Nagpatuloy ang buhay ni Aleigh na umikot lang sa kanyang trabaho at anak sa nakalipas na isang buwan. Hindi niya na muling nakita pa si Lacim magmula ng gabing iyon na lingid sa kanyang kaalaman ay abala sa tubuhan nila na pinapatakbo ng kanyang kapatid. May problema iyong kinakaharap at tanging siya lang ang makakalutas ng suliraning ito. Unti-unting nakapag-adjust ng oras at panahon si Aleigh na nakalaan para sa kanyang anak at trabaho. Kapag weekend ay kasama niya ang kanyang anak, malaya siya doong nakakatulog dahil ang rason niya sa kanyang mga magulang ay mayroon siyang travels. Sa weekdays naman ay sa tanghali niya lang nakikita ang anak na napapansin na niya ang mabilis nitong paglaki. Bagay na naiintindihan na ni Aiza na nasanay na rin sa kanya. “Hindi mo na kailangang kumuha

