Takipsilim na nang marating nila ang harapan mismo ng apartment na binili ni Aleigh, mabilis sana silang makakarating kung wala lang silang baby na kasama sa naging biyahe. At dahil may kasama silang baby kung kaya naman naging marahan ang takbo ng sasakyan, kahit pa nang si Aleigh na ang magmaneho noon, naka-slow down pa rin siya dito nang dahil sa kanyang anak. Nauna na si Aleigh pumasok ng apartment, karga si Ale na noon ay nahihimbing pa rin sa kanyang pagtulog. Hindi alintana ang ingay ng paligid, habang nasa likod nila si Aiza na hila ang dalawang maleta nilang dala. Babalikan na lang niya ang ibang maleta na naiwan pa sa kotse. Marahang inilapag ni Aleigh si Ale sa crib nito na ipinasadya pa nilang magkaibigan. Hindi ito nagising kahit na nailapag na doon, bagay na maliit na ikinang

