Kanina pa nakaparada malapit sa tapat ng tahanan ng mga Evangelista ang sasakyan ni Lacim ngunit hindi niya magawang bumaba doon at malakas ang loob na dito ay agad pumasok. Ilang dipa lang ang layo niya mula sa kanilang tahanan. Natatanaw niya na ang sasakyan ng asawa na nakaparada sa labas ng kanilang tahanan. At ang bagay na iyon ay tila nagpawala sa kanya ng lakas na umaapaw kanina nang makita niya iyon. Umuklot na naman ang kanyang dilang biglang natakot magsalita. Pakiramdam niya ay tatakasan siya ng lakas oras na makaharap na niya doon ang asawang isang taong hindi nakita. “Lacim, kaya mo iyan.” mahina niyang kumbinsi sa kanyang sarili, “Nagpraktis ka na ng mga salitang sasabihin mo sa kanya, ang magiging paliwanag sa buo niyang pamilya.” Ilang minuto pa ang lumipas at hind

