Sa unti-unting pag-ayos ng relasyon ni Lacim sa kanyang pamilya ay ang pagbabalik niya rin sa kanilang mga kumpanyang kanyang inabandona. Hindi na iyon kagaya ng dati na siya lang ang namamahala. Ngayon ay tinutulungan na siya ni Lakris at Lucrezio upang ika ng mga ito ay hindi niya mahirapan. Ngunit siya pa rin ang mananatiling amo ng mga ito. Napunta sa kanya ang pamamahala ng bars and restaurants, sa Kuya Lucrezio niya ang hotels at ang taniman ng tubo ay nanatili sa pangangalaga ni Lakris na madalas na hindi na sumasama sa kanyang mga kaibigan upang libutin ang buong mundo. Sa set-up nilang iyon ay hindi na nahirapan pa si Lacim, ngunit naging abala siya sa pag-aayos ng mga problema ng mga ito na hindi magawa ng kanyang dalawang kapatid. At sa loob lamang ng dalawang buwan ay muling um

