Gabi na nang sapitin ng dalawa ang nasabing hospital, bukod sa inabutan sila ng malakas na buhos ng ulan ay naipit din sila sa mahabang traffic na ang dahilan ay ang panukalang road widening na kanilang nadaanan. Sa labas pa lang ng hospital ay sinalubong na agad sila ni Lucrezio na nakalarawan sa buo niyang mukha ang labis na pag-aalala sa kanilang ama na nananatili pa rin na unconcious. Mahigpit niyang niyakap si Lacim, kasabay ng kanyang mahinang usal ng pasasalamat dahil sa mga sandaling iyon ay dumating ito. Yakap na puno ng kanyang pananabik sa kanyang kapatid na noon lang niya ulit nakita. Bagay na maliit na ikinangiti ni Lacim, nararamdaman na rin ang pangungulila sa kanila. “He is still unconscious,” sagot ng kapatid nang tanungin ni Lacim kung kumusta na ang kanilang ama, “Wa

