chapter 2

2639 Words
Chapter 2 Isang lalaki ang nakatayo sa ibabaw ng sofa ko. wala itong soot nakahit ano sa paa. naka-soot lang ito ng short na makaluma at wala itong damit pang-itaas. Dahil sa gulat ko ay tinanong kong kun sino ito pero ang loko ay tinanong din kung sino ako!!nag-mamaang-mangan pa siya eh halatado naman na magnanakaw siya at nais nakawan ang condo ko. Kaya sa galit ko at gulat ay napa-sigaw ako at ibinato sa kanya ang mga gamit na nakukuha ng kamay ko. "AaaaHhhhh!!, magnanakaw!!!" sigaw ko at kinuha ang walis at ibinato sa kanya. "magnanakaw ka!! lumabas ka sa condo ko!!!" Umiilag naman siya sa mga ibinabato ko sa kaniya. ang kapal ng mukha niya, magnanakaw na nga siya may gana pa siyang dumihan ang sofa ko. Kinuha ko ang unan sa sofa at ibinato sa kanya. umilag naman agad ito. nasa likod ako ng sofa habang galit at sinisigawan siya at siya naman ay nasa harapan ng sofa at umiilag sa mga ibinabato ko sa kaniya. "lumayas kasa condo ko!! hindi ako rich kid na pag-nanakawan mo!!" "t-tayka" aniya habang umiilag. kinuha ko ang sapatos na soot ko at ibabato ko na sana sa kanya pero nag-salita ito "tayka, hindi ako masamang tao" anito "anong hindi! alam kong mag-nanakaw ka! bat ka pumasok sa condo ko! ano rapest ka ba ha! sumagot ka!" Nag-cross arm ito at tumingin sa akin "kung magnanakaw ako edi ninakawan na kita at tyaka may nakita ka bang ninakaw ko" Nakita ko kanina na wala naman siyang hawak na bag. pero bakit siya naka-hubad baro sa condo ko!? Nanlaki ang mga mata kong may mapag-tanto ako. "r****t!! r****t!!Aaahhh!!!" matilis kong sigaw at ibinato sa kaniya ang sapatos na hawak ko. Napahawak naman siya sa ulo niya dahil sa ulo siya natamaan ng sapatos ko. "ah, woman!" inis na sabi nito. Hah! at siya pa ang galit! "lumayas ka sa condo ko! kung hindi ay tatawag ako ng security! layas!" "no" bored na ani nito Hindi ako maka-paniwala sa narinig ko. "ikaw! may balak ka ngang pag-samantalahan ako! wala kom paki kong gwapo ka! pero r****t ka kaya layas!layas!" aniko. Umupo lang ito sa sofa ko at kinuha ang magazine sa ibabaw ng table. umuusok ang tenga ko sa ginagawa ng gagong ito. sino ba siya? ha? ni hindi ko naman kilala to ah! Napataas ang isang kilay nito sa binabasa at tumingin sa akin "you're book is interisting" book? book ko mukha niya eh! hindi ba ito marunong tumingin sa hawak niya! eh hindi naman iyon libro. "magazine iyan! at pwedi lumayas ka na sa condo ko!" Tumingin lang ito sa akin at ibinalik ulit ang tingin sa magazine. abat "ayaw mong umalis ha" banta ko. kaya lumapit ako sa gilid ng table at kinuha doon ang tilipono at tinwagan ang manager ng building. "yes hello!" nagpapasalamat ako dahil sumagot ang manager ng building. minsan kasi walang sumasagot. "may magnanakaw mismo dito sa condo ko! yes! pumunta kaagad kayo dito! bilisan niyo" at ibinaba ko na ang tawag. Tumingin naman ako sa lalaking nasa sofa pero nagbigla ako dahil nanadito na ito sa harapan ko at tumatawa ng mahina. "calling the cops?" Itinaas ko ang isang kilay, pero mabilis ko siyang hinawakan sa dalawa niyang kamay at pinatalikod siya. sinipa ko ang dalawang tohod niya. Naka-talikod na siya sa akin habang naka-lohod at hawak ko ang dalawang kamay niya. "ah!" angal niya "ngayon wala ka ng kawala, tinawagan ko na ang mga police para dakpin ka, mr. r****t" ngising sabi ko "s**t!" aniya alam kong nasaktan siya sa pag-kakahawak ko sa dalawang kamay niya. mahahaba kasi ang mga koko ko eh. Sa iglap ay nabigla ako dahil nasa ibabaw na niya ako at naka-higa na ako ngayon sa sahig ganon ka bilis ang pangyayari. Tinakpan niya ang bibig ko habang ako naman ay nag-lilikot para hindi mangyari ang binabalak ng baliw na ito. "Hhhmmppp" Lumapit ito sa tenga ko at bomolong "Ssshhh" Narinig ko sa labas ang doorbell at alam ko ang manager iyo at ang mga pulis. "Hhhmmppp" Dinaganan niya ako para hindi magalaw ang mga paa ko lumapit ulit siya sa tenga ko at bumulong ulit pero ngayon ay hindi ko na ma-intindihan ang sinabe niya sa akin dahil bigla nalang kumalma ang sarili ko at hindi ko na alam kong sino ang nag kokontrol nito. Umalis siya sa ibabaw ko at dahan-dahan niya akong itinayo. "now tell them, that I am your friend" bolong niya sa likod ko. Dahan-dahan naman akong tumango at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto. Narrator POV Napangisi naman siya dahil hindi niya gustong gawin iyon sa dalaga pero matigas ang ulo nito kaya kahit labag sa kalooban niya ay ginawa nalang niya. May sumuntok naman sa braso niya pero maliit lang iyon, ang gurdian niyang si wisp. sa makabagong mundo ang tawag sa kay wisp ay fairy dahil maliit itong tao na lumilipad na may gintong pakpak pero sa mundo nila ay kanang kamay nila ito at kaibigan panghabang-buhay. hindi kasi tumatanda ang mga wisp. namamatay lang ang mga ito kung itaboy sila ng amo nila. doon sila malulungkot at mamamatay. Lumapit sa tenga niya si wisp at tinanong siya. "bakit mo ginawa iyon?" anito sa maliit at cute na boses. "no choice, wisp" aniya. Nakita niya sa peripheral vision na nag cross arm si wisp at busangot ang mukhang tumingin sa kaniya. Hannah POV dahan-dahan kung binuksana ng pinto. "bakit po" marahan kong boses "ma'am ferrira,nandito na kami at ang mga police" "hindi na kailangan, joke joke lang iyon namin ni frieny kaya tinawagan ko kayo, nag-lalaro kasi kami ng truth or dare" mabagal kong boses pero ang isip ko ay nasa malayo. Nakita kong sumama naman ang mukha ng manager. "ma'am sa susunod wag niyo ng abalahin ang mga police sa mga ganito kung laro-laro lang, hindi po nakakatuwa" pormal at matigas na sabi ng manager. Marahan akong tumango. "joke joke lang iyon" ngising ani ko. "chief, im sorry to disturb you pero hindi totoong may magnanakaw, nagbibiro lang ang batang ito" sabi ng manager sa mga police. Napakamot naman ng ulo ang mga police "na abala pa kami pero ayos lang" tumingin sa akin ang police "pero bata wag monang uulitin iyon ha. Dahan-dahan naman akong tumango at kumaway pa. Pagka-sara ko ng pinto ay doon bumalik ang lahat. piniling ko ang ulo ko at napa-kamot. nanlaki ang mga mata ko ng mapag-tanto ko kung ano ang ibinigay sa akin ng lalaking iyon. Masama ang tingin kong tumingin sa kaniya. ang loko, komportableng naka-upo sa sofa. "lumabas ka ngayon din sa condo ko" mariing ani ko. Tumayo naman ito "look, Im not a thief or a r****t, I am here for..." napa-hinto naman ito "ano!?" "ok, lalabas ako. pero babantayan kita" hindi ko na narinig ang huli niyang sinabe dahil naglakad na ito palabas ng condo ko. Napahinga naman ako ng maluwag at siniguradong naka lock ang pinto. inayos ko ang mag nag-kalat na gamit at chineck ko rin kong may ninakaw ba ang taong iyon. chineck ko rin ang mga damit ko baka r****t iyon at pinag-nanasaan ang mga damit ko. Pero naka lock naman ang kwarto ko kaya hindi siya makakapasok kaya sa sala lang siya namalagi hanggang sa maka-uwi ako. ichecheck ko bukas sa cctv kong bakit naka-pasok ang taong iyon. kaya ngayon hindi ko muna poproblemahin. Late na akong gumising ngayong umaga dahil sa wala namang pasok ngayong araw. kaya matapos gawin ang morning ritual ko ay lumabas na ako ng condo. Pagka-labas ko palang ng condo ay nakita ko iyong lalaki. naka-upo ito sa gilid at natutulog. Inirapan ko ito at muling naglakad. Nasa first floor na ako at pupunta nasa Cctv department at papaimbistigahan ko doon kung bakit naka-pasok ang damoho sa condo ko. "sigurado ho ba kayo ma'am?, basi kasi sa nakita namin sa cctv footage ay wala namang kakaibang nangyari sa condo niyo" paliwanag sa akin ng lalaki. ang nagbabantay sa cctv. Napakonot ang noo ko, anong wala eh bakit naroon yong lalaki sa loob ng condo ko at naka hubad pa! "anong wala..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumingit ang cctv manager. "bakit po ma'am, may naka-pasok ho ba sa condo niyo?" Napa-isip naman ako, kung sabihin ko sa kanila ang totoo at ituro ang lalaki na pumasok sa condo ko ay naroon mismo sa labas ng condo ay baka makulong pa ito. Hindi naman sa naaawa ako sa lalaking ito. pero paano kung mali pala ang hinala ko. baka, may sarili siyang condo dito sa building mismo at baka nagka-mali lang siya sa pinasukang condo dahil magkakapareho naman ang desinyo ng condo dito. Napangiti ako at napakamot ng ulo "hehe wala naman po, maraming salamat po sa tulong" Awrkward naman akong lumabas ng cctv department. Nag cross-arm ako habang nasa lobby. "miss?" "yes ma'am?" "may kilala ka bang lalaking maputi, matangkad na payat tas bariton ang boses?" tanong ko sa babaeng empleyado na naglalakad kanina. "pasensya na po ma'am, mahigpit na ipinag-babawal pong hindi ibibigay ang impormasyon ng isang tao na naka check-in dito sa Naxen eflre condominuim building." "ahh, cge pasensya na" Wala akong nagawa at bumalik nalang sa condo ko. nakita ko sa labas iyong lalaki, nakatayo na ito at parang may kinakausap. baliw ba to? Hindi ko ulit siya pinansin at binuksan ko ang condo. pagka-pasok ko sa loob ay napa-sandal ako sa pinto dahil parang nakokonsensya ako. eh bakit nga ba ako nakokonsesya? Wala pa namang damit ang taong iyon. alam kong kagabi palang ay nilalamig na siya dahil tanging saplot lang niya ay iyong lumang short. Nag-templa ako ng kape habang naka-upo sa upuan. ipinag-siklop ko ang dalawang kamay ko na nasa mesa. para kasing nakokonsesya ako. para kasing hindi niya ako ninakawan. wala naman siyang ninakaw na kahit isa sa condo ko. Tumayo ako at dumeritso sa pinto at binuksan ito. nakita ko itong tumingin sa akin at napa-ayos ng upo. Iniwas ko ang tingin ko sa katawan niya. kahit na hindi ko kilala ang lalaking ito ay ang ganda ng katawan niya at ang puti-puti pa. "pasok ka" Nasa loob na kami ng condo ko, pina-upo ko lang muna siya sa sofa habang ako naman ay umakyat sa itaas para kumuha ng malaking t-shirt. nasisilawan kasi ako sa abs niya! Matapos kong makuha ay bumaba na ako. nag-salubong ang dalawa kong kilay dahil ang damoho ay komportabling naka-upo sa sofa ko at ang mga paa niya ay naka-sabit sa glass table ko. Malakas kong itinapon ang T-shirt at sapol iyon sa mukha niya. nag cross-arm naman ako. Napatayo naman ito at masamang tiningnan ako aambang mag-sasalita na ito pero inunahan ko na siya. "ano? sasagot ka? pasalamat ka nga naawa ako sayo eh, kahit magnanakaw ka" nag cross arm ako. "kaya ayosin mo ang sarili mo, dinudumihan mo ang mesa ko oh" Bored naman itong tumingin sa akin "tss, hindi ko intensyon na lumabas mismo dito sa bahay mo" anito at isinoot ang puting malaking t-shirt na ibinigay ko sa kaniya. "so tell me, san ka nanggaling, ano ang pangalan mo? bat ka nakapasok dito sa condo ko?" Titinaas naman nito ang dakawang kamay na animoy sumusuko. "easy woman" "hindi ko ako nakikipag biruan sayo" nakataas kong kilay na sabi. umupo ako sa sofa habang nakaharap sa kaniya. "bat d ka nagsasalita?" "tss" "mahirap bang sabihin kung bakit ha? o sadyang takot kalang kasi malalaman ko na magnanakaw ka talaga" inis na sabi ko. "look, im not magnanakaw or wathever youre saying, ok? baka pagsabihin ko sayo hindi ka maniwala" Abat! mabilis akong tumayo at cross arm na lumapit sa kaniya. "masama akong magalit, mr, masama" bolong ko. "saan ka nanggaling?" Matiim naman itong nakatingin saakin at ngumiti "diyan" anito. napatingin naman ako sa itinuro nito. halos magsilabasan ang dugo sa katawan ko dahil sa itinuro niya. Nakita kolang naman ang makalumang libro ng matanda noong nakaraang araw. papaano iyon napunta sa condo ko? somebody explain it? nasa gilid ito ng sofa. dahan dahan akong naglakad rito upang kunin. hinawakan ko ito at tiningnan. hindi na naka lock ang libro, ibig sabihin ay binasa na ito. Papaano ito napunta saakin? baka, pumasok ang matanda dito sa condo ko at inilagay niya ang libro. hindi-hindi, malabong mangyari. Ipiniling ko ang ulo, may pumasok nanaman sa isip ko. baka, may kapangyarihan ang matanda at nalaman niya kung nasaan ang condo ko. pero hindi malabong mangyari ulit iyon. ipiniling ko ulit ang ulo ko, may pumasok nanaman sa isipan ko. baka, pagkatalikod ko ay ipinasok ito ng matanda sa bag ko? tama-tama, posible nga iyon, medyo malaki-laki kasi ang bag ko eh, hihi tumango-tango naman ako. Sinamaan ko ang tingin ang lalaki habang nagtatakang nakatingin sa akin. bigla nalang kasi akong tumawa ng malakas. "HAHAHAHA nagpapatawa kaba? HAHAHA sinong matino ang maniniwala sayo? ha? HAHAHAHA" pinunasan ko ang luha sa mga mata ko dahil sa kakatawa ng malakas. Nagtataka naman akong tiningnan nito. "im not lying" "HAHAHAHAHAHAHA" at someryoso ang mukha ko."baliw, lokohin mo nanay mo pero ako hindi mo maloloko, don ka sa mental baka may maniwala pa sayo HAHAHAHA" Nagalakad ako sa kwarto habang patawa-tawa, hay naku, marami na talagang baliw ngayon. Mamaya ko nalang siya kakausapin kung tapos na akong himasmasan. Hindi ko alam na nakatulog na pala at pag-gising ko ay gabi na. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon dahil alam kong wala na siya sa bahay ko wala na kasi akong naririnig na ingay sa baba. Bumaba na ako sa sala at nakita ko na wala ng tao doon. nakahinga ako ng malalim dahil umalis na nga talaga ang taong iyon. Pumunta na ako sa kusina para mag-luto ng pagkain ko ngayong gabi. pero napatigil ako dahil nag-iingay ang kusina. sino ang nandoon? Dahan-dahan akong sumilip pero napatigil ako ng makita kong sino ang pangahas na naroon. Iyong lalaki lang naman. nag-luluto ito habang may soot na pink kong apron at sa kanang kamay naman niya ay may hawak na sandok. Dahan-dahan akong nag-lakad sa kinaroronan niya at nakapa-meywang akong tumingin sa kaniya. ang lapad at laki naman ng likod ng lalaking ito. baka isa lang akong unan na bubuhatin niya dahil sa sobrang tangkad at ang laki ng katawan. "ang kapal naman ng mukha mong gamitin ang kusina ko" inis kong sabi. Napa-tigil naman ito sa pag-luluto at humarap sa akin. "Shh women" anito at inilagay pa ang isang daliri sa labi niya na ibig sabihin ay 'wag akong maingay' "pasalamat ka pa nga dahil ipinag-luto pa kita" anito at bumalik sa pag-luluto "ni hindi nga kita kilala eh, kaya pwede ba umalis kana" "no, why are you so kulit" inis na sabi nito "at bakit hindi pwede? hindi naman kita kilala ah, at isa pa baka nga masamang tao ka kaya makaka-alis kana" "tss" "kapal naman ng mukha mong mag-desisyong hindi ka aalis dito sa condo ko. kong gusto mo ang condo dito ay sa ibang kwarto ka magpa lagay" "shut up, I'll explain to you everything kapag handa kana" Napatawa naman ako ng malakas "baliw! explain mo mukha mo" Wala na akong nagawa kundi ang hintayin ang taong ito na matapos sa pag-luluto. naka-upo na kaming dalawa ngayon dito sa upuan sa kusina at naka-hain na ang linuto niyang..hindi ko alam kong anong pangalan ang nga iyon. "let's eat" anito at kinuha ang kurbyertos at kutsara. nagsimula na siyang kumain Nakatingin lang ako sa kaniya. hindi ko kayang kumain sa hindi ko luto baka kasi may laso iyon. Tumingin ito sa akin "why can't you eat?" Nag-iwas ako ng tingin dahil ang gwapo parin niya kahit may momo sa gilid ng labi niya. "busog pa ako?" "I can see that" anito habang pinakinggan ang pag-tunog ng tiyan ko. Tumawa naman ito at inis na tumingin naman ako sa kaniya. "hindi ka pa rin ba gutom?" Tumayo ako "hindi!" Habang papapunta ako sa kwarto ay naririnig ko parin ang tawa ng damoho. magpapa-order nalang ako sa foodpanda. Umaga nanaman bagong good mood at bagong bad mood, matapos kong gawin lahat ng ginagawa ko sa umaga ay nasa baba na ako at nasa pinto ng cr Hininhintay ko kasi ang lalaking iyon na mag-bihis ng desinteng damit. pag-gising ko kaninang umaga ay naabotan ko siyang natutulog sa sofa. kaya ngayong umaga ay napag-pasyahan ko siyang dalhin sa mga police, hindi para kasuhan kundi ay ireport na nawawala siya. baka kasi baliw ang taong ito at sa condo ko pa napadpad at isa pa panay ang english eh hindi naman siya nasa new york. Tiningnan ko ang oras, hindi pa ako late pina-bibilis ko lang talaga siyang mag-damit ng maayos sa banyo, at para maaga kaming pumunta sa polisya. "bilisan mo" Walang sumagot kaya nag-hintay ako. matapos ang sampong minuto ay hindi parin ito lumalabas. Kinatok ko na ito. "pwede paki-bilisan! naku! mas mabilis pa sayo ang babae kung kumilos!" nag cross arms ako dahil sa sobrang inis. Hindi ko namalayan na lumabas na pala ito sa banyo at grabe umaalingasaw ang magandang amoy. "done?" sarkastiko nitong sabi. Naligo pala ang loko kaya ang tagal. "ang sabi ko bihis lang, hindi maligo, tara na nga" •• "saan ka nakatira?" tanong ng police sa lalaking naka-upo ngayon at ini-interview at ako naman ay nasa likod ng lalaki at nakatayo. "ano ang pangalan mo iho?" medyo na iiritang sabi ng police. Kanina pa kasi siya nag-tatanong pero ang tinatanong naman niya ay hindi sumasagot. Naka-cross arm lang ang lalaki at komportableng naka-upo, nakatingin ito sa labas ng bintana. Napa-kamot ng ulo ang police. "iha, bingi ata itong kasama mo?" Napa-ngiti naman ako ng pilit. "ah eh..." ani ko, eh hindi ko naman alam kong ano ang sasabihin ko eh. Alam ko naman umaacting lang ang lalaking ito na hindi kuno marunong mag-sasalita. eh nong nasa condo ko nga siya, nakakapag-salita naman to. Bumulong ako sa lalaki. "ano hindi kaba mag-sasalita?!" inis na bolong kong sabi, napa-tss naman ito. Bumaling naman ako sa police at tyaka ngumiti. "hehe, babalik nalang po kami"sabi ko at tyaka hinablot ang lalaki sa braso at tumakbo papalabas ng polisya. nakakahiya! Nasa park na kami at doon ko inilabas lahat ng sama ng loob ko. kahit wala akong problema ay dumating naman ang isang napaka-laking responsebeledad. "bakit ba ayaw mong mag-salita! ha?" nakapa-meywang kong sabi. "hindi kanaman bingi ah!" "magsalita ka nga sabi!?" "hah! gago ka pala eh! hoy! kung dumating kalang sa buhay ko para paglaruan ako! edi dyan kana! at hanapin mo mag-isa ang pamilya mo!" galit kong sabi at nagdadabog na umalis sa harapan niya. Narrator POV Nakatingin lang siya sa likod nong babae. napa-aray naman siya ng kurutin siya ni wisp sa tenga ng maliit nitong mga kamay. "bakit mo siya ginaganyan!" inis nitong sabi. "what?, I was just teasing her" "nahanap mo na siya tapos pakakawalan mo!" Napahinga siya ng malalim. "what do you want me to do? tell her the truth? hindi pa oras" Tinapik siya ni wisp "ang babae!" Nanlaki ang mga mata niya ng mapa-dako ang tingin niya sa babae, tatawid ito sa kalsada na hindi alam na may paparating na truck. Sa isang iglap ay para siyang hangin na nawala at nasa mga bisig na niya ang babae na walang malay. ✔︎ZN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD