Chapter 4

2967 Words
Chapter 4 Nasa harapan ako ng salamin ngayon dahil napag-desisyunan namin ni lara na lumabas dahil wala namang klase ngayong araw. naka puti ako habang soot ang puting dress, inayos ko ang bangs sa gilid ng mukha ko, nag lagay lang ako ng maliit na make up. Ng matapos ay kinuha ko na ang sling bag ko na kulay brown at lumabas ng condo. ini lock ko na ang condo ko ng mabuti aba mahirap na baka may makapasok nanaman. ng matapos ay sumakay na ako sa elevator. Nasa park ako ngayon at naka upo habang hinihintay si lara. ang bagal talagang gumalaw ng babaeng iyon,mahirap iyon na isabak sa gyera dahil sa sobrang bagal. Inis na tinext ko nanaman siya. nasan na kasi iyon? pang sampong beses o higit ko na siyang tine text pero ang reply lang nito ay 'nandiyan na ako 5 minutes'. "kuyang sorbetero, isa nanaman pong ice cream" ngiti kong sabi sa mamang sorbetero. kanina pa ako panay ng bili sa kanya ng ice cream dahil sa kahihintay ko kay lara, ang init-init nga naman kasi ng panahon tas ang bagal pa ni lara kaya panay ang bili ko ng ice cream. "ito iha" "salamat po" sabi ko at inabot sa kaniya ang 10 peses. Naupo ulit ako sa dati kong pwesto kanina sa bench. tinignan ko ang oras at mag e eleven na, nakakabanas wala pa talaga ang babaeng uod na iyon. uod kasi, ang bagal niyang komilos. Naubos ko nanaman ang pang limang ice cream na binili ko kanina. "friend!!!!" narinig ko ang boses ni lara, nakita ko siya papalapit sa akin. nakasoot ito ng pulang dress at malaki ang ngiting nakatingin sa akin habang kumakaway. Tumayo naman ako at nag cross arms. nakalapit na ito sa akin at niyakap ako. "sorry, ang tagal kasing dumating iyong order ko sa shopee eh, iyon kasi ang dating ngayong araw kaya hinintay kona, kaya tumagal ako" hmp,inirapan ko siya. iyan nanaman palagi ang dahilan niya, palaging nalang shopee ang inaatupag, mabuti hindi na uubos ang pera nito, kaka-shopee. "dahil sa sobrang tagal mo at nag mumukha na akong kalansay dito, ilibri mo ko" at nauna na akong maglakad. narinig ko naman siya sa likod ko na panay reklamo. tsk, kasalanan niya yon. kung hindi lang siya uod komilos edi walang libre na magaganap. Nasa mall na kami, patingin-tingin kong ano ang nagandang bilhin. "girl, wait punta tayo sa ***** store" anito, kaya pumunta nga kami. Napatingin ako sa presyo at halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita, skirt lang ang hawak ko pero halos 2K+ na ang presyo! "bibili ka ba dito? ang mahal dito oh!" Tumingin sa akin si lara. "ano ka ba ayos lang, at tyaka mga imported naman ito eh, kaya hindi sayang ang pera natin" naka ngiting anito. Napa-hawak naman ako sa ulo ko. Oo, nga pala mayaman ang babaeng ito, pero kahit naman siya hindi ba siya nanghihinayang sa pera? Umupo nalang ako sa upuan sa gilid at hinintay siya. "hindi ako bibili, ikaw nalang" Napa simangot ito. "libri nalang kita,hay naku ang koripot mo talaga hannah, ang yaman-yaman niyo pero ang koripot mo" sermo nito sa akin. Sinamaan ko naman ito ng tingin. "fyi, hindi ako koripot no, alam ko lang talagang mag tipid ng pera" Hindi na ako sinagot nito at nag simulang mamili ng damit. ng matapos siya ay nandito na kami sa park. Malaki ang park na ito, bawat puno ay may naka-upong mag pamilya o d kaya ay magkasintahan. ito rin ang park na tinatambayan ko kapag masama ang loob ko sa parents ko noong bata pa ako. dito ako nagpapa lipas ng galit ko. umaalis ako sa bahay ng hindi nagpapa alam at dito ako nag mumuni muni. Inilapag nanamin ni lara ang picnic blanket sa d**o at umupo na kami roon. inilabas namin ang inorder naming mga pagkain sa **** restaurant kanina. "ang presko naman dito" masayang sabi ni lara. kaya sumang-ayon naman ako. Nag simula na kaming kumain. Halos dalawang oras ang itinagal namin dahil sa tawanan namin. kumakain kasi kami habang binabasa ang mga pam-babash ng mga tao kay queenny sa twetter. "HAHAHA, lumabas narin ang baho niya" ani lara habang tawang-tawa na nakatingin sa cellphone niya. Nakatingin din ako sa cellphone ko, dahil nakikipag trashtalkan pa ang queenny na iyon sa mga tao.Napa-iling nalang ako, wala talagang ma iidolot na mabuti si queeny, maganda nga pero ang ugali ay kasing itim pa ng uling. Binabash lang naman siya ng mga tao, dahil nakipag one night stand lang naman siya sa isang sikat na aktor na may pamilya na. grabe talaga, kung ako ina nito matagal na akong na dessapoint sa anak ko. napailing nalang ako habang nagbabasa. Naglalakad na kami para umuwi ni lara. tapos na kami sa park at isa pa ay natapos ang boong araw na pamamasyal namin, kaya ngayon ay alas tres na ng hapon. kailangan ko ng umuwi dahil may gagawin pa ako. Napatingin ako kay lara ng tapik-tapikin ako nito sa balikat ko at kilig na kilig. "aray! ano ba!" daing ko. ang sakit kaya ng tapik niya. "oh my god! OMG! GIRL!!" para siyang kiti kiti na hindi mapakali. "TINGNAN MO!!" tumingin naman ako sa sinabe niya. halos mamilog ang nga mata ko sa nakita. ano ang ginagawa niya dito? at kasama pa ang wierdo niyang bodyguard! "huminahaon ka nga! at wag mo kong hawakan!" inis na sabi ko. makatapik naman ito sa akin ay parang may sama ng loob siya sa akin. "ang gwapoo!!" Inis na binalingan ko naman ang lalaki, nag cross arms ako dahil nag katinginan kaming dalawa. nakapa mulsa sa ito sa soot niyang itim na pants at light blue t-shirt at kasama niya pa ang ano nga pala ang pangalan non? calib? oo, calib ang bodygaurd niya. Sinabe ko ng ayaw ko ng magkita ang landas namin pero bakit ko nanaman ito nakita. Aambang lalapit na ito sa akin ng hawakan ko si lara sa braso at kinaladkad ito pa alis. "oh my gurl, bakit ka ba umalis! tiningnan tayo ni mamang pogi! lalapit na sa atin iyon pero bakit umiwas ka!!" Nginitian ko ito" hindi mo ba nakita, hindi tayo iyong tinitingnan niya kundi iyong nasa likod natin" pag-sisinungaling ko. ayokong malaman ni lara na kilala ko ang lalaking iyon. "talaga?" nagtayakang tamong ito kaya tumango ako. "sure ka ba?" "oo nga! kaya umuwi na tayo dahil manonood pa ko ng kdrama" Narito ako ngayon sa loob ng kwarto sa condo ko. alas onse(11) na ng gabi at ang tanging lamapra lang ng boong kwarto ko ay ang laptop ko. nanonood kasi ako ng kdrama. tungkol sa babaeng umibig sa lalaking water god. Ang mga mata ko ay nasa laptop pero ang utak ko ay nasa lalaking iyon kanina. hindi ko siya kayang matanggal sa isipan ko. bakit ba siya nandoon kanina. sinabe ko na sa isipan ko na hindi ko na gustong magtagpo pa ang landas namin pero nangyari nanaman. ugh, kairita! Pinatay ko na ang laptop ko para matulog na pero kahit anong posisyon ko sa kama ay hindi ako dinadalaw ng antok. Bumaba ako at nagtungo sa kusina upang mag templa ng gatas. para naman ay makatulog ako ng madali. matapos, ay nagtungo ako sa vernada. kung saan doon ko makikita ang naglalakihang mga gusali sa boong syudad. Napahinga ako ng malalim. dito ako palaging tumatambay kapag pagod ako boong araw sa school. gusto kong mag trabaho para hindi na ako umasa sa magulang ko pero umaayaw naman sila sa desisyun ko. tss Kapag na aalala ko sila ay hindi ko mapigiliang umiyak. katulad ngayon, pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. ayokong umiyak, dahil alam kong ako ang talo. ang gusto ko lang naman makita ulit sila pero hindi na ata mangyayari iyon. sukong suko na ako. Birthday ko na sa susunod na linggo pero hindi na ko aasa na uuwi pa sila at ipag didiriwang ang kaarawan ko ng boo kami. ayoko ng umasa!. Mag-isa lang ako sa canteen habang nag babasa ng aralin namin mamaya. wala si lara hindi pa kasi tapos ang oras nila sa last subject. kaya nandito ako ngayon at hinihintay siya. Napa singhap ako ng may magtapon ng juice sa libro ko. dali-dali akong tumayo at kumuha ng tissue sa bag ko at pinunasan iyon. pero malabo na atang matuyo iyon dahil nasira na. Sinmaan ko ng tingin at binalingan ang pangahas kong sino iyon. Nakita ko lang naman si queeny at kasama ang mga alipores niya na animoy kumakain ng maraming make up. "ano bang problema mo" inis kong sabi. Naka ngiti itong nakatingin sa akin. "ow, galit ang isang hannah ferrira?"tumawa ito. "akala ko ba anghel ka?"anito at tumawa ulit. Napahinga ako ng malalim dahil sumsubra na siya. "anghel ako sa anghel sa akin, pero.mas demonyo ako sa demonyo sa akin"seryoso kong sabi. Sumeryoso naman ang mukha nito, nagulat ako ng bigla niyang kunin ang juice ko sa mesa at itinapon iyon sa damit ko. "matapang ka na ngayon ha! pwes tingnan natin ang tapang mo!" bigla niya akong sinabonotan ng ikinabigla ng lahat. Madiin niya akong hinawakan sa buhok. sobrang sakit. parang maaalis na ang anit ko dahil sa sobrang diin ng pag hawak niya. Narinig ko namang nag bobolong bolongan ang mga studyante sa paligid. may mga guro naring umaawat pero matigas talaga ang babaeng ito. Hinawakan korin ang mga kamay niya upang patigilin siya pero ayaw talaga niya. Pagbagsak niya akong inihiga sa sahig at simampal sampal. nalalasahan ko na anv dugo sa gilid ng labi ko at may lumabas naring dugo sa ilong ko. "tumigil na kayo!" "tigil! miss valderama!" "tumawag kayo ng guard!" Sari-saring komento ang naririnig ko. ano ba ang galit ni queeny sa akin at galit na galit siya? wala naman akong ginavawamg masama? kung ayaw niya sa papa ko dahil may kaagaw siya sa school, edi wala akong pake alam roon! ang gusto ko lang ay mag aral at umalis sa lugar na ito. "kung sa akin lang ay pinatay na kita!! sana hindi ka nalang ulit nabuhay!! inagaw mo siya sa akin!! akin lang siya!!" hindi ko alam kong anong sinasabe niya. Nabuhay? Inagaw? sino? ang pagkaka-alam ko wala pa akong nagiging nobyo sa boong buhay ko. Bigla nalang nag dilim ang paningin ko at parang may umangat sa akin at linakad ako kung saan... Narrato POV Nakatingin sa kaniya si wisp habang naka upo ito sa pabango niya, tindig siyang nakatingin sa boong salamin. gusto niyang makita ang isang importanteng tao ngayon. Noong isang araw lang ay nakita na niya ito. alam niyang iniiwasan siya nito pero hindi siya papayag lalot nat nahanap na nga niya ito. Hindi na niya pakakawalan pa, hindi na... Umalis si wisp sa pagkaka upo sa perfume niya at lumipad mismo sa harapan niya. Naka cross arms itong mariing naka tingin sa kaniya. "sigurado ka bang pupuntahan mo siya ngayon?" tumango naman siya. "baka, iwasan kana naman niya" "hindi na mangyayari iyon" kinuha niya ang perfume at ninspray iyon sa damit at pantalon niya. nagkibit balikat nalang si wisp. Naglakad na siya palabas ng kwarto niya at nag hihintay sa labas si calib. "calib" nag bow ito sa kaniya. "master, naka handa na ang agahan ninyo" tumango naman siya at naglakad na sa mahabang hallway ng mansyon. Hinabol ni calib si niro. "ah master" itinaas naman ni niro ang isang daliri na ang ibig sabihin ay sabihin na kong ano ang kailangan nito. "magpapa alam po sana ako sa inyo" sinamaan ng tingin ni wisp si calib. "ano iyon" ani niro. "maaari ba akong magpa alam sa inyo na mawawala ko ng isang linggo, bibisita lang ako sa ostara at pupuntahan si.." hindi na natapos ni calib ang sasabihin ng umeksina si wisp. "matanda, kanang kamay ka ni master kaya dapat nandito ka palagi" sinamaan ng tingin ni wisp si calib. "pupuntahan mo nanaman ba ang iyong napupusuan na si rosa?" Napatikhim naman si calib. Tumigil sa paglalakad si niro at hinarap si calib. "rosa?" hindi naman makatingin ng deritso si calib sa nga mata ng master niya. Si wisp lang ang tanging nakaka alam na may babaeng napupusuan siya. alam niya na bawal ang umibig sa gaya niya habang may posisyon pa siya sa Pamilyang Acoste. Tinapik ni niro ang balikat niya at ngumiti ito. "sige, papayagan kita, at wag kang mag-alala ako na ang magpapa liwanag sa amang hari" Nagsimula na ulit itong maglakad na iwan naman roon si calib na naka ngiti. Matapos siyang mag agahan ay patungo na siya ngayon sa lugar kung saan nakatira si hannah. kasama niya si wisp at calib bilang driver niya. "sa green vill, calib, doon siya nakatira" aniya. tumango naman ito. "master, diba may pasok siya ngayon?" Napa isip naman siya, tama si wisp, may pasok ngayon si hannah, pwede namang maghintay siya sa reception habang hindi pa umuuwi si hannah, pero pwede rin naman niya itong puntahan sa paaralan. "sa las casas colegio, calib" Matapos ang mahabang biyahe ay nasa paaralan na sila ni hannah. lunch time kaya, maraming studyante ang nag sisilabasan sa paaralan. ang iba ay nag bubulung-bulungan na nakatingin sa kaniya, nasa likod niya si calib at nasa bulsa naman ng pantalon niya si wisp. Pagka pasok palang niya sa building ay na ramdaman niyang may hindi magandang nangyayari. Naramdaman niyang namilog ang mga mata ni wisp dahil alam nito kung ano ang nangyayari. "canteen" ani wisp. Dumeritso sila papunta sa canteen ng paaralan at doon nakita nila ang mga nagkokompolan ng mga studyante sa gitna. napa-tingin ang iba sa kanila. Naramdaman niya at naamoy ang sariwa at mabangong halimoyak ng babae, he isa addicted to her smell, kahit nasa palasyo siya at malayo ang babae sa kaniya ay amoy na amoy parin niya ang nakaka halimoyak na amoy nito. Lumapit sila sa nag kokompolan at doon niya nakita ang kaniyang pinaka iingat ingatan na sinasaktan at tinatawanan. sa mga bisig nga niya ni kahit isa ay hindi niya pina-dadapoan ng lamok ang babae tapos may gana pang saktan ng isang paangahas ang kaniyang iniibig?. Nagdilim ang paningin niya at nag tagis ang kaniyang bagang, nag iba ang anyo ng kaniyang mga mata. naging kulay pula. Nakita ni wisp ang pag-iiba ng kulay ng mata ng kaniyang master. kapag kasi nag-iba ang kulay ng mga mata nito at naging pula ay matakot kana dahil sobrang tindi ang galit nito. tinapik niya si calib at itinuro ang kanilang master. namilog rin ang mga mata ni calib sa nakita. "kumalma kayo master.." sabi ni calib sa kaniyang master sa isipan at narinig naman ito ng kaniyang master sa isipan rin nito "maraming mga tao, baka malaman nila ang tunay na tayo" Medyo na himasmasan ang master nila dahil unti-unting nagbalik ang kulay ng mga mata nito. na kulay asul. Huminga siya ng malalim at muling tiningnan ang kaniyang babae. gusto niyang lumapit at kitilin ang buhay ng hampas lupang sinasaktan ang kaniyang minamahal pero hindi pwede dahil baka malaman ng lahat kung ano siya. Kaya sa isang kisap mata ay biglang napatigil ang lahat. tumgil ang oras... tumigil ang mga tao... tumigil ang lahat... tanging sila lang tatlo ang nakaka-galaw at nakakita sa mga nangyari. Huminga ng malalim si calib dahil kumalma na ang kaniyang master, mabuti nalang kumalma na ito dahil sobrang malaking problema ang kanilang haharapin kung magpadala lang ito sa emosyon at makagawa ng hindi kanais-nais na pangyayari. Dahan-dahang lumapit si niro kay hannah at binuhat, nagtagis ulit ang bagang niya ng makitang maraming sugat at maliliit na dugo sa mukha nito. dahan-dahan siyang umalis paalis sa canteen habang buhat ang kaniyang minamahal. "magiging maayos karin mahal ko..." mahinang aniya. Naiwan sa loob ng canteen sina wisp at calib. linapitan ni wisp ang babae na nambognog sa kaniyang prinsesa, nakapa meywang niya itong linapitan at hinawakan sa mukha, bumaling siya kay calib na may ngisi sa labi. "ano ang gagawin sa kaniya?" Kumunot ang noo ni calib "ikaw? ano ang gagawin mo?" May nakaka lokong ngisi naman si wisp na nabuo sa kaniyang isipan. hindi niya palalampasin ang ginawa ng mga ito sa prinsesa niya. hinding-hindi.... Hannah POV NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. dahan-dahan kong binuksan ang mga mata at tumingin sa loob ng silid. tayka, nasaan ba ako? Naalala ko kahapon ang mga nangyari, sa pag buhos sa akin ni queeny ng juice at ang away namin at pagkatapos ay hindi kona maalala ang lahat. dahan-dahan akong umupo sa kama. sobrang laki ng kama halos limang tao nga pweding magkasya eh. tayka, pamilyar sa akin ang silid na ito ha! hindi kaya! vintage style!! Mabilis akong umalis sa kama at nakita ko ang damit ko ay hindi na uniporme.hindi na ito kahapon na uniform ngayon ay bistidang maron na hanggang paa ang lampas sa akin. Umuusok ang ilomg at tenga ko ng lumabas ako sa pinto. walang katao-tao sa hallway at linakad ko ito papunta sa sala. naka-paa lang akong bumaba, walang katao-tao ang napaka laking sala. nasan kaya ang mga tao? at ang lalaking iyon? Napa cross ako ng braso habang nanalilisik ang mga matang naka tingin sa boong sala. ang lalaking iyon! akala ko maginoo, manyak naman pala! Biglang bumukas ang malaking pinto at pumasok doon ang hindi ko kilalang ekstrangherong babae at lalaki. Sumisigaw ang pagiging mayaman nila. ang lalaki ay pula ang buhok at sa mukha palang nito ay alam konang playboy. Ang babae naman ay seryoso ang mukha na naka soot ng fitted dress na kulay itim at high heels na kulay itim din. naka lugay ang itim na itim nitong kulot na mahabang buhok. Elegante ang dating ng dalawa...sino kaya sila? "niro acoste were back" ani ng lalaki habang may nakakaloko ang ngisi sa labi. ✔︎ZN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD