chapter 3
Masakit ang ulo ko ng magising ako, napa-tingin ako sa kwartong parang vintage style? ha? nasaan ako? hindi naman ako na kidnap diba.
Ang pagkaka-alam ko ay nagalit ako doon sa whatever na iyon at iyon lang ang na-aalala ko.
Tiningnan ko ang boong silid.
Malaki ang silid na ito, sa kanang bahagi ay may malaking pinto at alam kong veranda iyon. may malaking flat screen TV. may dalawang pintuan sa kanan pero hindi ko na alam kong ano ang mga iyon.
Na-alala ko na kailangan ko na palang umuwi sa condo ko, ni hindi ko naman alam kong kaninong bahay to eh.
Babangaon na sana ako ng marinig kong bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang babae at lalaki.
Iyong babae ay alam kong katulong rito dahil sa soot niya. pero ang soot niya ay kakaiba iyong pang-lumang soot ng mga katulong. iyong lalaki naman, naka seut na blue at may hat na kulay blue rin sa ulo may hawak itong malaking tongkod pero hindi panaman siya matanda para mag-ganon. baka props lang niya
"magandang umaga, maayos na ba ang paki-ramdam niyo? prinsesa" magalang na sabi ng katulong.
Namilog ang mga mata ko
"ahh eh, hindi prinsesa ang pangalan ko, kaya kailangan ko ng umalis dito dahil baka hinahanap na ako ni kuyang shoppee"
Na alala ko kasi may delivery ako sa shoppee na kailangan kong kunin at barayan ngayon.
"hindi po kayo maaring umalis prinsesa, binilin po iyon ni haring—" hindi na natapos ang sasabihin nong babae dahil biglang may bumukas sa pinto.
Napa dako ang tingin ko roon at nakita ko lang naman iyong lalaki.
"miraya, calib lumabas na kayo" simpleng sagot nito. tumongo naman ang dalawa at lumabas na.
Dali-dali naman akong umalis sa kama at nakapa-meywang na lumapit sa lalaki.
"hoy! ikaw ang kumidnap sa akin ano!?"
"why should I do that?"
Nag cross arm ako
"naku! sinasabe ko na nga ba! magnanakaw at kidnapper ka"tumingin ako sa kaniya. "sino ka ba talaga ha!? bat mo ginugulo ang buhay ko!?
Lumapit ito sa veranda at binuksan niya iyon. napapikit naman ako dahil tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.
"bakit di ka nalang magpa salamat dahil sinagip kita at dinala rito sa mansyon ko"
Sinamaan ko ito ng tingin.
"bat naman ako magpapasalamat sayo dapat nga ikaw nga ang magpa salamat sa akin dahil hindi kita sinumbong sa mga police!"
May ibinulong pa ito pero hindi ko na narinig.
"kaya aalis na ako, goodbye" deri deritso naman akong lumabas sa kwarto.
Pagka-labas ko ng kwarto ay napa mura ako dahil hindi ko alam kong sa kaliwa o kanan ba ang labasan ang laki pa naman ng hallway na ito at ang haba pa.
Napa tigil ako sa paghakbang dahil napansin kong may presensya sa likod ko.
"ow, lost?" sarkastiko nitong saad sa akin.
Liningon ko ito at tinarayan.
"master narito na po ang damit ng prinsesa" isang babae ang nasa gilid ko at may hawak itong mga damit sa dalawang kamay niya.
Kinuha naman ito ng master daw kuno nila at umalis na ang babae. biglang hinawakan ng lalaki ang isang kamay ko at inilapag niya doon ang mga damit.
"changed" anito at umalis nasa harapan ko.
Napamaang naman ako.
wierd kong tiningnan ang soot ko ngayon. isa lang naman itong sundress na abot hanggang talampakan ko at may ibinigay pa saaking takong ang babae. narito ako ngayon sa loob ng guest room.
Nag pumilit pang bihisan ako nong mga katulong pero umayaw ako. ano ako 5 years old!?
Hindi manipis ang dress dahil natatakpan ito ng tatlo o higit pang tela. ang init na nga ng bansa pinasoot pa ako ng ganito. hindi ko naman pinigilang umayaw dahil tinakot lang naman ako ng bwisit na lalaking iyon na hindi daw niya ako iuuwi kung hindi daw ako magpalit.
kainis!
May kumatok sa pintuan
"prinsesa, tapos na po ba kayong magpalit?"
Napa roll eyes naman ako, ano sa tingin nila. sobrang dali lang ang magbihis ng ganito, eh ang bigat kaya nito!
"patapos na!"
Naglalakad na kami ngayon sa hallway at buhat buhat ko ang malaking dress na ito. saan ba kami pupunta, naka sunod sa akin ang apat na babaeng katulong at pinagigitnaan nila ako.
Ang haba naman kasi ng hallway na ito, siguro isang oras kaming maglalakad.
Tumigil kami sa isang malaking pinto na kulay ginto na may kahalong silver.
bubuksan na ng babae ang pinto ng magsalita ako.
"t-tayka?"
Tumingin silang lahat sa akin. nakakahiya naman halos lahat ng mga ginagawa ng mga katulong na ito ay sabay-sabay, pati ang mga ulo nila ay sabay sabay talagang tumingin sa akin.
"n-nasaan tayo?"
Ngumiti lamang ang isang babae na ngayon ay siyang mag bubukas ng pinto. nagka tinginan silang lahat at sabay-sabay na tumango.
"t-tayk—" pigil ko, pero nabuksan na ng babae ang pinto.
Napa-awang naman ako sa nakita.
Napa awang ang bibig ko, nandito lang naman kami sa napakalaking library, hindi lang malaki, sobrang laki. at sobrang dami ng libro.
"woooow" wala na akong ibang nasabi dahil sa sobrang ganda ng paraisong nakikita ko.
Noong una bumibili lang ako ng libro pero ngayon ay nandito na lahat sa lugar na ito.
Nag echo ang boses ko dahil sa sobrang laki ng library na ito.
Mas malaki pa ata ito sa condo ko. baka nga maliit na langgam lang ang condo ko dahil sa napakalaking library na ito.
Napa takbo naman ako ng wala sa oras at excited na tiningnan ang mga libro sa library. ang swerte ko sa araw na ito!!.
Narrator POV
He tapped his fingers o his disk. habang hinihintay ang isang napaka halagang babae sa buhay niya.
He impetiently waiting. kanina pa panay ang tanong ni wisp sa kaniya kong nasaan na ba ang babae, kung tumakas na ba? o baka na stock na dahil sa sobrang laki at bigat ng gown na iyon.
kaya niya pinasoot si hannah ng dress kasi may na-aalala siya. na-aalala niya ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya na hindi niya pwedeng kalimutan.
Napatingin siya kay wisp na naiinip narin habang naka upo sa baso ng wine glass niya. busangot ang mukha nito kay lumalaki ang pisngi na sobrang sarap pisilin.
"bat ang bagal mag ayos ng mga babae?" iling na sabi ni wisp na tinatanong ang sarili.
Napa-iling at napa ngisi siya sa sinabe nito. totoo naman kasi.
May kumatok sa pinto.
"pasok"
Pumasok roon ang kanang kamay niya nasi calib qiyasa.
"master, the princess is done, she's in the library right now" anito habang naka tongo.
tumango naman siya.
Pagka labas ni calib ay tumayo na sila ni wisp at lumabas sa opisina niya.
Habang naglalakad sila sa mahabang hallway ay hindi mapigiling mapasayaw ni wisp. sobrang excited ito na makita ang prinsesa.
"easy"
"sigurado akong maganda siya sa soot niya ngayon, linagyan ko kasi iyon ng kapangyarihang bitwin at buwan basi narin sa kulay na gusto niya.
"hm" aniya at tumango.
Nasa harapan na sila ng malaking pinto. kung saan ito ang pinto ng silid aklatan, alam niya kung ano ang ginagawa ng babaeng nasa loob nito ngayon. napahinga siya ng malalim at hinawakan ang sidura ng malaking pinto.
Sobrang saya at gaan ng pakiramdam ko habang nag-babasa ng libro. hindi ko naman kinalat ang mga libro nakakahiya naman sa may ari, at alam kong si bwisit iyon.
Sobrang ganda at makabolohan ang lahat ng librong ito. magaganda pa ang desinyo, na animoy pang 18th century.
Halos sampong libro o higit pa ang aking nabasa.
Naka-upo ako ngayon sa malaking sofa at sa gitna ay may babasaging mesa. ayaw ko ngang ilagay ang libro sa mesa dahil baka mabasag iyon, mukha pa namang mamahalin mas mahal pa sa kaluluwa ko.
pero tinawanan lang ako ng katulong at sinabeng ayos lang daw, nahiya tuloy ako kanina.
kaya ngayon ay mag isa nalang ako rito sa napakalaki at napakalawak na library.
Naramdaman kong may presensya mismo sa likod ko kay mabilis akomg lumingon at sobra ang gulat ko dahil nasa harapan ko na pala ang sinasabe nilang master.
Kaya nabitawan ko ang hawak kong libro at napa atras ako pero lumapat ang mga paa ko sa mesa kaya nawalan ako ng balanse.
Napa sigaw ako dahil baka mapa upo ako sa mesa at baka mabasag iyon, wala pa naman akong pambayad.
Pero hindi mismo mesa ang naupuan ko dahil sa isang iglap na pagdilat ko ay nasa kandungan na ako ng lalaki habang siya ay naka upo sa sofa. tayka, ang bilis naman ata!
"ano ba!" inis na sabi ko.
Mabilis akong umalis sa kandungan niya at umupo sa kabilang sofa. inis na binalingan ko siya, ang damuho tumatawa pa.
Tumingin siya sa libro na binabasa ko.
"hm, fantasy book ha?"
Hindi ko siya sinagot at kinuha ko ang libro para magbasa.
"you loved fantasies?"
Napa-tamgo ako pero nakatingin parin sa libro.
"so,shall we introduced ourselves?"
Ah! nakalimutan ko na pala, kailangan kong malaman kong sino siya.
inilapag ko ang libro sa mesa at tumingin sa kaniya.
"sino ka? anong pangalan mo? bat mo ko dinala dito sa bahay mo?"
"easy women" ngisi na sabi nito.
Napahinga ako ng malalim.
"sige, sabihin mo sa akin ang lahat"
"MY name is niro acoste, I am the son of cristoffer acoste and Niara Acoste"
Tumango naman ako, pangalan palang niya mukhang pang mayaman na.
"at bakit ka nasa condo ko? at isa pa gusto ko ng totoong sagot, hindi iyong nanggaling sa libri o saan, mayaman ka nga pero pumapasok ka ng bahay ng hindi naman sayo" inis na sabi ko.
Nag cross arms ito at sumandal sa sofa.
"pano kung sabihin ko sayo na, hindi ako pumasok sa condo mo, maniniwala ka ba?"
Tumaas ang kilay ko.
"ha? ano sa libro nanaman?"
"tss, hindi ako pumasok sa condo mo at hindi ko mismo kasalanan kong bakit ako napunta roon"
Napatawa naman ako
"nababaliw ka na talaga" inis kong sabi.
"ang libro"
Napamunot ang noo ko
"sige lang magsinungaling kapa"
"doon ako mismo nanggaling" seryosong sabi nito.
Mas lalong akong nainis.
"ha! baliw kana talaga! hindi ko maintindihan ang sinasabe mo..." tumayo ako. "iuwi muna ako sa bahay"
"okay" anito at tumayo.
Napabaling ako sa kaniya
"at tayka, bakit mo nga pala ko pinag soot ng ganitong damit?"
Napatingin siya sa damit na soot ko at ngumiti
"it's a very special dress of my girl whene she dies" hindi ko na narinig ang huling sinabe niya dahil lumiit ang sinabe niya roon.
"well, kailangan ko ng magpalit, nasaan nga pala ang dati kong damit?"
"come"
Aakma na akong tatalikod para mauna sa kanya sa paglabas ay nagsalita ito.
"but remember this, don't trust anyone"
Na curious ako sa sinabe niya, binaliwala ko nalang iyon at hindi na pinansin. baliw na talaga siya, hindi ko alam kong ano ang pinapahiwatig niya.
Nasa baba na kami sa sala ng bahay niya.
"master, naka handa na ang almusal"
"calib, hindi na ako kakain sasamahan ko siyang umuwi"
Napatingin naman sa akin ang calib at nahiyang ngumiti. namula ang mukha nito
Bumaling sa akin si niro at sinamaan ako ng tingin pero sinamaan ko rin siya tingin akala niya siya lang ang marunong.
"calib"
"master?"
Sininyasan siya ni niro at nag usap silang dalawa. hindi ko na narinig ang pinag uusapan nila dahil umalis sa harapan ko ang dalawa at nagtungo ang mga ito sa garden.
Pina-upo naman ako ng mga katulong sa sofa at binigyan ng makakain. sinabeng hintayin ko nalang daw ang master nila.
Matapos ang ilang minutong paghihintay ay pumasok nasa loob ng bahay silang dalawa.
Naunang pumasok sa loob si calib at ang mukha nito ay parang bigo. sumunod naman sa kaniya si niro.
"come on, iuuwi na kita"
Tumayo na ako at sumunod sa kaniya palabas.
Pagbagsak akong humiga sa kama ko. kaka-uwi ko lang kanina sa condo isang oras na ang nakaka lipas.
Hindi ko mapigilang isipin ang sinabe niya sa akin kanina.
"salamat sa paghatid" sabi ko at aakmang isasara na ang pinto ng condo ko pero pinigian niya iyon.
"bakit?"
"Kahit anong marinig o sabihin sayo ay wag kang maniniwala, maliwanag?"
Napa konot ang noo ko, alam kong hindi siya nag bibiro kasi seryoso ang mukha niya.
Dahan dahan naman akong tumango at ngumiti.
"wag kang mag alala, hindi na ako bata para makipag usap sa mga strangers, cge salamat sa paghatid"
Ano nga ba ang ibig niyang sabihin, well, hindi ko na dapat isipin iyon dahil hindi nanaman kami magkikita, ito na ang last. nasagot na niya ang katanungan kung bakit siya naka pasok sa condo ko kaya tapos na ang problema ko.
"alam mo bang isang linggo kang hindi pumasok"
Napatigil naman ako dahil sa sinabe ni lara.
"ano!" hindi naman kasi ako makapaniwala, eh kahapon lang ako umuwi.
"oo,yes, tama ang rinig mo" sabi nito at umupo sa dati naming pwesto dito sa cafeteria.
Napatawa naman ako
"wag mo nga akong lukuhin"
"mukha ba kitang linoloko, at isa pa minsan lang akong mag loko" oo nga pala, minsan lang mag-loko ang isang lara domingues.
Ano ba ang nangyayari, ano ba talaga ang taong iyon, tayka, so isang linggo rin akong tulog?!
"alam mo, nasa isip ko nga baka na kidnap kana o ano at isa pa pinuntahan kita sa condo mo pero wala ka naman doon, sabihin mo nga saan ka nag pupunta?eh, wala ka namang kamag-anak dito sa pinas"
Hindi ko nalang siya sinagot, napa tingin nalang ako sa kawalan, ano ba kasi ang nagyayari, iyong lalaki ba ang may pakana nito, pina tulog ba niya ko ng sleeping pills para isang linggo akong makasama niya sa wierdo niyang mansyon.
Napa iling nalang si lara at inabot sa akin ang notebook niya.
"ito,mga assignment natin, kopyahan mo na habang may oras pa"
Wala naman akong nagawa kundi kopyahin nalang iyon. ayoko namang mahuli sa klase no.
Narrator POV
"her name is hannah ferrira, master"
Tumingin naman si Niro sa litrato ng dalaga.
Nakangiti ito sa litrato habang naka soot ng pang graduation na uniform at may hawak itong isang bouquet ng flower.
Kahit hindi na niya alamin ay alam na niya kung ano o sino si hannah ferrira, sobrang tagal na niya itong hinahanap at pasalamat siya ng nahanap na nga niya ito.
At kahit anong mangyari ay hindi na niya ito papakawalan pa.
✔︎ZN