Walang mapagpipilian ay nagpasya na lang ang magkaibigan na lisanin ang baranggay. Si Lacim pa rin ang nagmamaneho ng sasakyan ng mga sandaling iyon na lumilipad na ang isipan sa malayong kawalan. Hindi niya maalis sa kanyang agam-agam ang ginawa noon ng kapatid ni Aleigh na si Freya sa kanyang kaibigan na si Julian. At ang bagay na iyon ay nagresulta pa ng aksidenteng pagkawala ng unang supling ng ngayon ay mag-asawa na. Nakailang iling pa siya, pilit na kinukumbinsi na ibnag babae si Aleigh. Ngunit hindi mawala sa isip niya na baka buntis din ang kanyang asawa kung kaya ay nagtatago ito sa mga oras na iyon. Isang bagay na alam niyang imposible nitong gawin dahil makakasama lang ito sa lahat. Alam niyang magkaiba ang takbo ng isipan ni Aleigh noon kay Freya, mas matured siyang mag-isip ke

