Maganda ang sikat ng araw na iyon kahit pa napapadalas na ang buhos ng malakas na ulan. Mahigpit na niyayakap ni Aleigh ang kanyang anak na nakabihis na ng panglakad, nakatayo siya sa may pinto ng Villa at hinihintay ang paglabas doon ni Aiza. Inilalagay nito ang kanilang mga gamit na dadalhin paalis sa compartment ng kanilang sasakyan. Iyon ang araw na kanilang napag-usapan na babalik na sila ng lungsod at kailangan na si Aleigh ng kanyang kumpanya. At kahit naisin pa niyang magtagal sa lugar na iyon ay hindi pwede dahil na rin sa kapatid niyang napupuno na ng mga pagdududa ang isipan. Kung kaya naman minabuti na lang niyang bumalik na tutal tatlong buwan na ang anak. Hindi naman siya mahihirapan dahil kaagapay niya si Aiza, at mula sa simula ay sa bottle ito dumedede at hindi naman sa k

