Isang buwan ang matuling lumipas pagkatapos na maging malaya ni Lacim mula sa kanyang pamilya. Nang araw na iyon ay dumeretso siya sa kanyang hideout upang mag-impake ng kanyang mga importanteng mga gamit na dadalhin sa kanyang pag-alis. Dinala niya ang kanyang laptop na sa mga sandaling iyon ay pasalamat siyang nasa hideout at wala ito sa kasama niyang inabandonang unit. Umalis din siya sa hideout ng araw na iyon dahil alam niyang alam ng Ate Lakris niya ang kanyang address dito, at sigurado siya na pupuntahan siya ng mga ito sa lugar na iyon upang kumbinsihin na bumalik at humingi ng tawad sa kanilang mga magulang. Bagay na itinatak niya sa kanyang sarili na hindi niya gagawin hangga’t hindi pa rin siya ng mga ito pinapalaya. Pinili niya na lang manirahan sa makipot at studio type na

