya lang at walang kahit sinong pweding gumamit non. Matapos ay kumuha siya ng tissue, habang inaayos ang sarili ay nanlaki ang mga mata niya sa nakita. may isang palaka na pumasok sa cubicle! "my god!!" tiling sabi niya. sumampa siya sa cubicle habang nasa kamay parin niya ang tissue. naka panty lamang siya dahil hindi pa niya na isosoot ang skirt niya. "alis! shoo!shoo!" pagtataboy niya rito. ngunit ay mas lalo pang rumami. naging dalawa! tatlo! apat! hanaggang sa dumamami na. Nagsisigaw siya sa loob ng banyo. dali-dali siyang lumaabas ng banyo at halos lumuwa ang mga mata niya sa nakita. ang daming mga palaka na nakapalibot sa loob ng banyo. sa shower, meron. sa bathtub niya meron din. sa sink meron din. may phobia panaman siya sa mga palaka. Sigaw siya ng sigaw habang isinosoot ang skirt niya. hindi na nga niya na isoot ng maayos iyon dahil lumalapit na sa kaniya ang maraming mga palaka. kaya patakbo siyang lumabas sa banyo at kumaripas ng takbo habang may bahid ng takot ang mukha nito. hindi niya pinansin ang nga taong nakatingin sa kaniya. Deri-deritso siyang nagpunta sa locker niya at doon naka-hinga ng malalim. inayos niya ang skirt at may nakapa siya sa likod niya. isang mahabang tissue at amoy popo. napa yucks siya dahil nahawakan niya ang mahabang tissue. "ano yon bes, amoy popo?" "my god! ew, amoy popo nga!" Sabay tingin sa kaniya ng mga babaeng studyante na nasa kanya kanyang locker din. "what are you looking at! bitches! it's not me!" Tinarayan siya ng isang maldita ring babae kagaya niya. "why, defendeng yourself? sinabe ba naming ikaw?" "at tiyaka ikaw lang naman ang may hawak na amoy popong tissue, eeeww" maarting sabi ng isa. Umuusok ang dalawang tenga ni queenny sa narinig. "mag-silayas nga kayo sa harapan ko!! b***h!!" sigaw niya. Hinawakan nong isang babae ang braso ng kaibigan. "come on gurl, iwan nanatin ang amoy popong iyan" "tara" "tara" "eeww, amoy popo" "my god! wala bang tubig don sa private bathroom niya" "my god! ang baho talaga" Samot saring komento ang naririnig ni queenny sa mga studyante. naiinis siya sa sarili. malaking issue nanaman ito sa boong school. napapadyak siya sa inis at nag cross arm. talo nanaman siya kay hannah. Hannah POV Elegante at sumisigaw ang pagiging marangya ng dalawang taong nasa harapan ko. mukha lang ata akong pulubi kung pagbabasihan. at isa pa ang gaganda't gagwapo nila. Napatingin silang dalawa sa akin. mula ulo hanggang paa, basi sa pagsusuri nila ay mukha nila akong pinagtatawanan. Tinaasan ako ng kilay ng babae at naglakad palapit sa akin. nakapamulsa naman ang lalaki habang tinitingnan ang kabooan ko. nakakahiya, wala pa naman akong saplot sa paa. "and who is this stupid creature" aray ha, stupid creature talaga "standing infront of us" sabi ng babae. elegante siyang magsalita at kada hakbang niya ay masasabi mong isa siyang mataas na uri. Napatingin nalang ako sa sahig. ni hindi ko kayang tingnan ang mga mata nila. nakalapit na saakin ang babae, mas mataas siya kaysa kumpara sa akin at mas lalong lumala iyon dahil nga sa naka high heels siya. tiningnan niya ako mula ulo hanggang sa paa. tingin ko nga eh, pati kaluluwa ko eh nakikita na niya. napa-tikhim nalang ako at magsasalita na sana upang ipakilala ang aking sarili ngunit naunahan niya ako. "is this the girl, na kinababaliwan ng master" supistikadang sabi nito at tumingin sa lalaking kasama niya. Nagkibit balikat ang lalaki. "I don't know" at muling tumingin sa akin ng may pilyo. nag iwas ako ng tingin. Muling bumaling sa akin ang babae. "idiot" mariin na ani nito sa akin. ha! ano daw? idiot? grabe talaga ang mayayaman, kapag nakahiga nasa salapi doon lumalaki ang ulo! kapal naman ng mukhang pagsabihan naman ako ng ganon, eh hindi naman niya kilala kung sino ako! inirapan ko ito ng palihim, mahirap na baka sumabog ito katulad kay queeny. "watch with your words,selvania" rinig ko sa isang bariton at malamig na boses. Lahat kami'y napatingin sa nagsalita. nakita ko ang master nila na pababa sa malaking hagdan. nakasoot ito ng puting polo at itim na slocks sa balikat nito ay naka-sampay ang itim na coat na may kulay gold. Nakita kong nag-aliwalas ang mukha ng babae dahil nakita niya ang master daw. "niro" masyang sabi nito at dali-daling lumapit sa lalaki at niyakap ito ng napaka-higpit. nakita ko namang lihim na pag-irap nong pulang buhok na lalaki. "niro, masaya ako dahil nakita na kita!" "tss, ikaw lang? tayong dalawa kaya!" angal ng lalaking pula ang buhok. napairap naman ang babae. "what are you two doing here?" seryoso at kyuryos nitong tanong niya sa dalawa. "talk, I want us to talk" Napatingin naman sa akin ang lalaki at napadako ang tingin niya sa mga paa ko na walang saplot. nahihiya toloy ako kaya itinago ko ang mga paa ko sa mahabang dress na soot ko na abot hanggang talampakan. Deri-deritso itong lumapit sa akin at nagulat nalang ako ng bigla niya akong pagkuin. bridal style. nabigla ako sa ginawa niya. nakakahiya! namilog lang naman kasi ang mata ng dalawa. napa-iwas ng tingin iyong pulang bohok na lalaki habang nakangising tumingin sa babae. yong babae naman ay nakita kong medyo nainis sa ginawa ng lalaking ito na hawak ako. "ibaba mo nga ako!" mariin na bolong ko sa kaniya. Napakonot ang noo niya. "what? may sugat ka sa paa mo, ngayon mo lang nalaman?" inosenteng sabi nito. pinakiramdaman ko naman ang kaliwang paa ko at oo, may sugat nga. Bumaling siya sa dalawa. "I'll just bring her to my room" anito at deritso nang naglakad sa itaas. itinago ko nalang ang mukha ko sa mga bohok ko dahil sa sobrang hiya. bwisit talaga ang lalaking to! "my!!room!!?" anito ng babae na hindi makapaniwala na idadala ako ng lalaking ito sa kwarto niya mismo. "niro! niro acoste!! ni hindi mo pa nga kilala ang babaeng yan!" angal nong babae. ngunit hindi lang siya pinansin ng niro. "niro!!" kahit na malayo na kami ay dinig ko parin ang sigaw ng babae. Narrator POV nag-papadyak sa inis si selvania, sino ba naman ang hindi magugulat at maiinis dahil sa kwarto pa talaga dadalhin ni niro ang babaeng iyon, kahit na kakakilala palang ng mga ito. pero siya na matagal ng kaibigan si niro ay kahit pagsilip ay hindi siya pinapayagan nito na sumilip man lang sa kwarto. "can you stop?" iritang sabi ni calsifer. habang preskong naka-upo sa sofa habang umiinom ng **** wine. "what?" sarkastikong ani ng babae. "can you repeat it again? ha?" inis na binalingan siya ng lalaki habang hawak nito ang kopeta na may lamang kulay pulang **** wine. "ang sabi ko, tumigil kana. dahil kahit anong papansin mo sa kaniya. ay. hindi. ka.niya. pa.pan.si.nin" mariing nitong sabi. "nakakarindi ang boses mo!" inis na asik nito at inisang lagok ang kopetang hawak. Hesterikal na tumawa naman ang babae. natatawa itong umupo sa isang sofa paharap sa lalaki. gamit ang kaniyang daliri ay tinoro niya ang wine at kopeta upang magsalin ito sa kopeta. mismong, tanging babasaging wine glass lang ang gumagalaw dahil sa kapangyarihan na ginamit niya. at sa isang iglap ay nasa harapan na niya ang baso at prente itong naka-lutang paharap sa kaniya. Kinuha naman niya ito at maliit na tumikim. "you know, na hindi ko kayang hindi siya pansinin, you know" bolong nito. "tsk, kasi may gusto ka? hindi ba?" Napatingin naman ang bababe sa labas ng garden sa likod ng lalaki. nagsasayawan ang mga bulaklak at huni ng ibon ay nagkakantahan. sobrang tahimik at magaan ang pakiramdam. siya, kailan kaya siya magiging tahimik ang buhay. kapag nawala ba siya? Napatawa siya sa naisip. "crazy" rinig niyang bolong ni calsifer. "in love with him" bolong niya ulit habang nakatingin sa kawalan. Naka-tingin si niro sa babaeng mahimbing na natutulog sa higaan niya. maamo ang mukha nito pag tulog pero pag gising naman ay parang dinosour dahil sa sobrang kasungitan. napa-iling nalang siya habang natatawa. Kahapon ay nagulat ang mga tao sa loob ng mansyon dahil sa kalagayan ng prinsesa. siya na mismo ang nag-gamot ng mga sugat nito ayaw niya kasing may kung sino mang doctor o mang-gagamot ang gagamot sa sugat ng dalaga. nagseselos siya pag-ganon.ngunit ang pag-palit naman ng damit ay sa mga kasambahay na babae na niya pinagawa. Sobra-sobra siyang nag-aalala sa kalagayan ng dalaga kahapon. may na-alala kasi siya at ayaw na niyang mangyari pa ang trauma na nangyari sa nakaraan... Gabi na tapos na niyang paka-inin ang dalaga kaya pinatulog na niya ito sa kwarto niya kahit na umaangal pa ito na gusto na raw umuwi pero hindi siya pumayag. gumawa nalang siya ng dahilan, para dito na ito matulog sa mansyon niya. ayaw niya muna itong iwan dahil baka mapahamak nanaman. Na-alala niya ang dalawang bisita niya. naroon pa kaya ang dalawa sa ibaba? kaya hinalikan niya muna ang dalaga sa noo bago lumabas sa kwarto niya at tinungo ang sala. "I don't like, what you are thinking niro" matigas na ani ni selvania. Narito sila sa opisina ni niro habang naka-upo sa sofa Napakonot ang noo ni niro. "ni hindi mo pa nga kilala kong siya naba talaga iyan, at tapos,may balak kapang kadenahen siya sa mga kamay mo" napairap ito. "I know it's her, dahil mismo dito" toro niya sa puso niya. alam niya, dahil ang hindi nagkakamali ang isang pag-ibig kong kayo talaga ang itinadhana. "how sure are you?" ani calsifer Hindi sumagot si niro dahil kahit sagutin niya ay naniniwala parin siyang si hannah na ang babaeng hinahanap niya. Napatango-tango naman si calsifer. "okay, so, kailan mo sasabihin sa kaniya?" "hindi pa ito ang tamang panahon" Napairap si selvania. kahit kailan ay hindi siya pinapansin ni niro. binabaliwala lang nito ang mga komento niya. Matapos ang pag-uusap ay umalis na sila sa manyson at umuwi sa condo nila. yes, condo. wala silang mansyon o bahay dito sa mundo ng mga tao pero may malalawak naman silang palasyo sa mundo ng mga immortal. Pabagsak na naupo si calsifer sa sofa habang umiinom nanaman ito ng wine sa kopeta. ibinagsak naman ni selvania ang pouch sa sofa at nagdadabog itong umupo paharap kay calsifer. Calsifer smirk "mad?" Sinamaan siya nito ng tingin. "umuwi kana sa condo mo, gusto ko ng magpahinga, nakaka-istorbo ka" inis na sabi nito. "oh talaga?disturbance?, o baka naman galit kalang dahil alam niyang, iyon na nga ang taong hinahanap niya" linag-ok nito ang boong wine sa kopita at nagsalin muli. "im not mad, I can do anything to stop him, for chasing her" ngiti niya. "wag kang gagawa ng ikagagalit ng isang niro acoste baka mas lalo kalang niyang hindi pansinin" tumayo si calsifer at bomolong na lumapit sa kaniya "at kasosoklaman kapa niya" ngising sabi nito at bumalik sa pwesto kanina Nag-aalab ang nga mata ni selvania ng marinig niya iyon.tama nga naman ang sinabe ni calsifer. mas lalo lang lalala ang pagkaka-ibigan nila niro at siya dahil sa babaeng iyon. pero kong narito parin ang babaeng iyon ay mas lalo lang na hindi siya papansinin ni niro. kahit kanina nga eh, hindi man lang ito tumingin sa kaniya o ngumiti. Naging kulay ube ang mga mata ni selvania na kanina ay kukay itim at may lumabas na kulay dilaw na apoy sa kamay niya at itinotok niya ito kay calsifer. Si calsifer naman ay hindi magpapatalo dahil alam niyang nagalit ito sa kaniyang sinabe kaya ng makita niya ang galit nito at pagtama sa kaniya ng dilaw na apoy ay sa isang iglap ay nasa likuran na siya ni selvania. Tumama naman ang dilaw na kapangyarihang apoy ni selvania sa sofa at nasunog iyon at nabutas. Bumulong naman si calsifer sa tenga niya. "remember, I am half vampire s***h werewolf, and no one can kill me even a second cuz I'll kill them first, undertand hm honey" aniya sa malamig at malambing na boses, hinalikan niya sa gilid ng pisngi ang babae at ilang segundo pa ay naglaho na siya sa hangin. Pinag-babasag naman ni selvania ang mga gamit sa loob ng condo niya. wala siyang sinayang na kahit isa. inipon niya ang boong galit dahil sa nadudurog niyang puso. wala na siyang pag-asa sa taong hinahangaan at minamahal niya sa boong buhay niya! wala na! dahil nabasag ang lahat iyon! dahil sa babaeng iyo! magababayad siya! magbabayad siya!! sigaw niya sa kaniyang isip. at sa huling binasag niya ay ang malaking pintong salamin ng veranda niya. bumagsak ang mga bobog sa baba, nagsi-takbuhan at sigawan naman ang mga taong dumadaan...... ✔︎ZN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD